Nagising ako isang umaga na parang hinahalukay ang sikmura ko kaya mabilis akong bumangon sa kama at nagtungo sa CR.
"Andrea, are you okay? " nag-aalalang sinundan ako ni Blade. Naramdaman ko agad ang paghaplos niya sa aking likuran.
Tumango lang ako bilang sagot. Ilang sandali pa ay bigla ulit akong nasuka. Lahat na yata ng nakain ko kagabi ay nailuwa ko na.
Tumabi si Blade sa akin. Yung isang kamay niya ay patuloy sa paghaplos sa aking likod at ang isang kamay naman niya ay nakaalalay sa isang kong kamay.
"Sweetheart..." worried is written all over his face.
Hindi ko talaga ini-expect na magkakaroon ulit ako ng morning sickness. Weird, I thought tapos na ako sa ganito.
"Please pakikuha ng tissue..." nanghihinang utos ko pa.
Mabilis siyang sumunod. Inabot niya ang tissue box sa akin. Kumuha ako ng iilang tissue pads at pinunasan ang aking bibig.
"Let's wash you up." ani Blade.
Inalalayan ako ni Blade na tumayo. He didn't let me go even for a bit.
"Blade, kaya ko na. Lumabas ka na lang."
"No. I won't leave until you are done."
"Blade naman.."
"Hayaan mo na ako sweetheart. This is the least thing I could do. I don't know how to help you with your morning sickness, sweetheart."
"Ikaw talaga, ke aga2x eh pinapakilig mo na ako..." natatawang tukso ko sa kanya. I swear nakita kong biglang pagpula ng mukha niya. Ang cute lang talaga sa tuwing nagba-blush si Blade.
Dahil sa hindi ko siya mapilit na lumabas ay hinayaan ko na lang siyang manatili sa likuran ko at tignan ako sa aking ginagawa. Nagmumog ako saka nag-toothbrush. He helped me dry my face too. Paano ba ako naging ganito kaswerte? Salamat talaga,Lord.
Maging sa paglabas ay hawak-hawak ako ni Blade. Dumiretso ako sa kama at pinahiga niya ako. He covered me with the comforter at saka tumabi siya sa akin sa paghiga. Marahan niyang iniangat ang aking ulo para makahiga iyon sa braso niya at ang isang kamay ko naman ay hinawakan niya saka dinala sa may dibdib niya.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?"
"Medyo okay na."
Blade interlaced our fingers together. His playing with the engagement ring he gave me.
"The ring really looks good in you." komento niya.
"Salamat."
"I'm sorry, sweetheart.." biglang wika niya.
Buong pagtataka ko siyang tinignan. I can't help but admire how perfect his facial features are.
"Bakit ka nagso-sorry?"
"Because I failed you." mataman niya akong tinignan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Until now, hindi ko pa rin natutupad ang pangako kong pakakasalan kita." may halong lungkot na sabi niya.
"Blade, hindi ka dapat mag-sorry. Naiintindihan ko naman na may mga sitwasyong hindi natin kontrolado at hawak."
He gave me a quick kiss on the forehead that even makes my heart swell.
"I want to marry you right here and right now,sweetheart."
"Kahit saan at kahit kailan, Blade, pakakasal ako sa'yo. Mahal na mahal kita at maghihintay ako sa tamang panahon para sa atin."

BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Romantizm" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]