Tunog ng cellphone ang nagpagising sa akin. Pupungay-pungay pa akong bumangon. Agad kong kinuha ang phone ko sa sa bedside table tsaka tinignan ang tumatawag. Si Krista pala.
"Hello?" humihikab pa akong sumagot.
"Hi,Andrea!" masiglang bati ni Krista.
"Krista..."
"Hey, are you available tomorrow? Can we meet up? aniya.
Sandali muna akong nag-isip bago sumagot.
"May trabaho ako bukas sa flower shop pero pwede kong gawan ng paraan para makipagkita sa'yo. Bakit? Anong meron?" tanong ko.
"Hmmmm.. magpapasama ako sa'yo. I want to shop for a gown. But if you can't make it,then okay lang din."
"Pwede bang tawagan na lang kita bukas pag sigurado na akong may free time ako? Nakakahiya kasi kay Tita pag-aalis akong walang paalam. Gusto kong samahan ka pero hihingi muna ako ng permiso kay Tita.Okay lang ba?"
"Sure. No problem. Okay,I'll let you go,then. Bye.."
Pagka-off niya ng tawag ay agad kong hinanap si Blade. Nakatulog siguro ako kanina sa sasakyan niya. At alam ko siya na rin ang nagbuhat sa akin papunta sa kwarto namin. Akma na sana akong tatayo ng makaramdam ulit ako ng pagkahilo. Bigla akong napaupo dahil sa pag-ikot ng paningin ko. Pakiramdam ko ay naduduwal ako kaya mabilis akong tumakbo sa banyo. Doon ay ibinuhos ko lahat. Halos yata lahat ng kinain ko kanina ay nasuka ko na.
Ano ba nangyayari sa akin? Bakit ganito? Wala naman akong lagnat.
"O, Andrea..okay ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo?"
Napalingon ako kay Miranda. Hindi ko alam na nasa likuran ko na pala siya.
"O-okay lang po ako,Manang..." sabi ko sa nahahapong boses.
Nanghihina talaga ako. Inabutan niya ako ng tissue saka pinahid ko iyon sa bibig ko.
"Masama ba ang pakiramdam mo? Ano bang kinain niyo kanina ni Blade?" sunod-sunod ang tanong niya.
Mabuti na lamang at andito si Manang Miranda. Tinulungan niya akong tumayo.
"Naparami po yata yung pagkain ko kanina ng halo-halo,Manang.." sabi ko na lang.
Inalalayan pa niya ako pabalik sa kama.
"Si Blade nga po pala?"
"Umalis siya. Sabi niya pupunta daw siya sandali sa opisina niya. Babalik daw siya bago maghapunan. Nagpaluto nga siya sa akin ng adobo eh. At bilin niyang huwag ka daw munang umalis dito sa kwarto. Magpahinga ka daw muna."
"Salamat po. Magpapahinga na lang po ako,Manang."
Bumalik ako sa pagkakahiga. Ramdam ko pa rin ang pag-ikot ng paningin ko. Para akong lumulutang sa hangin. Hindi ko pa ito naramdaman noon.
"Buntis ka ba,iha?"
Gulat akong napatingin kay Manang Miranda. Mataman niya akong tinignan na para bang sinusuri niya ako.
"Hi-hindi ko po alam." kinakabahan kong sabi.
Bakit hindi ko naisip yun? Maraming beses ng may mangyari sa amin ni Blade at ni minsan ay hindi siya gumamit ng proteksyon. Posible nga yung mangyari.
"Kailan pa nagsimula ang pagkahilo at pagsusuka mo?"
"Kaninang umaga lang po." pag-amin ko.
"Magpatingin ka na kaya sa doktor para malaman mo kung buntis ka nga o hindi." suhestiyon niya.
"Sige po." sabi ko sabay tango.
Kung totoo ngang buntis ako, matutuwa kaya si Blade? Handa na ba siyang maging ama sa magiging anak namin? Tatanggapin kaya ang anak namin ng Lolo Steven niya? Ngayon pa lang bumabangon na ang matinding pag-aalala sa puso ko. Paano kung mas lalong magalit ang Lolo niya sa amin?

BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Romance" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]