Chapter 28

2.7K 70 2
                                        

"Oh my God! You look so gorgeous, Andrea!" Krista squealed when she saw me. Andito siya ngayon sa bahay ni Blade. Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa niya dito. Ang sabi lang niya ay may pupuntahan kaming engagement party ng isang kaibigan niyang babae. Sobrang excited siya kaya naman ay hinayaan ko na lang siya at pumayag na rin ako. Mula noong nagkakilala kami noong isang araw ay lagi na kaming magkakwentuhan,hiningi kasi niya yung number ko bago kami naghiwalay ng gabing iyon. 

Masasabi kong isa si Krista sa mga taong nagpapasaya sa akin ngayon. She became my friend. Ang sabi nga ni Blade ay masaya siya at nagiging malapit si Krista sa akin. He told me how picky she was when it comes to having friends kaya naman nagpapasalamat na rin lang ako at isa ako sa mga taong gustong niyang makilala at maging kaibigan.

And speaking of Blade,hindi na kami nagkaabot kanina. Pagkagising ko kasi ay nakaalis na siya para sa trabaho niya. Sabi niya ay magiging busy siya kaya naman ay huwag ko na raw siyang hintayin sa pag-uwi. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Mula noong dumating ako sa bahay ni Blade,nasanay na akong kasama siya sa almusal,minsan sa tanghalian at lalong-lalo na sa hapunan. Nasanay na rin kasi akong ipagluto siya. Ngayon ay may kahungkagan na akong naramdaman habang iniisip kong hindi ko siya makakasama. Sa halip ay pinayagan naman daw niya akong sumama kay Krista na magparty. Ang sabi kasi sa akin ni Krista ay ipinagpaalam niya ako kay Blade at pumayag naman daw ang huli.

I miss him. I want to tell him that I miss his presence kanina noong tinext ko siya pero nagpigil ako. Nahihiya akong malaman niyang tuluyan na siyang nakapasok sa puso ko. Kung kailan nagsimula? Hindi ko alam. All I know right now is that my heart is slowly yearning for Blade. Lagi ko na siyang hinahanap kahit ilang oras ko lang naman siyang hindi nakakasama. Ganito ba talaga pag puso na ang umiral?

"Ikaw din naman eh,ang ganda mo,Krista." puri ko sa kanya. Totoo naman iyon. She's wearing a white tube dress na hanggang hita niya. Sobrang hapit niyon sa kanyang katawan kaya naman kitang-kita bawat kurba niya. Masasabi kong ang swerte ni Rob sa kanya. Bukod sa mabait si Krista ay napakaganda pa niya. Perfect match silang dalawa. 

"Gosh! I can't wait!" nangingiting turan pa niya. Natawa na lang ako sa nakikitang kasiyahan ni Krista. Marahil ay excited lamang siya sa mangyayari sa engagement party ng kanyang kaibigan.  "Oh,let's go now." excited pa niya akong niyakag palabas na ng kwarto.

Ang tanging bitbit ko lang ay ang pouch na may lamang cellphone ko. Muntik pa akong matapilok sa kakamadali namin. Hindi pa naman ako sanay magsuot ng sapatos na may heels. 

"You should learn how to drive, Andy." biglang sabi sa akin ni Krista nang tuluyan na kaming makalabas ng bahay. Nilock ko ang main door at saka sumunod sa kanya. Sasakyan niya ang gagamitin namin.

Nilingon niya ako bago pa siya pumasok sa sasakyan niya. Ako naman ay umibis na din para buksan ang driver's side at doon naupo.

"Ang dami niyong sasakyan dito,sayang naman kung hindi mo mararansang magdrive sa isa sa mga iyon." aniya habang pinapaandar ang makina ng kotse niya.

"Hindi naman akin yan,Krista eh. At saka,hindi ko alam kung kaya ko ba."

"Wow ha? Of course, it's yours too. Hello,do I need to remind you? Magiging Mrs. Mondragon ka na,iha. And what's his will also be yours. And besides,I know Blade thinks the same way as I am. Ikaw lang naman itong nahihiya pa. You know what,Andy, my friends really cares about you. Can't you see it? I should recommend you this driving school of these days, para naman makapagsimula ka ng mag-driving lesson."

Nanatili na lang tikom ang bibig ko. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ni Krista. Kung anu-ano na lang kasi ang lumalabas sa bibig niya. It's as if everything was that easy for her to say those things. I don't want Blade to think of me as his responsibility just because nasa puder niya ako. Nakakahiya na ngang andito ako ngayon sa bahay niya dahil sa utang ng Papa ko, mas lalo pang nakakahiya kung makiki-angkin rin ako sa kung anumang meron siya. Pinaghirapan niya iyon. Wala ako sa mga oras na nagpapakapagod siya sa pagtatrabaho para makuha niya ang mga bagay na meron siya. 

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon