Chapter 43

1.7K 54 0
                                        

"Sweetheart, aalis ka ulit ngayon?" tanong ni Blade nang makitang tapos na akong magbihis. Hinila niya ako saka niyakap mula sa likuran.

"Ah oo, Blade." tipid kong tugon sa kanya.

Pareho na kaming nakabihis sa ngayon. Siya ay papuntang opisina, ako naman ay babalik ulit sa bakeshop. Hindi ako pinatulog kagabi sa isiping baka si Aling Alona ay ang Mama ko. Wala pa akong pinagsabihan. Hindi ko alam kung nahahalata ni Blade na medyo balisa ako pero hindi rin naman siya nagtatanong.

"Sabay na tayo. I'll drop you off. Are you going to the flower shop again?"

"O-oo." I half-lied.

Plano kong magpahatid sa flower shop ni Tita tapos pupuslit ako papuntang bakeshop.

"Bored ka na ba dito?" 

He nuzzled into my neck kaya napapasinghap ako. Pakiramdam ko ay mapapausan ako ng hininga. Bigla ang pag-iinit ng katawan ko sa ginagawa ni Blade.

"Hindi naman. Medyo lang."

"I'm sorry if I tried to keep you here, sweetheart. I just don't want anything bad to happen to you lalo na ngayong buntis ka sa panganay natin. I wish I could stay with you all the time too."

"Blade, okay lang. At saka lagi ka namang naka-monitor sa akin eh. Halos yata lahat ng galaw ko alam mo." natatawang humarap ako sa kanya. He didn't let go of me though. Nakayapos pa rin siya sa akin habang ang mga kamay ko naman ay nakalapat sa kanyang dibdib.

"Do you want me to pick you later after mo sa flower shop. I'll take you to lunch. I'll make sure to finish my work before lunch time. I'll ask Melvin to reserve us for lunch at Shangri-La."

"Okay, ikaw ang bahala."

Iniisip ko,babalik na lang ako sa flower shop bago mag-lunch time. Gusto ko lang talagang makita at makausap ulit si Aling Alona. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nako-kompirma mismo mula sa bibig niya. Ihahanda ko ang sarili ko sa maari niyang sabihin. Magiging okay lang din ako if I find out na hindi siya si Mama ko.

Nangyari ngang inihatid ako ni Blade sa flower shop ni Tita Barbara. Nagulat pa sina Bojie at Ara sa pagdating ko.

"Ate Andrea, sure ka ba na okay lang na andito ka? Hindi ba magagalit si Sir Blade?" usisa niya agad sa akin nang umalis si Blade.

"Oo naman. May maitutulong ba ako?" 

"Naku huwag na. Wala pa naman masyadong customer at orders Ate. Ang ganda mong buntis.." nangingit siya habang nakatingin sa akin.

Natutuwa ako kay Ara. Kahit minsan na lang kaming magkita ay para bang andami niyang baong kwento sa tuwing nagkakausap kami. 

"Naku tiyak kong gwapo o dili kaya'y maganda ang anak niyo ni Sir. Gandang lahi eh no.. di ba Bojie?"

At idinamay pa talaga nito si Bojie na tahimik lamang sa isang sulok at may kung anong binubuntingting.

"Ikaw talaga." sabi ko.

Maya-maya pa ay tinignan ko ang aking relong pambisig. Malapit ng mag-alas nuwebe.

"O saan ka pupunta Ate?"

Gulat na tanong ni Ara nang makita niyang dinampot ko ang aking bag pagkatayo at isinukbit iyon.

"May pupuntahan lang ako sandali,Ara. Babalik din ako agad." sabi ko saka tuloy-tuloy na lumabas ng shop.

Mabilis akong nakakuha ng taxi at nagpahatid sa destinasyon ko.

Kinakabahan ako habang nasa daan pa lang. Marami akong naiisip na pwedeng gawin na alibi sa pagpunta ko doon. 

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon