Chapter 19

2.2K 63 3
                                        

Andrea woke up the next day na wala na si Blade sa tabi niya. Medyo naalimpungutan pa siya kaya naman sandali muna niyang inilibot ang kanyang mga mata sa buong kwarto nito. Today is another day sa piling ni Blade, at inaamin niyang medyo may kaluwagan na sa kanyang dibdib. Bumangon siya at agad na nagtungo sa banyo para makaligo bago bumaba. Iniiisip niya marahil ay nasa kusina si Blade gaya ng naabutan niya kahapon. Bakit ba napapangiti siya sa tuwing naiisip niya si Blade?

Inside the bathroom,she looked at herself in front of the mirror. Nakita niyang parang may nagbago sa mukha niya. Somehow,it looks radiant and blooming. Wala na ang dating tamlay sa mukha niya. Posible nga kayang dahil iyon kay Blade? Dahil ba sa tuwing kasama niya ito ay nakakalimutan niya lahat ng masasamang nangyari sa kanya noong nasa poder pa siya ng ama?

She decided to take off her clothes. But then when she saw the traces of the unhealed scars ay muling bumalot ang sakit at lungkot sa kanya. It doesn't hurt anymore,hindi gaya noong nakaraang araw pero sa bawat sugat na nakikita niya ay naalala niya lahat ng nangyari. She's a broken person. She will always be. Masakit man pero iyon ang totoo. A tear fell from her eyes and was followed by a sobbed. Pinangako niyang hindi na siya iiyak pero her vulnerability is attacking her right now. How could she moved on? How could she forget all the horrible things when it keeps on haunting her?Yugyog ang balikat na napasandal siyang padausdos sa pader ng banyo. Hindi niya namalayang lumakas lalo ang kanyang paghikbi.

Pero laking gulat niya ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa niyon ang nag-aalalang mukha ni Blade. Kaya naman sa gulat niya ay hindi na siya nakahuma pa. When she saw him ay para bang may kung anong init na humaplos sa puso niya. Mas lalo pa siyang napahikbi. Gusto niyang tumayo at tumakbo para yakapin si Blade.

"Andrea!" nag-aalalang nilapitan siya nito dala ang tuwalya at agad na ibinalabal sa katawan niya. "What is wrong? Are you okay?" sabi pa nito saka pinatayo siya.

Ngayon lang niya narealize na hubad pala siya kanina. Bigla ang pag-alsa ng dugo niya sa kanyang mukha. Gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa sa mga oras na iyon. My God! How could she be so careless? Nakita ba ni Blade ang katawan niya? Nakita ba nito ang pangit na katawan niya? Iyon ang naglalaro sa isipan niya.

"Let's take you to bed." ani Blade. Hindi niya alam kung ano ang itsura nito because she refused the urge to meet him eye to eye. Nahihiya siya. Hinayaan na lang niya ang sariling magpatianod sa paghila nito sa kanya papunta sa kama. Pinaupo siya nito sa paanan ng kama. He then covered her with a sheet.

"What's wrong,Ana?" tanong nito na nakaupo na ngayon sa tabi niya.

Sa wakas ay nagkaroon na din siya ng lakas na tignan ito. His eyes was full of mixed emotions. Hindi niya alam kung alin doon ang tamang nararamdaman nito. Dahil sa tindi ng kaba niya ay nauna na siyang magbawi ng tingin.

"What happened? Did you have a nightmare again?"

Mabilis siyang umiling.

" I was out for jog earlier. Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo. I'm sorry kung bigla na lang akong pumasok sa banyo kanina. I was so worried when I heard you sobbing so loud,I thought something bad happened to you inside. I'm sorry for intruding back there.I didn't mean to see you like that."

" Wala kang dapat ihingi ng tawad,Blade. Ako nga itong nahihiya dahil naabutan mo ako sa gantong sitwasyon.Sorry. Nakakahiya." hinging-paumanhin niya. Ni hindi na niya magawang tingnan ito habang nagsasalita siya. Dinapuan na kasi siyang talaga ng matinding pagkapahiya.

Sandaling dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa.Tanging ang nakakabinging tibok ng kanyang puso ang naririnig niya sa mga oras na yun.

