"Hintayin niyo na lang po ako dito,Mang Alfonso." sabi ko kay Mang Alfonso nang naipark na niya ng tuluyan ang sasakyan sa gilid ng Sonia's bakeshop. 3 days na mula noong pabalik-balik ako dito and noe here I am again, nagbabasakaling makita ko na si Aling Alona. Hindi ko alam kung napapansin na ba ako ni Betsay dahil sa palagi akong tumatambay sa shop nila hoping that I'll get the chance to talk to Aling Alona. Mula noong nagkasakit siya ay hindi na siya pumasok pa. May isang parte sa akin na nag-aalala na rin. I may not know her personally nor I am not close to her pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit hindi na siya pumapasok.
"Ay Ma'am Andrea, andito ka ulit?" salubong agad sa akin ni Betsay.
Kasalukuyan niyang ini-arrange ang mga bagong lutong tinapay at mga dessert.
"Nandito na ba siya?"
Hindi ko na kailangang banggitin ang pangalan ni Aling Alona dahil alam na ni Betsay na ito ang pakay ko.
"Naku Ma'am Andrea, hindi pa rin siya pumapasok eh. Nagtataka na nga rin kami kung bakit wala pa siya eh ilang araw na siyang absent. Hindi naman siya ganito kahit pa nagkakasakit siya. Sa katunayan kahit may sakit siya ay pumapasok iyon dala na rin na ayaw ni Ate Alona na masayang ang kikitain sa isang araw."
Nakaramdam ako ng haplos ng awa sa isipin iyon. Paano nga kaya kung siya na pala ang Mama ko at ganito ang sitwasyon niya ngayon?
"Ahm Betsay, alam kong nagtataka ka pa rin hanggang ngayon sa pakay ko kay Aling Alona pero uulitin ko ulit, hindi ako masamang tao gusto ko lang talaga siyang makita at makausap."
"Ay naku Ma'am, huwag po kayong mag-alala. Wala po sa isip kong may masama kayong balak kay Ate. Wala po sa itsura niyo ang gagawa ng masama sa kapwa tao mo." aniya.
Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. What if I'll go to her place kaya?
"Ang mabuti pa po para hindi na kayo magpabalik-balik dito, ibibigay ko na lang yung address ni Aten Alona para kayo mismo ang pumunta sa tinutuluyan niya."
Bigla ang pagkabuhay ng loob ko sa narinig mula kay Betsay. Sinundan ko siya sa may counter. She took a piece of paper saka may isinulat doon. I guess she's writing the address. Wala pa man din ay kinakabahan na ako.
"Ito na po. Diyan sa address na yan siya nakikituloy."
Tinanggap ko ang papel. Kahit pa gusto kong magtanong pa ay nanaig ang pagnanais kong mapuntahan agad si Aling Alona sa bahay nito.
"Salamat Betsay. Utang ko sa'yo 'to." sabi ko bago ako lumabas ng shop.
I hurried to get inside the car at inutusan si Mang Alfonso na puntahan ang address na binigay ko sa kanya. Habang sa daan ay samo't-sari na ang mga scenario na nasa isip ko.
Paano ko siya haharapin? Magkakalakas-loob ba akong itanong ang mga bagay na alam kong personal sa akin pero handa akong ibahagi iyon makuha ko lamang ang mga kasagutang matagal ko ng hinahanap?
Hindi naman masyadong nagtagal ang biyahe namin. Pumasok kami sa isang maliit na eskinita. Ngayon lang ako nakapunta dito pero alam ko na agad na hindi ito ang buhay na nasa isip ko para sa ina ko. Kung sakali mang siya nga ang nanay ko, gusto kong kunin siya para magkasama kami. Pag nangyari iyon ay maiibsan na ang pangungulila ko sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang tunay na ina.
"Ma'am Andrea, hanggang dito na lang po tayo. Hindi na kasi makakapasok ang sasakyan natin. Makipot po ang daan. Sigurado po ba kayong ito nga yung address?" tanong ni Mang Alfonso.
"Opo. Yan ang ibinigay sa akin ni Betsay kanina. Dito daw tumutuloy ang taong hinahanap ko."
Matapos kong kinalma ang sarili ko ay bumaba na ako nang pagbuksan ako ni Mang Alfonso. Nakita ko agad ang mga pang-uusyuso ng mga taong naroon sa bawat iskinita ng makita ako. May ilang puno ng kuryusidad ang mga mukha at may ilan namang nakikilingon rin lang.

BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Romance" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]