Chapter 15
Daniel's POV
Tinawagan ako ni Khalil na pumunta daw ako ng coffeeshop. Ewan ko ba dun, baka magpapaalam na sa pag alis nya.
Iniisip ko pa rin yung mga pinagusapan namin, paano ko sasabihin kay Chandi ang lahat?! Paano kung masaktan ko sya ng hindi sinasadya?! Ano ba ang magandang way ng pag aamin, alam ko, na alam na nya na mahal ko sya, pero gusto ko sabihin lahat lahat sa kanya. Ganito ba dapat .....
"Ahm best, totoong mahal kita." ang panget, parang pang bestfriend lang talaga.
"Chandi, I love you so much. Nung mga bata pa lang tayo mahal na kita." teka, parang ang baduy. Isa pa.
"I'm sorry kung natakot ako, I'm sorry kung tinago ko ang feelings ko sayo. Natakot akong mahalin ka dahil akala ko bestfriends lang talaga. Pero ngayon, magpapakalalake na ko. Chandi, I love you ~~~" habang para akong tanga dito sa loob ng coffeeshop dahil kinakausap ko ang sarili ko, may biglang nagsalita mula sa likod ko.
"I love you too Daniel" O_O my eyes got wide open ng marinig ko ang boses nya.
Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang nakangiti.
"Julia?" gulat kong sabi . Akala ko si Chandi na.
"Yes, I am, nothing else." nakangiti naman nyang sinabi sakin sabay na yumakap. Ngumiti na lang din ako sa kanya ng may pag ka disappointed.
"Yeah, wala na ngang iba. Have a sit." yaya ko naman sa kanya.
"So, what are you doing here? Alone? Hindi mo man lang ako tinext para may nakasama ka, buti na lang I am on my way na kaya naisipan kong dumaan na muna dito and i suprise, you're here."
"Sorry, pinapunta kasi ako dito ni Khalil." tipid kong sagot sa kanya.
"Khalil? Haha, What's going on between you and Khalil?"
"We're Ok. He is now going to America."
"Really? Paano si Chandria?" gulat na tanong nya na parang concern kay Chandi.
Later on, umalis na si Julia. She kiss me on my cheek before she leave. 5pm na wala pa din si Khalil. Napatingin ako sa labas, and i saw .... Chandria ?? Nakita ko syang naglalakad palayo sa coffeeshop, agad akong lumabas at hinabol sya.
"Chandi?" tinawag ko sya ng makalapit na ko sa kanya, pero hindi nya ko nilingon. Lalakad na sana ulit sya ng bigla kong hinawakan yung braso nya.
"Chandria, wait." and this time humarap sya sakin.
"What?" galit nyang sabi sakin at may.... luha?!
Niyakap ko agad sya, niyakap ko sya nang sobrang higpit. Alam na nya siguro, siguro nakapg usap na nga sila ni Khalil. Kumalas sya sa pagkakayakap ko.
"Akala ko mahal mo ko *sob*. May iba kana pala *sob*."
"What? Anong iba? Chandi, mahal kita, mahal na mahal kita." niyakap ko sya ulit.
"Dj please, I'm tired. I'm tired of crying*sob*." hinawakan ko ang dalawa nyang kamay at tumingin sa kanya. Nanlalambot ako, nanghihina pag nakikita ko si Chandi na nagkakaganito.
"Chandi, si Julia ba ang tinutukoy mo? She's my only friend. Nothing more, nothing else."
"But, she kissed you*sob*."
"Chandi ..." napapangiti na lang ako sa mga reaksyon nya. I love her the way she is. I wiped the tears that fell from her eyes and she look beautiful at all.