She's wondering if he saw her scars kanina. Paano kung mandiri si Blade? Paano kung magbago ang isip nito? Paano kung isipin nitong hindi pala siya worth it? Paano kung....

"Can I see it?"

Napamulagat siya ng bigla itong nagsalita. She looked at his way. Nakita niya ang seryosong mukha nito. Ang mga mata nitong nakapako sa kanya. Hindi ito galit pero nakaka-intimidate pa rin.

"A-anong ibig mong sabihin?" buong pagtataka niyang tanong. Anong gusto nitong makita? Don't tell me......

"Your scars..is it okay?" matamang sagot naman nito.

She looked at him confused. Bakit? Bakit gusto nitong makita ang mga iyon?

"Blade..."

Hindi na niya nagawang takpan ang sarili ng hawiin ni Blade ng dahan-dahan ang tuwalyang nakatakip sa kanyang balikat. Napasinghap siya ng pasadahan ng daliri nito ang bakas ng sugat na hindi pa masyadong magaling. Kung tutuusin ay isa lamang iyon sa mga bakas sa kanyang likuran. She got more on her back.

"Blade...."utas niya ulit ngunit patuloy lamang si Blade sa pagsuri niyon. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. His touches sent electricity in her entire system. Para bang may napukaw itong damdamin na matagal ng nakahimlay sa kanyang kaloob-looban. Bigla ay nakaramdam siya ng init.

"Kailan pa? Since when did it happen?" biglang tanong nito habang iniayos pabalik ang tuwalya para matabunan ang kanyang balikat.

"Noong bata pa lang ako." mapait niyang sabi. Naramdaman niya ang mahigit na paghinga nito. "3 months pa lang ako,iniwan na ako ng Mama ko. And mula noon,si Yaya Portia na ang nag-alaga sa akin at tumayo bilang ina ko. Si Papa naman,mula nang nagkaisip ako,ako yung sinisisi niya sa pag-iwan ni Mama sa amin. Hindi ko alam kung anong totoong nangyari sa kanila at kung ano ang rason ni Mama sa pag-iwan sa amin. "

Naramdaman niya ang marahang paghaplos ni Blade sa kanyang likuran.

"Mula noon,naranasan ko na ang pagiging malupit niya. Sa murang edad ko,sa kanya ko naranasan ang pagmalupitan sa hindi lang sa salita maging sa pagbuhat ng kamay. Sa tuwing naglalasing siya o dili kaya'y may nagawa akong bagay na hindi niya gusto,sinasaktan niya ako. PInagsasalitaan ng kung ano. Sinisisi. Siguro nga malas ako sa buhay niya. Hindi ko naramdaman na mahal ng isang ama,Blade. Si Yaya Portia lang ang taong nagmahal sa akin." naluluhang saad pa niya.

"Is that the reason why,ilag ka at natatakot ka sa akin? Noong hawakan kita sa una nating pagkikita para pasalamatan ka,dahil ba yun sa pananakit niya kaya natakot ka at yun ang naging reflex ng katawan mo?"

Tumango siya bilang sagot. Nakita niya ang paglamlam ng mukha nito na kanina lang ay sobrang seryoso. May awa siyang nakita sa mga mata nito.

"Pasensya ka na,hindi lang kasi ako sanay na may humawak sa akin Pakiramdam ko kasi sasaktan ako gaya ni Papa. Si Yaya Portia lang ang pinagkakatiwalaan ko kasi alam kong hindi niya ako sasaktan."

"Andrea,I won't force you to trust me pero I can guarantee you,I won't lay a hand on you kahit anong mangyari. I won't hurt you intentionally habang magkasama tayo. You are safe with me." sabi niya sabay hila nito sa kanya palapit sa katawan nito. Ngayon ay nakahilig na siya sa dibdib ni Blade habang nakapalibot ang braso nito sa balikat niya.

She could her his heartbeat. Para siyang dinuduyan sa nakakabinging pintig nito.

"I don't know how to wash away all your fears but know that I am just here. I will help you forget those sad memories and help you build something you will treasure for the rest of your life." he said as he kissed her temple.






In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon