Chapter 10

2.5K 72 0
                                    

Habang nagda-drive ay minsan tinatapunan ng tingin ni Blade ang dalagang katabi niya na tahimik lamang. Hindi na ito umiiyak pero batid pa rin ang lungkot sa mukha nito.

"I'm sorry,Andrea." bulalas niya nang hindi na niya kayanin pa ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Biglang napalingon sa gawi niya ang dalaga at halata ang gulat sa mukha nito. Sandaling kumunot ang noo nito na wari'y naguguluhan sa sinabi niya.

Buti na lang at naka-red light ngayon kaya naman ay inihinto niya ang sasakyan.

"I'm sorry kung hindi ko nasabi sa'yo ang pakay ko noong nagpunta ako sa inyo." mataman niyang sabi.

Nakita niyang lumamlam ang mga mata nito saka nagbawi ito ng tingin. Diretso na itong nakatingin ngayon at kita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito.

"O-Okay lang. Nasabi na naman sa akin ni Papa." mahinang sambit pa nito.

Blade knew that there's more to what she was telling to him right now. He was actually expecting her to yell at him or curse him dahil sa galit ito pero nagtataka siya kung bakit mahinahon itong nakikipag-usap sa kanya ngayon.

"Why are you not mad at me,Andrea? I was expecting you to be mad at me dahil dinamay kita sa bagay na sana ay ama mo ang nagbabayad?" tanong niya.

He wanted to know how she really feel about it. Gusto niyang makita kung paano ito magalit.

Umiling-iling ang dalaga saka mapait na nginitian siya. "Kahit pa magalit ako,wala rin namang silbi di ba? Hindi ko rin naman kayang suwayin ang kagustuhan ni Papa lalo pa't ang kumpanya niya ang nakasalalay. Sa totoo lang Blade,kahit ganunpaman,gusto ko ring tulungan si Papa na hindi tuluyang mawala sa kanya ang kumpanya niya. Alam ko kung gaano iyon kahalaga sa kanya."

Why is she damn nice? Bakit sobra niyang bait sa taong ni minsan ay hindi siya tinuring na kapamilya? Talaga bang tao siya o anghel na nagkatawang tao?

"Bakit ang bait mo,Andrea?"

Hindi na iyon nasagot pa ng dalaga nang may narinig na busina mula sa likuran si Blade. Hindi niya namalayang green light na pala. His attention was fully taken by Andrea. He couldn't believe that this girl in front of him is an earthly angel. May mga babae pa ba talagang kagaya nito? How was it possible?

Damn! He couldn't help himself but to admire her even more. Paano pa kaya kung makita niya ang mga katangian nito sa mga susunod na araw? Lunod na nga siya ngayon para sa dalaga,paano pa kaya kalaunan?



Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa kanyang bahay. Bumusina siya nang matapat sa gate at di nagtagal ay bumukas iyon. His trusted security guard Mang Alfonso opened it for him. Ibinaba niya ang kanyang bintana at binati ito.Ipinasok niya ang sasakyan niya at saka ipinark iyon sa may garahe. 

Una siyang bumaba ng sasakyan saka mabilis na umibis para pagbuksan ng pinto si Andrea. he helped her get out from the car. He was delighted when she let him hold her hand para alalayan ito. He felt the sudden rush of electricity nang magtama ang kanilang mga kamay. 

When she mouthed "thank you" ay ngumiti lang siya. His heart was so happy. 

"Welcome to my house,Andrea." aniya nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng bahay.

Nagpalinga-linga ang dalaga. Halata sa mga mata nito ang paghanga ngunit nanatili lamang itong tahimik.

" Do you want me to show you your room now? If you want you can rest while I'm going to cook our food for lunch?"

She looked at him amused by what he told her."Tu-Tulungan na kita,Blade. Nakakahiya naman kung magpapahinga ako tapos ikaw ang magluluto." 

She was biting her lip when she said it kaya naman hindi maiwasang mapako ang tingin roon ni Blade.

Damn! Those lips..I wonder how they taste. Panigurado siya walang kahit anong kolorete sa mukha ang dalaga. He likes her natural. Walang make up ito. Hindi katulad ng mga nakasanayan na niyang makita sa mga babae na halos ihilamos ang foundation para magmukhang presentable lang sa paningin niya. But Andrea is different. 

He could imagine her with make up on at alam niyang she will be a head turner pag nagkataon. Ngayong natural nga lang ang mukha nito sa harap niya ay hindi na niya maiwasang humanga sa simple at magandang mukha nito how much more if mag-aayos ito?

And speaking of that,he couldn't wait to buy her clothes at lahat ng pambabaeng kagamitan nito. He wants to accompany her pero baka mailang lang ang dalaga kaya naman isang tao lang ang naisipan niyang balak niyang tawagan para samahan sa pamimili si Andrea. 

His mother Barbara. Naisipan niyang ang asawa ng isa niyang kaibigan pero hindi ito pwede dahil buntis at baka hindi payagan ni Arthur. He knew that his Mom will like Andrea. Tiyak niya iyon.

"Okay,if that's what you want. Pero,iaakyat ko muna itong gamit mo sa kwarto. Upo ka muna sa sofa,I'll be back right away." wika niya kay Andrea sabay turo sa malaking sofa sa living room niya.

Mabilis na tumango si Andrea. "Salamat." mahinhing wika nito saka umupo na sa sofa.

Umakyat siya sa taas at tinungo ang kwartong inilaan niya para sa dalaga. It was a room across to his. May isang bahagi sa utak niyang nauudyok sa kanyang mag-share sila ng room ni Andrea pero nagdadalawang-isip siya dahil una,naisip niyang baka umurong ang dalaga at matakot ito sa kanya at pangalawa ay baka isipin nitong ginagamit niya ang sitwasyon para gawin niya iyon.

The last thing that he wanted her to feel was being disrespected and taken advantage of. Alam niyang inosente ito at wala itong tunay na lama sa kung ano ang kalakaran sa totoong mundo. He respect and care for her well being kaya naman as much as possible gusto niyang mapalagay ang loob ni Andrea sa kanya at maging kumportable ito.

They may have to marry soon but he also wanted her to trust him and maybe if possible they will start as friends para makilala pa nila ang isa't-isa.

There are a lot of things that he wanted to know about her. She may be that shy and timid pero alam niyang there's more to her than meets the eye.

Kung magtatanong man ito sa totoong dahilan niya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito ay wala naman siyang balak na ilihim ang mga rason at dahilan niya.

It's better to tell her the truth than let her be blinded by what is truly happening. Above all else,what she feels matters the most to him.



In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon