Prologue

8.6K 104 3
                                    

Napapikit ako nang tumama ang latigo sa aking likuran. Magkahalong hapdi at kirot ang nararamdaman ko ngayon sa kasalukuyan. Hindi naman sa hindi ako sanay sa ganito. Ang totoo,sanay na sanay na ako sa tuwing ginagawa niya ito sa akin bilang parusa sa tuwing nagkakamali ako sa kanyang mga mata. 

All I could do is to whimper and bear the pain.I sobbed silently as he was done and he locked the door in the basement at tuluyan na siyang umalis. Naiwan na naman ako sa impyernong ito. Dahil sa aksidente kong natabig ang isa sa pinakamahal niyang vase kanina ay ganito agad ang napala ko.

My life has been like this simula noong nagkamuwang na ako. You might be wondering kung ano ang nangyayari sa akin ngayon.

I am Andrea Piamonte,23 years old at kasalukuyang alila at buntunan ng galit ng taong ni sa hinagap ay hindi ko akalaing magagawa sa akin ang mga bagay na kailanman ay hindi ko maisip na gagawin ng isang ama sa kanyang anak.

You heard it right,ang taong nanakit sa akin ay ang sarili kong ama mismo. He's blaming for what my mother did to him. My mother left him when I was still 3 months old at ngayon ay ako ang sinisisi ng ama ko kung bakit nangyari ang lahat ng kamalasan sa buhay niya.

Masakit di ba? Pero na-immune na yata ako sa lahat ng sakit. In my years of existence, ito na ako eh. Ito na ang buhay na kinalakihan ko. Ito na ang naging kapalaran ko. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya at ganito na lamang ang galit niya sa akin. Di ba dapat mahal ng mga ama nila ang kanilang mga anak? Di ba dapat sila ang poprotekta sa mga ito?

But how come my father did the opposite? Bakit siya pa mismo ang nanakit sa akin? Bakit sa kanya ko pa naranasan ang mga paghihirap na ito? Anak ba talaga ako ng isang Melchor Sandoval?

Hindi ako isang normal na tao sa palagay ko. Kasi kung normal ako,bakit tinrato akong parang hayop ng sarili kong kadugo? Bakit pakiramdam ko ay patay na ako gayong humihinga pa naman ako?

I have been in the dark for 23 years and I don't know if I'll be able to see the light outside again.

Hindi ko nga alam kung may liwanag pa ba sa kadilimang nakamulatan ko na........



In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon