Chapter 40

1.9K 44 5
                                        

Labis-labis ang kaba ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni Papa Melchor. Ngayon lang ulit ako makakalapit sa kwarto niya mula noong sumama ako kay Blade. Ang totoo ay isang beses lang akong nakapasok sa kwarto nila ni Mama. Noong highschool ako. Inako ko ang trabaho ni Yaya Poring na maglinis kasi that time hindi siya pwede dahil nagkasakit siya. That was also the time when I had my first whip. Naglilinis ako sa kwarto ni Papa nang abutan niya ako. Hindi ko alam pero bigla siyang nagalit at pinalabas niya ako. Natatandaan ko pa kung gaano siya kagalit noong abutan niya ako sa loob ng kwarto nila ni Mama. Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit gayong nilinis ko lang ito. Ang totoo ay wala akong nakitang isang picture man lang ni Mama doon. Siguro ay tinago ni Papa. Sobra siguro siyang nasaktan dahil sa pag-iwan ni Mama sa kanya. 

I've done enough sufferings and dealt with so much pain too. Hindi lang sa pag-mamalupit ni Papa pero maging sa kakulangan ko sa aking sarili. I never really had the chance to feel what it's like to have a mother. Yung pagmamahal ng isang totoong nanay . Tapos na akong magtampo at magalit kay Mama. Nakakapagod din palang magtanim ng sama ng loob. Naisip kong wala rin namang maidudulot na mabuti sa akin kung hahayaan ko ang sarili kong mabuhay sa galit at sama ng loob.

Si Yaya Poring ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko hanggang sa dumating si Blade. Blade is my light. Dinala niya ako sa ibang bahagi ng buhay ng pagiging tao ko maliban sa mga natutunan ko kay Yaya. Paano pa kaya ako mabubuhay kung wala si Blade? Yun ang hindi ko alam......

Pinuno ko ang aking dibdib ng hangin saka huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng kwarto ni Papa.

"Sino yan?" boses ni Papa mula sa loob.

"Ako po ito, Pa. Si Andrea. Pwede ko po ba kayong makausap?" sagot ko naman.

"Bukas yan." aniya.

Pinihit ko ang seradura saka pumasok sa kwarto niya. Naaninag ko agad ang bulto ni Papa. Nakatayo siya malapit sa may bintana. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o maghihintay akong tawagin niya ako para makalapit sa kanya. Naroon pa rin ang kaba at takot ko sa tuwing magkakalapit kaming dalawa.

"Ilang buwan na ang dinadala mo?" malamig ang boses niya. Nagulat pa ako dahil sa tanong niya. Ngunit di naman ako nagtatakang alam niya. Marahil ay sinabi na ni Yaya Poring ang tungkol sa kalagayan ko.

"Mag-iisang buwan na po." 

Nakakapanibago na nakatayo ako ngayon dito sa loob mismo ng kwarto ni Papa at kami lang dalawa. Walang nangyayari. Hindi niya ako sinasaktan at sinisigawan. 

"Papa, gusto ko lang pong itanong kung bakit kayo galit na galit sa akin? Kung bakit hindi niyo ako minsan man minahal bilang isang anak? Kung bakit ang lupit niyo sa akin? "

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sunod-sunod na tanungin siya sa mga bagay na hanggang ngayon ay bumabagabag sa akin. Kailangan ko ng kasagutan. Pakiramdam ko kasi ito ang mga bagay na kulang sa akin. Masaya ako, oo, sa piling ni Blade. Pero baligtarin ko man ang mundo, bahagi si Papa sa buhay ko dahil dugo at laman niya ako. 

"Papa, bakit po ganun? Hindi lang naman po kayo ang iniwan ni Mama? Nawalan din po ako ng isang ina pero ni minsan po hindi ko naisip na may ginawa kayong hindi maganda sa kanya para gawin niya ang bagay na iyon. Pero bakit po sa akin niyo lahat ibinunton?" 

Ni hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahikbi dahil sa tagal ng panahon ay ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na ilabas at iparinig sa kanya lahat ng hinanaing ko. Hindi naman siya siguro magagalit at saktan ako lalo na at alam niya ang kalagayan ko.

Nakita ko ang pag-igting ng kanyang bagang at ang paghalukipkip niya na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa. May kung anong emosyon akong nakita sa kanya pero saglit din iyong nawala ng tumalikod siya sa akin saka bumaling sa tanawin mula sa bintana.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon