Chapter 38

2.1K 49 2
                                        

"Blade, may sasabihin ako. Bun......"

Buntis ako. Hindi ko na magawang sabihin sa kanya iyon. Nakita ko kung paano manlumo si Blade sa hatid na balita ng Daddy niya. Wrong timing. Siguro, hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang magandang balita.

Andito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan kasalukuyang ginagamot ang Lolo niya. Nakatingin lang ako kay Blade na nakaabang sa may pintuan ng ER. Hindi siya mapirmi. Ramdam ko ang pag-aalala niya. Sina Tita at Tito naman ay nakaupo sa isang tabi. Yakap ni Tito si Tita. Si Kyla naman ay nasa tapat ko. Nakamasid lang din siya. Nang masulyapan niya ako ay inismiran niya ako. Hindi ko na lang pinansin. Hindi ito oras para patulan ko siya. 

Kakagaling ko lang kanina sa OB-Gyne. Sinamahan ko siyang mamili ng gown niya noong isang araw. She even asked me to fit some gowns para daw may maisuot ako sa nasal ng kaibigan niya this Sunday. Tinatanong ko siya kung bakit pati ako pero di niya naman ako magawang sagutin ng klaro. All she said at kilangang maganda raw kami sa araw na iyon. Pagkatapos namin sa mall at inihatid niya na ako sa flower shop pero paglatalikod lang niya ay naramdaman ko ulit ang pagsama ng pakiramdam ko at nagsuka pa ako. Mabuti na lamang at wala si Tita. Si Ara naman ay di nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin pa ako pero ramdam kong may gusto siyang sabihin.

May hinala na ako sa nangyayari sa akin pero ayoko namang pangunahan. God! I want to have a child. Isa ito sa mga pangarap ko, ang maging Ina. I didn't waste time anymore, nagpaalam ako saglit kay Ara para magpa-check up na. Noong una ay abot langit ang kaba ko pero nang sabihin ng doktor ang magandang balita ay walang paglagyan ang kasiyahan ko. Buntis ako. 7 weeks. Maluha-luha pa ako habang pinagmamasdan ang munting bagay na pinakita ng doktor sa akin sa monitor.

" That's your baby ,iha. It's still tiny but give it a few more weeks and we will hear the heartbeat. "aniya.

Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan lamang iyon. Ni hindi ko na nasundan ang iba pa niyang mga sinabi.

" By the way, where is the father of your child? "

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay matamang nakatingin din sa akin.

" Nasa trabaho pa po." Tipid kong tugon.

Kanina pa text ng text sa akin si Blade pero tiniis kong hindi siya replayan. For once, gusto kong sorpresahin siya. Hindi ko alam kung ano ang saloobin niya tungkol sa pagbubuntis ko pero nanaig ang kagustuhan kong gawing espesyal ang araw na ito. I really want to shout for joy for the good news and I know its selfish of me to not tell him this time but I want to see his reaction for my surprise.

Matapos akong bigyan ng mga reseta para sa pagbubuntis ko ay agad akong umalis sa clinic para makabalik na sa flower shop. Saka ko lang din hinagilap ang aking cellphone para tawagan si Blade pero di ko pa yun nagagawa ay siya namang paglitaw ni Blade sa shop.

"Babe!" masayang salubong ko sa kanya.

I feel weird nang hindi man lang siya ngumiti sa halip ay niyakap lang niya ako ng buong higpit.

Agad na humaplos ang saya sa puso ko. Niyakap ko din siyang pabalik.

"Blade, may sasabihin ako. Bun..." wika ko.

"Lolo is rushed in the hospital."

Napaawang ang aking labi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"A-ano?"

Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim.

"Dad called me in the office saying that Lolo Steven was rushed to the hospital." anito.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon