Chapter 22

2.3K 62 3
                                    


"Tama na siguro 'to." busal ko sa sarili nang matapos tikman ang niluluto kong adobong manok. Naisipan ko kasing ipagluto ng hapunan si Blade. Hindi ko alam ang mga paborito niyang pagkain kaya naman lihim kong pinagdadasal na sana magustuhan niya ang adobo ko. 

Sa bahay ni Papa,bata pa lang ako ay tumutulong na ako kay Yaya Portia sa kusina kaya naman natuto akong magluto. Sa tuwing may bagong lulutuin si Yaya, sinisigurado kong nakakabisa ko ang mga recipe niya. Siguro naman ay hindi magagalit si Blade na pinakialaman ko ang kusina niya. Wala kasi si Miranda kaya naman nagluto ako. Too bad,I don't know kung anong oras ang uwi niya.

Matapos kong tinupi yung mga bagong labang damit,natapos ko ring linisin yung buong bahay. Hindi kasi ako mapirmi. Gusto ko may lagi akong ginagawa. Hindi naman madumi ang bahay ni Blade. Sa katunayan ay ang linis-linis nito. Halatang laging alaga. Konti lang yung nilinis ko. Ang kulang na lang ay ang mapalitan ang mga bulaklak sa vase. Mukhang hindi pa naisipan ni Blade na palitan iyon.

Napaka-maginhawa sa pakiramdam ng bahay ni Blade.  Masaya akong maglibot sa buong kabahayan dahil alam kong safe ako at walang nagmamatyag sa akin. Hindi ko alam kung matatawag ko bang swerte ako at mabait si Blade sa akin o sadyang tiyempong kay Blade ako napunta. Ganunpaman,medyo naibsan na ang takot sa dibdib ko. Isa lang naman ang hinihiling ko,na sana maging maayos na ang lahat sa pamilya ko. Imposible man pero gusto ko pa ring mabuo kami ulit. Gusto kong maramdaman kung paano magkaroon ng isang buong pamilya. Yung may matawag na Mama at Papa. Yung magiging karamay ko sa lahat ng oras.

I sighed at the thought. Kung pwede lang mangyari yun,pakiramdam ko mabubuo na ako.Ang pagkatao ko.

"Hey.." anang boses sa aking likuran kaya naman muntik ko pang mabitawan ang sandok dahil sa gulat.

"Blade!" 

Nasa bukana siya ng dining area.Ngumiti siya sa akin ngunit nakita ko ang pagod sa kanyang gwapong mukha.

"Ka-kanina ka pa ba diyan?" 

"You could say that.." wika niya saka unti-unti lumapit sa may dining table.

Bakit ba sa tuwing nagkakatitigan kami nanghihina ang mga tuhod ko at nininerbyos ako? Hindi ko talaga maipaliwanag ang epekto sa akin ng presensya ni Blade.

"I guess you are so into your thoughts kanina kaya di mo namalayan ang pagdating ko. " simpleng saad niya. "What are you cooking?" saka sinulyapan ang ginagawa ko. Buti na lamang at tapos ko ng maluto ang adobo.

"Ah,ito ba? Adobo. Pasensya ka na at pinakialaman ko ang kusina mo. Naisip ko lang kasi baka gutom ka pag-uwi mo kaya naman ipinagluto kita."

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha niya. Para bang nasiyahan siya sa kanyang narinig. Tapos ako naman,heto masaya na rin dahil nakangiti siya. Bakit ang gwapo niya talaga? Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang sa tanang buhay ko. Siguro di naman masamang palihim na humanga di ba? 

Hay naku,Ateng,ang swerte mo dahil magiging asawa mo siya at makikita mo siya araw-araw!

"Gutom ka na ba? Upo ka na lang diyan. Ipaghahain lang kita." 

Feeling ko nawe-weirduhan sa akin si Blade. Bigla kasi ang pagkataranta ko. Hindi naman kasi ako sanay na may ibang lalaki na akong pinagluluto at handang pagsilbihan bukod kay Papa. Dagdag pang kami lang dalawa dito ni Blade. Plus the thought of me crushing on him.......so hard. Nalintikan na.

Habang pinaghahanda ko si Blade ay ramdam ko ang paninitig ko sa kanya. Kahit nakatalikod ako pakiramdam ko tagos-tagos sa aking likuran ang mga mata niya. I know I'm blushing. Para ba akong nae-excite na kinikilig na kinakabahan. He was just sitting still kasi yun naman ang sinabi ko. He offered to help me preparing the table pero tumanggi ako. Alam ko kasing pagod siya galing sa trabaho. Halata naman sa mukha niya. Pagkasulyap ko sa orasan,tamang alas-sais na pala ng gabi. Sakto lang sa hapunan. I wonder kung ganitong oras din ba siya umuuwi galing sa trabaho.

After putting the platter of rice, at yung adobo sa mesa ay naglagay din ako ng sliced pineapples. Medyo nakulangan nga ako sa inihanda ko. Siguro sanay si Blade na maraming luto ang inihahanda para sa kanya. Di bale next time,ipaghahanda ko siya ng maraming putahe para may pagpipilian siya. Kinakabahan ako na baka hindi niya magustuhan ang adobo ko.

"This looks delicious." komento niya sabay turo sa adobo. Naupo ako sa tapat niya. Pinagmasdan ko ang itsura niya na masayang-masaya. Para siyang bata kung titignan sa itsura niya. Kaya naman napapangiti na rin ako.

"Done checking me out,baby?" kay bilis napawi ng ngiti ko sa labi at nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

My gosh! Nakakahiya. Did he caught me staring at him?

"Ahm..kain na tayo?" biglang sabi ko.

Narinig ko ang pagpakawala niya ng mahinang tawa. He just smirked at me. Yung klase na para bang nang-aasar at nanunudyo. Kaya naman gusto ko na tuloy lamunin ako ng lupa dahil sa kahihiyan.

Pero laking gulat ko na lang ng bigla siyang tumayo saka lumipat ng upo sa tabi ko. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Your plate is too far for my reach." aniya saka walang sabi-sabing nilagyan ng kanin ang pinggan ko.

What is he doing?

"Blade,hindi mo naman kailangang gawin yan eh." angil ko pa. Pero di siya nagpatinag at nilagyan niya din ng ulam ang pinggan ko.

Anong nakain nito? Pero aaminin ko kinikilig ako. Ikaw ba naman gawan ng ganyan ng isang Blade Mondragon di ba? 

"You cooked dinner for me. For us. This is the least that I could do." 

Blade naman,wag mo sanang gawin ito araw-araw sa akin baka masanay ako at hahanap-hanapin ko.

"Salamat." tanging nasambit ko na lang.

After he placed food on his plate too,niyaya ko na lang siyang magdasal muna bago kumain. Tahimik lamang kaming dalawa habang nagsisimula ng kumain. Kung hindi pa niya sinabing masarap ang luto kong adobo ay hindi maiibasan yung kaba ko. 

"Masarap,Andrea. Masarap ang adobo mo." 

Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ng sinabi niya iyon. Paano ba naman kasi,he's  saying that while intensely looking at me. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagkain ko. Para akong nabubulunan at gustong bumaligtad ng sikmura ko dahil sa sobrang tensyon. 

Aatakihin ata ako sa puso dahil sa lalaking katabi ko ngayon. This feeling is new to me kaya hindi ko alam kung paano ko siya i-handle. Ang bilis ng lahat. Hindi ko maexplain kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko.









In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon