Chapter 30

3K 76 4
                                    


"Don't be nervous." 

Ginagap ni Blade ang kamay ko na kasalukuyan pa ring nanginginig. Andito kami ngayon sa loob ng kanyang sasakyan na nakahinto sa garahe ng mansyon ng kanyang mga magulang. Oo mansyon dahil sa sobrang laki ng bahay. Mas malaki pa sa bahay ni Papa at sumisigaw ng karangyaan kahit sa labas pa lang. Ano pa kaya pag sa loob? I feel so out of place. Pakiramdam ko ay hindi ako bagay kahit tumapak man lang sa lupang kinatitirikan ng bahay ng mga magulang niya.

Today is the day.  Ngayon ako ipapakilala ni Blade sa kanyang pamilya. Ang sabi niya ay excited na raw ang mga ito na makita at makilala ako lalong-lalo na ang Mommy Barbara niya. Sa totoo lang ay magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko sa ngayon. Hindi ko alam kung magugustuhan ba nila ako. O kung alam ba nila kung paano kami nagsimula ni Blade.

"Sigurado ka ba talagang hindi ako alangan sa inyo,Blade? Okay ba itong suot ko? " 

Nag-aalangan akong ihakbang ang mga paa ko. Wala kasing paglagyan ang kaba ko ngayon. Para akong kakatayin dahil sa sobrang kaba at pinagpapawisan na ako kahit nasa labas pa lang kami ng mansyon nila Blade. 

Hinigit ako ni Blade dahilan upang mapaharap ako sa kanya. Ilang dangkal na lang ang lapit ng mukha namin. Mas lalo pa akong nawala sa huwisyo. Ang intense lang niyang makatingin sa akin. Not that I don't like it. Gustong-gusto ko ko rin naman. Nasasanay na ang katawan ko na si Blade lang ang nakakalapit at nakakahawak sa kamay maging sa beywang ko. Paano pa kaya kung mas lalo pang lumala ang nararamdaman kong pagkahulog sa kanya ngayon? Makakabangon pa kaya ako kung hindi si Blade ang makakasama ko?

"You are just going to meet my family,Andrea. They're not going to eat you up alive." natatawang sabi pa niya sa akin. Goodness,how could he be so relax at para bang nag-eenjoy pa siyang makitang halos mawalan na ako ng ulirat sa sorang nerbyos! 

"Kinakabahan talaga ako Blade." aniya.

Blade chuckled and kissed her forehead. Bagama't nagulat ay napatameme na lang siya.

"Relax. They're going to like you. At isa pa,I won't leave your side. If you are nervous or uncomfortable sa harap nila,you can reach my hand or hold me."

She nodded and smiled at him. May tiwala siya kay Blade. Dapat nga talagang mas maging confident pa siya lalo na at alam niyang hindi siya pababayaan ng binata.

_______________________________________________________________

"Come on. Hinihintay na nila tayo." yaya pa nito sa kanya. Nasa bukana na sila ngayon ng malaking pintuan. Pinagsiklop ni Blade and mga kamay nila saka hinila siya papasok sa loob ng malaking bahay.

Kung kanina ay nakanganga siya habang tinitignan ang malaking bahay,ngayon ay halos lumuwa ang mga mata niya sa laki ng loob nito. Halos malalag panga niya sa simple ngunit magarbong tanawin sa mansyon ng mga magulang ni Blade.

The inside of the house is freakily shouting for richness and elegance. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang bahay. It was like a description from the mansions that she could only read on the pocket books. Pero ito ngayon,nasa harapan niya,nakikita niya mismo,nakakalula palang talaga.

Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng bahay ay naroon at sumalubong na agad sa kanila ang isang napakagandang ginang katabi ang lalaking kamukhang-kamukha ni Blade. It's his father at kung hindi siya nagkakamali,ang ginang ay ang step-mom ni Blade. Parehong nakatingin at nakangiti sa gawi nila ang mga ito. Para bang hinihintay na nila kami.

"Son,you're home." narinig niyang wika ng ginang. Naglakad sila ni Blade patungo sa dalawa. Kahit pa pakiramdam niya ay biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya ngunit ng maramdaman niyaa ng pagpisil ni Blade sa kamay niya ay may kung anong lakas na hatid niyon.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon