Napapatingin na lang ako sa kamay ni Blade na hawak ang kamay ko. He's holding me like ayaw niya akong bitawan sa sobrang higpit. Pakiramdam ko nga ay namamawis na ang kamay ko. Kanina pa kasi niya ito hawak habang pababa kami ng hagdan,sandali lang siyang bumitaw ng sumakay kami sa kanyang sasakyan niya. Ngunit ginagap niya ulit ito habang nagda-drive siya. Wala akong magawa dahil ayaw ko mang aminin sa kanyan ng harapan,nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nakahulma ang kamay naming dalawa sa isa't-isa.
Nang mapatingin ako sa mukha niyang seryoso pa ring nakatitig sa kalsada ay hindi ko maiwasang lalo pang hangaan ang kagwapuhan niya. Ang buong akala ko ay tanging sa mga pocket books ko lang makikita sa pamamagitan ng imahinasyon ang mga ganitong lalaki ngunit in reality ay totoo pa lang may mga pinagpalang ganito.
He looks like an angel. Kahit naka-side view and amo ng mukha. Ang ganda ng kulay tsokolate niyang mga mata na pakiramdam ko ay laging may gustong iparating. At nang mapadako ang mga mata ko sa labi niya ay hindi ko na naiwasang mapalunok. His lips are naturally red at plump. Ano kaya ang pakiramdam kapag hinalikan niya ako?
"Done checking me out,baby?"
"Ha?"
Mabilis kong iniiwas ang aking tingin sa kanya. Alam ko namumula ako dahil biglang nag-init ang pisngi ko. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil sa kahihiyan.
"It's okay,baby. I'm all yours anyway." natatawa niyang sabi sabay kindat.
Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Jusko! Ngayon lang ako nagkakaganito.
Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing tinatawag niya ako sa endearment na ganun. Wala pang lalaking nagtangkang magsabi sa akin ng ganyan kaya siguro kinikilig ako at nakakapanibago. Sa mga araw na nagdaan na kasama ko si Blade ay nakikita kung gaano siya kabait na tao.Hindo mo aakalaing isa siya sa mga tinitingalang bachelor sa bansa. He is humble and very-down-to-earth. What I read on the books seems to be not only happens in my imagination. I am just lucky to have found one in reality.
Inihinto ni Blade ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang building. First time ko sa ganitong lugar kaya naman ay medyo nag-aalangan kong tinignan ang buong paligid. Parang may paligsahan lang ng mga sasakyan dahil sa dami ng naka-park na sasakyan sa parking lot at alam ko na ang mamahal ng mga iyon. Hindi naman ako inosente sa lahat ng bagay. Lahat ng ito ay bago sa akin ay hindi ko rin maiwasang kabahan.
"Are you ready?"
Tumango ako kay Blade. Binuksan niya ang kanyang pintuan para makalabas na. Ako naman ay sinipat muna ang aking sarili sa salamin. First time kong makikita ang mga kaibigan ni Blade at ayokong mapahiya siya sa mga ito.
Nang masiguro kong okay na ang itsura ko ay bubuksan ko na sana ang aking pintuan ngunit naunahan na ako ni Blade. Pagkabukas niya ng pinto ay agad akong lumabas. Inabot niya ang aking kamay at hindi na niya ito binitawan hanggang sa naglakad na kami papasok sa building.
Sa labas pa lang ay nakita ko na agad ang mga taong bawat nadadaanan namin na napapalingon sa amin ni Blade,lalo na ang mga babaeng halos na lang ay patayin ako sa klase ng kanilang mga tingin sa akin. Merong iba sa kanila na para bang naiinggit. Hindi ko rin naman kasi sila masisisi. Kahit simple lang ang ayos ni Blade ay talaga namang hindi maitatanggi ang kagwapuhan nito plus the fact that he is as sexy as hell. Of course, women would like to trade with me para lang makasama si Blade. Wala pa akong masyadong alam sa kung ano si Blade sa mga babae pero alam kong hindi naniya kailangan pang lumapit sa mga babae dahil ang mga ito mismo ang lalapit sa kanya. Thinking about it just right now suddenly makes my blood boil. Teka,nagseselos ba ako? Bakit naman ako magseselos? May karapatan ba ako?
"Hi,Blade!" napahinto kami ni Blade nang may biglang humarang na dalawang babae sa daraanan namin.
They seem to know him kaya naman nakita ko ang rekognasyon sa mukha din ni Blade.
"Lara. Tanya." malamig na sabi ni Blade.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga nasa harapan namin. I must admit the girls look so damn gorgeous. Yung mga tipong nagmomodelo. Matangkad at ang gaganda ng mga katawan. Halatang sobrang alaga ng mga ito. They're wearing black mini-dresses na halos makita na kabuuan ng mga katawan nila. My God! Hindi ko maisip ang sarili kong magsuot ng kagaya nila. Pero ang ganda talaga nilang tignan. Gusto ko tuloy manliit sa sarili ko kasi kung itatabi para akong alila nila. But then again,yung mga sinabi sa akin ni Blade ang laging sumasagi sa isip ko. Thinking about it makes me gain some confidence. Maybe,it's time for me to refrain myself from thinking negatively and pourly about myself.
"And so I thought,I would not see you again,babe." narinig kong sabi ng tinawag na Tanya kanina ni Blade. Yung tingin niya kay Blade ay yung tipong nang-aakit. Nang lingunin ko si Blade ay blanko lamang ang kanyang mukha.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Blade sa kamay kong hawak niya. Nilingon niya ako at saka nakita ko ang paghinahon ng mukha niya na para bang may pag-aalala sa mukha niya na hindi ko naman alam kung bakit.
"Is she your new toy? The reason why you didn't return my calls after what happened between us in Bora?" may pang-uuyam sa boses ni Tanya habang tinatanong niya si Blade pero sa akin na siya ngayon nakatingin. If looks could kill,probably I am dead already. The two women were throwing death glares on me. Pero sa halip na matakot ay nanatili lamang akong tahimik. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ay safe ako at kahit ano pang sabihin nila sa harapan ko ay balewala dahil alam kong hindi ako papabayaan ni Blade.
"Tanya,you're drunk. Obviously, you don't know what you're talking about. So if you girls don't mind,clear the way for us because naghihintay na yung mga kaibigan ko. " mahinahong turan ni Blade. He let go of my hand and put his arms around my shoulder protectively.
"By the way, this is my fiancee and soon to be my wife."
Nagulat ako ng marinig iyon mula kay Blade bago namin tuluyang tinalikuran ang mga mga babae. Nang lingunin ko ang kinatatayuan nina Tanya ay nakita kong napanganga sila.

BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Romance" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]