Chapter 14

2.4K 66 5
                                        

Pagkatapos masigurado ni Blade na okay na ako ay saka pa kami umakyat papunta sa kwarto niya. Nakaalalay pa rin siya sa akin. Nakahawak siya sa braso ko. Alam kong nag-iingat lang din siyang hindi ako atakihin ng pagkatakot sa kanya gaya noong isang beses na nangyari. 

Binuksan niya ang kanyang kwarto at pumasok kami doon. The room was dim pero kita ko pa rin ang kabuuan niyon. He got a big bed,pwede nang tatlo ang humiga doon. Kung tutuusin wala pa sa kalahati nito kung pagsamahin ang higaan namin ni Yaya. 

Malaki rin naman ang kama na binigay sa akin ni Blade sa kabila pero mas lalo lamang akong hindi mapalagay.Dama ko kasi ang kahungkagan sa aking sarili sa katotohanang mag-isa na lamang ako roon. Ni hindi ko rin kasi alam kung kailan aataki ang trauma ko.

"You can lay on the bed now,Andrea." malumanay niyang sabi sa akin.

Masyado akong naaliw na pagmasdan ang kabuuan ng kanyang kwarto kaya naman ay hindi ko namalayang nasa tabi na pala siya ng kama at nakatingin sa akin. Para akong natutunaw sa klase ng titig niya sa akin ngayon. Nakikita ko sa kanyang mga mata na para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero nag-aalangan siya. 

Siguro ay naaawa siya sa kalagayan ko o dili kaya'y naiisip niyang isang malaking mali ang desisyon niyang isama ako sa pamamahay niya at ang maging asawa niya.

"Sa-salamat ng marami,Blade. Hindi ko talaga alam kung paano ka pasasalamatan sa lahat ng kabutihang ipinapakita mo para sa akin." nahihiya kong turan sa kanya.

Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi at tinanguhan niya ako. Pakiramdam ko ay pumalakpak ang puso ko sa tuwa ng makita ang mga ngiting iyon. 

Tumayo siya ngunit nakatingin pa rin siya sa akin.

"Alright then,I'll leave you settled in bed now. If you want anything,andito lang ako sa couch." aniya sabay turo sa medyo may kahabaang sofa sa may gilid. Kumunot ang aking noo.

"Di-diyan ka matutulog?"

Alam ko na ang sagot sa tanong ko pero nagbabasakali pa rin akong mali ako. Nahihiya akong kaya niyang mag-sakripisyo para lang makatulog ako ng maayos. 

"I'll be okay sleeping here,Andrea. Don't worry. Sige na matulog ka na." sunod-sunod niyang sabi. Naglakad siya palapit doon dala ang isang unan. Akma na sana siyang uupo mula roon nang pigilan ko siya.

"Blade,hindi mo naman kailangang matulog diyan eh." 

Napalingon siya sa akin at halata ang gulat sa kanyang mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong pa niya.

Bigla ang pagsikdo ng aking puso. Pakiramdam ko ay namawis akong bigla. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito sa tuwing kasama ko siya.

"Ma-malaki naman itong kama mo. Kasya naman tayo." 

Nakagat ko ang aking labi pagkasabi niyon. Nahihiya ako at alam kong namumula na ang pisngi ko sa pagkapahiya.Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. Kung tutuusin dapat sana ay maging masaya pa ako dahil napaka-gentleman niya sa akin. 

Kung ibang lalaki siguro iyon ay baka may masama na itong balak sa akin. Hindi ko pa masyadong kilala si Blade pero wala akong masamang nararamdaman para sa kanya. Ang alam ko lang ay alam kung safe ako sa kanya.

"I-Ito ang unang beses na may kasama akong lalaki sa iisang kwarto,Blade. Pero alam ko sa sarili ko na mapagkakatiwalaan kang tao at wala kang masamang balak sa akin."

Nang nagtagpo ulit ang mga mata namin ay kita kong titig na titig pa rin siya sa akin. Tahimik lang siyang pinagmamasdan ako. 

"Di-dito ka na matulog. Mas mapapalagay ang loob ko kung alam kung makakatulog ka ng maayos." utas ko pa.

Nakita kong huminga muna siya ng malalim bago pa tuluyang lumapit sa kama. Inilagay niya ang unan pabalik sa kama. At naupo ulit sa tabi ko. Sa kadahilanang halos hindi na magkamayaw ang aking puso nang magkalapit na kami ay agad akong sumalampak sa kama at nahiga. Pinailalaliman ko ang aking katawan ng kumot.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Bigla ko tuloy iyong pinamulahanan. Nahalata ba niyang naiilang ako sa presensya niya? Iniisip ba niyang may gusto na ako sa kanya kaya ako nagkakaganito? 

Dumaan ang sandaling katahimikan sa pamamagitan sa amin. Naramdaman ko na lamang ang paggalaw ng kama at ang marahang pagtayo niya. Ang amoy niyang nakakalasing sa aking diwa. Ngayon lang talaga may lalaking nakakapagpatibok ng ganito katindi sa puso ko. Gusto ko na ba talaga si Blade? Iyong tipo ng pagkagusto hindi lang dahil sa mabuting pinapakita niya sa akin kundi pagkagusto dahil iyon ang nararamdaman ng puso ko?

Pero paano kung ako lang pala ang nakakaramdam ng ganito sa kanya? Paano kung siya ay hindi? 

"Goodnight,Andrea." Kung hindi ko pa naramdaman ang kanyang mahinang pagsabi niyon ay hindi ko mare-realize na nakahiga na pala siya sa tabi ko paharap sa akin.

Para tuloy tumigil na sa pagpintig ang puso ko.

Ganito ba? Ganito ba ang nararamdaman ng mga babaeng bida sa mga romance novels na nababasa ko? Ganito na ba ang tinatawag nilang pag-ibig?

"Go-goodnight din,Blade..." mahinang sagot ko naman.

Hindi ko alam kung narinig niya pa iyon dahil pakiwari ko ay halos hindi iyon lumabas sa aking bibig. 

Ano ba talaga ang mangyayari sa akin sa piling ni Blade? 




In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon