Chapter 5

2.8K 73 4
                                    

Matapos kami sa mga gawaing bahay at pagluluto ni Yaya Poring ay napagpasyahan kong pumasok muli sa aming kwarto. Medyo nakaramdam kasi ako ng pagkahilo kanina. Mukhang magkakaroon pa ako ng sikat. Hindi na rin lumabas si Papa sa halip ay nakita kong mukhang pinaghandaan nga niya ang meeting na ito dahil sa nakita kong umakyat si Bogart na siyang kanyang pinagkakatiwalaan sa lahat sa kanyang kwarto at may dala itong kung ano.

Isinandal ko ang aking ulo sa head board ng higaan ko saka ipinikit ang aking mga mata. Medyo may kirot pa din ang sintido ko. Hindi pa ako lubusang magaling. Maging ang mga sugat at pasa ko ay mahapdi at masakit pa rin.

Hindi ko alam kung hanggang kailan talaga ang kaya kong tiisin sa mga ginagawa ni Papa sa akin. Gusto kong makawala na sa impyernong pamamahay na ito pero natatakot akong umalis dahil wala akong mapuntahan at saka wala akong pera. Walang-wala ako. Ayaw ko ring iwan si Yaya Poring at mas lalong ayokong lisanin ito dahil gusto ko dito ako balikan ng Mama ko.

Kahit pa iniwan ako ni Mama noon at may hinanakit ako sa kanya sa ginawa niya,may isang parte pa rin sa akin na naghahangad na sana balikan niya ako at kunin niya ako. Sa tingin ko'y wala kong karapatang kamuhian siya at magalit dahil laging nasa isip ko na baka may malaking rason siya kung bakit niya kami iniwan ni Papa.

Pagod na akong magalit sa mundo. Pagod na akong magalit sa lahat. Ang gusto ko lang naman ay makaramdam ako ng tunay na pagmamahal at makatagpo ng taong mamahalin ako ng walang kapalit. Of course,andyan si Yaya,siya yung taong alam kong mahal ako. Maging ako man ay mahal din siya. Pero kailangan ko rin ng kalinga ng mga magulang. I don't know how it feels like to be loved by my parents.

Ni minsan ay hindi ko naranasan iyon kay Papa. I haven't even remembered a time when we celebrate my birthday,graduation ko noong elementary at high school. Lahat ng mga mahahalagang okasyon ay hindi ko pa iyon naranasang i-celebrate kahit kailan. Kundi pa dahil kay Yaya ay di ko maaalalang meron pa palang mga ganitong okasyon. I was always in the dark that's why I don't know if there's still light..waiting for me...

Naputol ang aking pagmumuni-muni ng biglang pumasok si Yaya. Napaunat ako mula sa pagkakasandig at saka umupo ng maayos sa gilid ng kama ko. Magkatabi lang ang kama namin ni Yaya. Maliit lamang ang kwarto pero nagkasya naman yung mga kama namin. Sa loob ay meron ding maliit na closet na laman ang aming mga gamit. Buti na lang din at may banyo sa loob ng kwarto namin at hindi na kailangan pang lumabas kami dahil hindi ko maiwasang mailang sa mga klase ng titig na ipinupukol sa akin tuwing lalabas ako ng mga bodyguard ni Papa. Natatakot ako sa kanila. Marahil ay dahil na rin iyon sa trauma ko kay Papa. Kaya naman takot akong makakita ng lalaki. Dahil ang laging nasa isip ko ay baka saktan nila ako gaya ng ginagawa ni Papa sa akin sa tuwing may hindi siya nagustuhan.

"O,Ana,Ba't hindi ka pa bihis diyan?" pansin agad ni Yaya sa akin.

"Ha? Bakit po? Ya,hindi na naman kailangang magbihis ako. Hindi naman ako papalabasin ni Papa eh sa tuwing may bisita siya. Ayaw niyang may makakita sa akin di ba?" may halong lungkot kong sabi.

"Ano ka ba. Tulungan mo akong pagsilbihan siya at ang maging bisita niya. Umuwi na kasi yung mga katulong natin kanina. Hindi ko alam kung bakit bigla silang pinauwi ng Papa mo pagkatapos nilang maglinis."

"Ganoon po ba? Pero Yaya,natatakot po akong baka magkamali ulit ako.."

Lumambot ang mukha ni Yaya saka nilapitan ako at umupo sa tabi ko.

"Ana,naiiintindihan kita kong bakit ganito ka. Wala ka namang masyadong gagawin kundi ang manatili lang sa kusina at ako na ang bahalang lumabas sa hapag-kainan mamaya. Tulungan mo na lang ako sa kusina.Alam ko rin naman kasing hindi ka pa lubusang magalin." aniya saka hinagod-hagod pa ang likuran ko.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon