Hello World ") Sorry for the long long long time na hindi pag Update.. alam nyo naman kasi, mahirap ang course kaya kelangan talaga ng focus dito ") Malapit na rin ang pagtatapos ng story na to, kaya naman Iboto nyo na ang namiss nyong chapter at maging isa sa mga mababait kong fan :*.
Here's the 41rst chapter of I'm Afraid To Love You!
Chapter 41
Chandi's POV
(6:00am)
This is it, this is really is it. This is the day na pinakaiintay kong mangyare sa buhay ko. La~la~la~la.. good morning oh sunshine hihihi..
"Good morning Luigi muuuuaaaa.. ang laki mo na. Be ready ha dahil magkikita na rin kayo ni Daddy Daniel. Are you excited Luigi? hmm?" nasanay na rin na sa kwarto ko natutulog si Luigi, simula kasi ng umalis si Daniel si Luigi na lang ang naiwan sakin para hindi ko mamiss si DJ.
"Arf.. arf.." ahaha, ang kyut with wave wave pa ng buntot nya.
"Okay Luigi, I'll take a bath na dahil graduation day na namin Luigiii.. hihi, you stay here okay? Yaya will get out you here".
Naligo na ko at nag-ayos for graduation day, alam kong magiging masaya ang lahat sa pagtatapos naming ito dahil everyone deserves it.
(7:30am)
time to go to school baka ma-late pa.
"Good morning Mom, are you ready?"
"Yes darling, are you excited?"
"Yes mom, super! Ahh mom? Thank you po ha, sa inyo ni dad" sabay na nag hug ako kay mommy at kiniss sya sa pisngi.
"Haha. Basta para sayo baby, mom and dad will give what the best for you. Kita mo ngayon, ilang oras na lang ga-graduate kana. That's the best thing na hindi mawawala sayo Chandria. Kahit ano pang bagay ang mawala sayo, ang pera, ang bahay o kahit anong gamit, ang diploma mo ang magiging kayaman mo anak! Eto ang magiging silbi para umangkat ka."
Niyakap ko ng sobrang higpit si mommy.. alam ko ang paghihirap nila sakin para lang makuha ko ang bagay na to.
"Mommy.. *sniff* I know mom, kaya nga po nag-aral akong mabuti para sa inyo ni dad. Ang diploma pong makukuha ko ay hindi po para sakin mom, kundi para sa inyo ni dad, sa lahat ng sacrifice nyo po ni daddy ang naging inspirasyon ko para makamit ito. *sniff*. Sana lang po makauwi sya ngayon"
"Ahaha.. salamat anak! Alam kong masayang masaya ang daddy mo kahit hindi nya makikita ang pag akyat mo sa stage. Pagpasensyahan mo sya ha. Kung hindi lang importante ang ginagawa nya ngayon baka kahapon palang nandito na sya."
"Okay lang mom, i'll understand. Tara na po? Nasira na po make-up ko :("
(8:30am) Starts the program
Pray.
National Anthem.
...
...
And after the long long speech of Dean.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
(play the music of Graduation March)
The MC's start to call the graduating students.
Magkakatabi kame ngayon nila Julia at Kiray. Sobrang excited kame ngayon, si Julia parang naiiyak na hindi mo maintindihan, kasi eto yung moment na makakasama nya ang Daddy nya sa stage. Si Kiray naman parang kinakabahan, wala pa kasi ang papa nya kaya hindi sya mapakali sa kinauupuan nya, ang likooot, tingin sya ng tingin sa mama nya at binibigyan ng *nasan na si papa look*. At ako? Eto, relax lang, i feel like everything will be better, kahit na alam kong hindi makakarating si Dad at hindi ako masasamahan sa stage, alam ko pa ding super proud sila sakin ni Mommy. At syempre, super saya ang nararamdaman ko ngayon dahil bukas magkikita na kame ni Dj ^^ ..