"Kanina ka pa dito sa labas, Ana. Pumasok ka na sa loob at baka mahamugan ka." si Yaya Poring na nagsalita galing sa may likuran ko. Nilingon ko siya. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at tumabi sa akin. Nakatanaw ako sa may labasan.
"Mamaya na po,Yaya." mahinang wika ko sa kanya.
"Ilang araw ka ng ganyan. Baka ikaw naman ang magkasakit niyan. Alalahanin mong may dinadala ka na sa loob ng sinapupunan mo." may halong paalala niya sa akin.
Bigla ang pagdating ng lungkot ulit sa akin. Ilang araw na akong andito sa bahay ni Papa. Ilang araw na rin na hindi ko nakikita si Blade. Parang kailan lang ay okay pa kami pero nagising na lang ako isang araw na yung maliit naming hindi pagkakaintindihan na nauwi sa malaki at heto nga ilang araw na niya akong tinitikis. Wala rin naman akong lakas ng loob na bumalik sa bahay niya. Umalis akong mabigat ang loob dahil sa pagkakatampuhan namin nang dahil lamang sa paglilihim ko sa kanyang kinausap ako ni Lolo Steven noong nagkamalay siya at hiniling niya sa aking palayain si Blade. Para din daw iyon sa kabutihan naming dalawa ni Blade. Alam niya na din ang ginawang kasunduan ni Blade at ni Papa. Marami pa siyang sinabi sa akin na labis kong ikinasama ng loob pero wala rin naman akong masabi dahil ilan sa mga ito'y totoo naman. Gaya na lamang ng pagiging kulang ko na maging karapat-dapat kay Blade. Naisip ko din na hindi sapat ang pagmamahal para maging okay ang lahat. Malaki ang naging atraso ni Papa sa pamilya ni Blade.
Blade thought that I couldn't fight for him. Nalilito ako. Mahal ko siya pero hindi ko kayang magpatuloy pa ang pagkakaroon ng hidwaan nila ng Lolo niya. Sobrang galit ni Blade sa akin kaya naman ay nasigawan niya ako for the very first time. I've never seen him that mad kaya labis din akong nagulat. Bigla ang pagbalik ng mga ala-alang matagal ko na dapat kinalimutan sa kamay ni Papa. Minsan, gusto kong isipin din na masyadong napaaga ang pagkakaroon namin ng ugnayan ni Blade. Pero anong magagawa ko kung sa kanya ko naramdaman kung paano magmahal at mahalin?
What hurts me most was to know that he planned to marry me days after Lolo Steven got hospitalized. Nakaplano na pala lahat. Sa mga kaibigan ko lang rin niya nalaman. Kung alam ko lang ay sana hindi ako umalis sa bahay niya ng ganun-ganun lang. Alam kong nasaktan ko siya sa ginawa kong pag-alis sa bahay niya. Gusto ko lang na bigyan ang mga sarili namin ng panahon na makapag-isip.
Oh how I missed him so much!
Tears slowly flow down on my cheeks while thinking about him.
"Ayan ka na naman. Ana, kung mahal ka talaga ni Blade, pupuntahan ka niya dito. Alam kong iniisip ka rin niya sa ngayon." ani Yaya.
Yaya Poring has always been my strength. Noong umuwi ako ay agad niya akong niyakap at napaiyak na lamang ako sa kanya. Wala akong inilihim kay Yaya.
"Sorry po,Yaya. Hindi ko po talaga maiwasang maiyak sa tuwing naiisip ko si Blade." sabi ko.
Gusto ko na lang tuloy na pagsisihan ang pag-iwan ko sa cellphone ko at iba pang mga gamit na bigay sa akin ni Blade. Pero kung talaga gusto niyang magkaayos kami ay gagawa siya ng paraan kahit anupaman iyon.
Mahal ako ni Blade.
Siguro kung sinabi kong buntis ako ay baka hindi niya hahayaang umalis ako.
"Kung sana sinabi mong buntis ka ay pipigilan ka niya. Ana, alam kong nasaktan ka sa sinabi niya pero sana hinabaan mo pa ang pasensya mo sa kanya. Maraming pinagdadaanan si Blade. Intindihin mo na lang."
"Pero Yaya, minsan napapagod din naman ako."
Bumuntong-hininga si Yaya. " Magiging okay rin ang lahat. At kapag nagkausap na kayong dalawa, sabihin mo na sa kanya ang sitwasyon mo. Karapatan niyang malaman ang pagdadalantao mo,Ana. Anak niya ang nasa sinapupunan mo. Karapat-dapat lang na alam niya iyon. Walang magagawa ang pamilya niya lalo na ang Lolo niya kung si Blade mismo ang manindigan para sa inyong dalawa. Huwag mo rin sanang iwan si Blade sa labang ito. Higit na kailangan ka niya. Mas ipadama mo pa lalo sa kanyang mahal mo nga siya at kahit anong mangyari ay mananatili ka sa kanyang tabi."

BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Romansa" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]