Chapter 13

2.5K 68 3
                                        

Arghhhh!

Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko. Hindi ako pinapatahimik ng aking utak. Sariwa pa rin sa akin ang sinabi ni Blade ng mag-usap kami kanina.

Stay with me.Forever.

Stay with me.Forever.

Stay with me.Forever.

Argghhhh!!!

Sasabog na yata ang utak ko sa mga salitang yun. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko kasi ay nagiging obligado na siya sa akin at siniseryoso na niya ang kasunduang iyon. Tama ba yung ginawa ko? Tama bang hilingin ko ang mga bagay na iyon para sa Papa ko? Bakit ang kapakanan pa rin ni Papa ang iniisip ko?

Kung sana ay nandito lang si Yaya Portia ay may mapagsasabihan sana ako ng mga pag-aalala ko. Pero paano ko sasabihin kay Yaya itong damdamin ko para kay Blade? Hindi ba masyadong maaga para sabihin kong may gusto na ako sa kanya? Paano nangyari iyon? Ganito ba talaga ang sinasabi nilang pag-ibig kung saan basta-basta na lang nangyayari at sumusulpot? Tama bang gustuhin ko ang isang tulad ni Blade na halos nasa kanya na lahat samantalang ako......

Ano ba,Andrea,tama na yan! Hindi yan pag-ibig! Feeling mo lang yun! Masyadong nadadala ka lang sa sitwasyon mo at nagkataong si Blade ang nasa tabi mo! Wala ka sa isang romance novel kundi nasa totoong buhay ka kaya imposibleng mangyari yang mga iniisip mo! Masasaktan ka lang!

Guys like him will not settle for less dahil ibang babae ang nararapat sa kanila. Yung babaeng kapantay ng estado nila sa buhay and sadly hindi ikaw yun! Siguro pakakasalan ka lang niya dahil sa ikaw ang kabayaran ng utang ng ama mo at pag may nakuha na siya sa yong mahalagang bagay madali lang sa kanyang iwanan ka. Kaya please naman,guard your heart! Wala kang mapapala kapag aasa ka. Masasaktan ka lang!

Arghhh!Di ko na natiis kaya napabangon ako at napasabunot ng aking buhok. Wala pa akong isang araw rito sa bahay ni Blade pero halos sumabog na ang utak ko sa kaguluhan na naglalaro sa loob nito. Madaming tanong na walang kasagutan. Madaming bagay na gumugulo sa akin pero sa tuwing isang tingin lang ni Blade ay agad ko iyong nakakalimutan. Para ba akong nawawala agad sa huwesyo pag andyan siya. Tama pa ba itong mga pinag-iisip ko? Dapat ko bang hayaang tuluyan na akong makulong sa isang bagay na dapat sanay tinutulan ko dahil wala naman talaga akong kinalaman sa mga nangyayari? Dapat sana ay nasa pamamahay pa rin ako ni Papa ngayon,ginagawa ang mga bagay na nakasanayan ko na. Pero kung manatili ako roon,hindi ako sigurado kung ano ang kahihinatnan ko. Sa araw-araw ay walang kasiguruhan kung mabubuhay pa ba ako at hihinga pa. Tama bang andito ako sa poder ni Blade? Tama bang pangarapin ko ang isang normal na buhay na may kalayaan sa piling niya? At tama bang maramdaman ko ang isang bagay na sa pocket books ko lang nababasa? Tama bang gustuhin ko ang isang tulad niya?

Sinulyapan ko ang orasan sa tabi ko. Mag-aalas-dose pa ng hating-gabi. Naisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Hindi ko masyadong kabisado ang bahay niya pero alam ko naman ang daan pababa sa kusina. Paglabas ko ng pinto ng kwarto ko ay sinadya kong hindi na magbukas ng ilaw. Nakakahiya naman kay Blade yun. Tulog na siguro siya. Napagod siguro sa mga nangyari kanina.

Tahimik kong binaybay ang hagdanan. Nang makababa na ako ay tinungo ko agad ang kusina. Pag-on ko ng switch ay muntik na akong mapatalon sa gulat.Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Papa.May hawak siyang sinturon at galit na galit na tinitignan ako.

"Papa!" buong takot kong anas. Napaatras ako.

Hindi siya nagsasalita pero ngumisi lang siya at palapit ng palapit sa akin.

"Papa! Ba't ka andito?" nahihintakutan ko ng sigaw sa kanya. "Wag kang lalapit sa akin Papa! Wag mo akong saktan!" pakiramdam ko ay nanuyo lahat ng laway ko sa lalamunan.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon