"Mabuti naman at sa wakas ay binisita mo na rin ako rito,Ana." Hindi ko na magawang magsalita at niyakap ko na lang ng buong higpit si Yaya Poring. God! I missed her.
"Sobra ko po kayong namiss,Yaya. Sorry po at ngayon lang ako nakadalawa sa'yo." sabi ko pa.
Hindi ko na alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. When it comes to yaya, nagiging emosyonal ako. Hindi ko na namalayan ang pagdaloy ng luha sa aking mga pisngi.
Kung meron mang taong kilalang-kilala ako, si Yaya Poring iyon. Siya na ang tinuring kong ina sa loob ng napakahabang taon. Siya ang kasama ko sa mga panahong wala si Mama. Siya ang aking naging sandalan at lakas ng mga panahong gusto ko ng bumigay sa pagmamalupit ni Papa.
"Kumusta ka na,Yaya?" tanong ko sa kanya nang nakaupo na kami sa sala. Wala si Papa nang dumating ako kanina. Wala ang kanyang sasakyan. Marahil ay nasa kumpanya niya ito.
"Mabuti naman ako rito. Ikaw? Kumusta na? Maayos ba ang pakikitungo ni Blade sa'yo? Hindi ka ba niya sinasaktan? Pinagmamalupitan?" may halong pag-aalala ang boses niya. Napangiti ako sa aking sarili. Alam kong nag-aalala lamang si Yaya sa kalagayan ko.
"Okay naman po ako,Yaya. Sobrang napakabait ni Blade sa akin. Hindi po niya ako ni minsan sinaktan man. Yaya, maswerte po ako at sa mabuting tao ako napunta. Hindi ko po pinagsisihan na sa kanya na ako ngayon." matapat ko namang tugon.
Pinagmasdan muli akong mabuti ni Yaya na para bang binabasa niya kung nagsasabi ako ng totoo.
"Mabuti naman kung ganun. Masaya ako na sa wakas ay okay na ang kalagayan mo,Ana." naluluha niyang sabi. May kung anong humaplos sa aking puso.
"Mahal na mahal ko po so Blade,Yaya Poring. Hindi ko po inaasahang mahalin siya pero basta na lang po tumibok ang puso ko para sa kanya."
Inabot ni Yaya ang aking mga kamay. " Alam ko. Nakikita ko sa iyong mga matang masaya ka na,anak. Masayang-masaya ako para sa'yo. Noon pa man,alam ko nang may pagtingin ang binatang yun para sa'yo. "
"Po?"
"Noong unang punta pa lang niya rito, alam kong may kakaiba na sa kilos at tingin niya sa'yo. Ayoko lang pangunahin pero mula noon, dinalangin ko na, na sana kung meron mang taong magmamahal sa'yo ng tapat at lubusan,sana ang binatang yun na. Hindi ko na kailangan pang makilala ng husto si Blade para masabing mabuti siyang tao. Alam ko na sa unang dating niya rito, alam kung mapagkakatiwalaan at mabuting tao siya. Kaya laking tuwa at pasasalamat ko na lang na bumalik siya rito at pagbalik niya, isinama ka na niya. Siya ang sumagip sa'yo mula sa kadiliman. "
Tuluyan na ulit akong naluha. Tama lahat ng sinabi ni Yaya. Blade saved me.
" Alam ko po. Sobrang ramdam ko na mahal na mahal niya ako,Yaya Poring. Wala po akong masasabing masama sa kanya. Ang swerte-swerte ko po sa kanya." pag-amin ko.
" Kailan ang kasal niyo?"
" Dalawang linggo na lang po ang hihintayin. Dapat sana ay medyo matatagalan pa pero gusto kasi ni Blade na makasal kami agad. "
Hindi na siya tumutol nang sabihin ni Blade na ipinadali nito ang date ng kasal nila. Blade was all hands on to their upcoming wedding. Dapat sana ay hihingi siya ng sapat pang panahon pero pinigilan na lang niya ang sarili. Sabagay,bakit pa niya patatagalin kung pareho sila ng nararamdaman ni Blade. Kulang na lang talaga sa kanila ay ang maikasal.
" Si Blade po yung sobrang abala sa pag-aasikaso ng kasal namin,Yaya. Tapos, tinutulungan naman kami ng Mommy niya. Ang hiniling ko lang ay hindi na gawing magrabo yung kasal namin. Gusto ko simple lang at saka yung mga importanteng tao lang ang dadalo. Sa parte ko naman, kayo lang ni Papa ang dadalo eh. Iyon ay kung dadalo nga si Papa. Hindi ko pa po siya nakakausap,Yaya. At hindi ko rin alam kung gusto pa niya akong makita o makausap man lang." hindi ko na maiwasan ang pag-garalgal ng boses ko. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip kong hindi ko pa rin maramdaman ang presensya ni Papa after everything. Umaasa pa rin ako na sana dumating ang araw na matanggap niya ako. Yun lang at magiging masaya na ako.
BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Roman d'amour" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]
