Chapter 16

2.3K 69 1
                                        

Hindi ko maintindihan kong bakit ganito na lamang ang epekto sa akin ng mga titig ni Blade. Gaya na lamang kaninang abutan ko siya sa kusina. Halos panghinaan na ako ng aking tuhod dahil nagtama ang mga mata namin. Hindi ko na kayang balewalain itong nararamdaman kong atraksyon sa kanya. Oo,wala pa akong karanasan sa pag-ibig ngunit hindi naman ako mangmang sa mga bagay tungkol dito.

Habang unti-unti ng nabubuksan ni Blade ang pintuang matagal kong ikinandado at inalagaan para hindi na ako masaktan,naroon pa rin at hindi maalis ang takot kong baka katulad lang din siya ng aking ama kapag mas lalo ko pang siyang makikilala. Yung puso ko sinasabing mali ako taliwas sa sinasabi ng utak ko. Alam ko wala ako sa posisyong i-judge siya dahil wala siyang ibang ginawa sa akin kundi puro kabutihan ngunit hindi ko pa rin maiwasang matakot. Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman kong pagdudahan ang kanyang tunay na intensyon. Pero sana,tama ang puso ko.Sana mabutin ngang tao si Blade. Na sana siya na ang sagot sa mga dasal ko.

"Ready?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa may likuran ko si Blade. Hindi magkamayaw sa paglukso ang puso ko. Marahil ay masyado akong nawala sa aking sarili kaya hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.

"Ah..o-oo." natataranta kong sagot. Ni hindi ko siya matignan dahil sa sobrang nasilaw ako sa kagwapuhan niya. Nakabihis na din pala siya. Kanina kasi ay inaya niya akong mamasyal sa mall. Sabi niya ay may pupuntahan lang daw kami kaya isasama niya ako. Gusto ko sanang tumanggi pero alam ko namang hindi niya iyong tatanggapin at isa pa ay nahihiya din akong hidni siya samahan sa lakad niya dahil hindi siya pumasok sa trabaho ngayon para masamahan din ako.

Napakabango at gwapo niyang tignan kahit pa simpleng puting T-shirt lang ang suot nito na bakat ang angking tikas ng kanyang katawan at saka nakapantalon lang ito ng maong at naka-sneakers. Samantalang ako naman ay naka-palda at naka simpleng blouse lang din. Siguro kung tatabi ako sa kanya ay magmumukha akong katulong.

"Are you okay,Andrea? Mukhang malalim iniisip mo kanina kaya hindi mo ako namalayan sa likuran mo." aniya.

"Ah eh..may iniisip lang ako,Blade. Teka,sigurado ka bang isasama mo ako? Kasi nakakahiya naman yung ayos ko kumpara sayo." nahihiya ko pang turan.

Nakita kong tumiim ang bagang niya saka seryosong tinitigan ako. Pagkuway,hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

"Andrea..hey..look at me.." sabi pa niya na pilit hinahanap ang mga mata ko upang magtagpo iyon sa kanya.

Nang magtama ang aming mga tingin ay agad na lumamlam ang kanyang mga mata at saka sandali muna niyang tinitigan ang aking mukha. Nag-init tuloy ang aking mga pisngi.

"Don't ever look down on yourself like that. You don't have to dressed fancy just so people notice you. You're beautiful,Andrea,don't ever doubt that. At kahit ano pang suotin mo,I would always be proud to be with you kahit saan." mataman niyang wika. Para ba akong hinihigop ng kanyang mga mata sa klase ng kanyang titig.

Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko magawa dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan at umurong ang aking dila.

Dahil sa nerbyos at kaba ko ay kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi ngunit laking gulat ko na lang ng ilagay niya roon ang kanyang hintuturo na siyang nagpamulagat pa lalo sa akin. Buong pagtataka ko siyang tinignan.

"Stop biting your lip, baby.I might lose my control." aniya sa nahihirapang tinig saka tumalikod sa akin.

Natahimik kaming pareho. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para sabihin niya iyon. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko.

Nauna na siyang lumabas ng kanyang bahay kaya naman ay walang imik na lamang akong sumunod sa kanya.

Ipinagbukas niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan. Gusto kong magtanong kung bakit wala ang driver niya pero pinigilan ko na lang ang aking sarili hanggang sa nagmaneho na siya. Maging sa daan ay nanatili pa rin siyang tahimik. Panaka-naka'y sinusulyapan ko siya ngunit seryoso lamang ang kanyang mukha at diretso ang tingin sa kalsada.

Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya sa mga sandaling iyon ngunit natatakot akong magtanong.

Sa buong biyahe namin ay pareho lang kaming tahimik. Minsan ay nagkakapalitan kami ng sulyap sa isa't-isa na siyang dahilan upang mas lalo pa akong kabahan.

"We're here." napaayos ako ng upo ng nagsalita si Blade.

Sandali muna akong hindi nakapagsalita. Imbes ay inilibot ko muna ang aking mga mata sa paligid. Hindi ko man lang namalayang andito na pala kami sa isang parking lot. Maraming tao na labas-masok sa isang napakalaking building. Ito na siguro ang tinatawag nilang mall. Hindi pa ako nakakapunta sa mall dahil sa tiyangge kami namimili lagi ni Yaya. Hindi ko maiwasang malungkot sa isiping marami pa lang bagay ang hindi ko alam dahil sa pagkakakulong ko sa mundo noong nasa poder pa ako ni Papa.

"Are you,Andrea?"malungkot akong tumingin kay Blade na ngayon ay buong pag-aalala ang nasa mukha. Mapait ko siyang nginitian. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umiyak sa mga oras na yun.

"Hey,are you okay? Why are you crying?" tanong niya ulit. Nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya. Pero huli na ang lahat dahil bumagsak na ang isang butil ng luha sa aking pisngi.

"Pa-pasensya ka na,Blade. Na-napuwing lang ako." palusot ko pa at dali-dali kong tinuyo ang luhang pumatak sa aking pisngi ngunit maagap niya akong napigilan. Dumapo ang kanyang palad sa aking magkabilang pisngi at ikinulong niya ang aking mukha saka pinakatitigan niya ako.

" Stop feeling sorry for yourself sa mga bagay na hindi naman dapat. Andrea,you've got to let go of what has been. What matters is now. Yung kung ano ang ngayon. I don't know exactly your story. Hell, I haven't even have the chance to get to know you long enough but all I know is I hate seeing you cry. I don't want to see you crying in pain without even telling me. You are under my care now, Andrea and soon enough,I will be your family,hindi kita pipilitang sabihin sa akin kung anuman ang mga bagay na bumabagabag sa'yo but I am just here. I'm willing to listen. Andito lang ako."seryosong saad pa niya.




In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon