"Ano 'to?" tanong ko kay Blade nang iabot niya sa akin ang isang paper bag.
Kasalukuyan kaming nagpapahangin ngayon sa balcony ng bahay niya. Matapos niya akong tulungan kanina sa pagliligpit ng pinagkainan namin ay niyaya niya ako dito.
Ang sarap ng pakiramdam. Hindi pa man din malalim ang gabi pero ramdam ko na ang kaunting lamig sa aking balat kahit pa nakalong-sleeves ako yun nga lang may kanipisan. Tanaw mula sa balcony ang lawak ng buong subdivision. Tanging street lights at paminsan-minsang mga sasakyang dumadaan ang natatanaw mula doon. Kung wala iyon,ang tahimik ng lugar.
"Open it." utos niya sa akin. He sounded more interested than me. Ako naman,nagtataka at naguguluhan ako kung bakit may dala siya para sa akin. Hindi ko naman birthday,and speaking of that hindi ko alam kung alam niya yung birthday ko which is sa darating na susunod na linggo.
Hindi na ako umaasang may makaalala sa espesyal na araw na iyon,tanging si Yaya Portia lang ang kasama ko tuwing nagbi-birthday ko. Dinadala niya ako sa labas para kumain o dili kaya'y pinagluluto niya ako ng paborito kong pagkain.
Binuksan ko ang paper bag at tumumbad sa akin ang isang cellphone.
"cellphone?"
"Yeah. I bought you a phone para mas madali kitang ma-contact at ikaw rin para mas madali sayong itext ako or tawagan ako. This is the latest gadget that iphone released recently." pahayag ni Blade.
Sa totoo lang ay hindi naman bago sa akin ang cellphone. Alam ko naman kung ano yun dahil may cellphone si Yaya Portia kaya lang ito ay bago sa akin. Hindi ako marunong gumamit sa cellphone na binili ni Blade. Nahihiya akong aminin sa kanya yun.
"I'll teach you on how to use it,Andrea. Don't worry,madali lang naman." sabi niya pa. Marahil ay nakita niyang may pag-aalinlangan sa mukha ko. Too late now,Andrea,you can't deny it. Alam niyang di ka marunong gumamit niyan.
"Pasensya ka na.Blade. Bago kasi sa akin ito. May cellphone naman si Yaya Portia kaso hindi katulad nito." nahihiyang turan ko.
Nakita kong wala namang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. I couldn't see any trace of panunudyo or pangmamaliit.
"Hey,it's okay. I know. You don't have to be ashamed about it,Andrea." he said saka hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. " I'll teach you and I won't stop until makabisado mo ang paggamit nito,okay?" he said with determination in his voice.
"Thank you. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa lahat ng mga ginagawa mo para sa akin,Blade. Kung tutuusin,sobra-sobra na ito."
"I'm doing this because I want to. And no,you don't have to thank me yet,marami pa akong gustong gawin para sa'yo kaya sana hayaan mo akong gawin ang mga yun.Just please trust me." nakikiusap niyang utas.
Tinignan ko siya. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. I want to see kung may halong pretention at pambobokya lang ba sa mga sinasabi niya. But then,all I could see is sincerity. Bakit ganon? Bakit ang bait niya sa akin?
His eyes were like pleading. Begging for me to say yes. At yun nga ang ginawa ko. Tumango na lang ako. Nakita ko ang bakas ng saya sa kanyang mukha. Para namang may humaplos na init sa kaibuturan ng aking puso na makitang nasisiyahan siya.
We spent the whole night talking about a lot of things. Sa aming dalawa,siya ito kwento ng kwento tungkol sa kanya,sa pamilya niya at sa trabaho niya. Napaka-ideal ng pamilya ni Blade. He has a complete family. Masaya at halatang sobra nilang mahal ang isa't-isa. Mas humanga pa ako sa kanya ng malaman kong mahal na mahal niya ang kanyang step-mother. Ang swerte ni Blade. Lahat nasa kanya na. Siguro nga may mga taong pinanganak na maswerte sa mundong ito at patunay na doon si Blade.
"Hey,are you okay?" nag-aalalang tanong ni Blade sa akin.
"Ha? O-oo naman." pilit ang ngiti kong sagot.
"Oh,I thought,something is wrong. Hindi mo kasi ako sinasagot sa tanong ko." wika niya.
Naguguluhan ko siyang tinignan.
"So-sorry. A-anong ngang tanong mo?"
"Ang sabi ko,is it okay if I take you out on a date tomorrow night? After ko sa trabaho,susunduin kita dito. I'd like to bring you to this newly opened restaurant. One of my best friends is the owner and he invited me,...us. Gusto rin kitang ipakilala sana sa kanya. Okay lang ba?"
Sandali muna akong napaisip. Sa totoo lang,first time kong lumabas kasama si Blade. At first time ko ring yayain sa isang date. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Sigurado ka okay lang na dalhin mo ako?" naninigurado kong tanong. Ang alam ko kasi sa mga ganyan,tanging mga sosyal at nakakaangat lang sa lipunan ang pumupunta sa mga ganoong lugar.
"Ayan ka na naman.Are you thinking that I might be ashamed to be there with you?" nakakunot-noong turan ni Blade. Napayuko na lang ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Yan ang nasa utak ko ngayon. I can't helped it.
Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat para magkaharap pa kami lalo. Sa tangkad niya ay kailangan ko pang tumingala. Ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan. He is eyeing on me.Ang intense lang niya tumitig. Ni hindi ako makakurap dahil sa para bang pinapako niya ang mga mata ko sa kanya.
"Stop belittling yourself. You don't have to pity yourself either. You don't have to envy others too. You are my date tomorrow. And I am more than glad to introduce you to my peers. It's about time. You are soon to be my wife and nararapat lang na ikaw ang magiging kasama ko sa kahit anong lakad ko.Understand?"
"I'm sorry..." utas ko pa.
Narinig ko ang pagpakawala niya ng malalim na hininga. Masyadong ba akong OA?
"Blade,pasensya ka na. Hindi kasi ako sanay makisalamuha sa ibang tao. Bukod kay Yaya,wala na akong nakakausap pang iba kaya naman hindi ko maiwasang mag-alala. Iniisip ko lang,ikaw. Baka kasi mapahiya ka sa mga kaibigan mo."
Umiling-iling siya. "Just be yourself,Andrea. You don't have to act in front of them. Kung anuman ang iisipin nila sayo,it doesn't matter to me. But I know for sure,they will like you. You are different and that sets you apart from the others."
Sa sinabi ni Blade,napalagay na din ang loob ko. Bahala na bukas. I'm just going to be myself. Gaya nga ng sinabi ni Blade,I don't have to pretend to be someone I'm not.

BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Romance" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]