Chapter 36 [the operation]

207 4 0
                                    

Okaydot.. UD na aketch :D

May nakaka appreciate pa ba ng story na to ?? Parang wala na naman e :(

Tanggap ko naman na hindi attracted ang story ko pero kahit pabalat sibuyas lang naman ohh..

Buti pa mga bes ko, masiglang nag sasabi ng UD kahit minsan lang mag vote :( hihihi

Kayo ba?? Gusto nyo kong maging bes?? Pwes vote mo muna to at comment ka na rin para every chapter my dedic ka :) hihihi

Okay.. tapos na ang drama kong walang kakwenta kwenta.. Basta eto na lang, manuod tayo ng Sisteraka ha :) solomot..

Chapter 36

Chandi's POV

Nakahanap na ng donor si Julia, sa kasalukayan, kinakausap na ng parents ni Julia ang parents ng isang batang babae na kamamatay lang dahil sa accident. Tinetest na ng doctor ang puso ng batang babae kung magtutugma ba ito sa puso ni Julia.

Nandito pa rin ako at si Diego pati na rin si Kiray sa kwarto ni Julia habang binabantayan namin ang pagtulog niya. Maaari daw kasi pabigla bigla ang pag atake ng sakit sa puso niya ayon sa doctor..

"Bessie.. sana makaya ni Juls ang operasyon at sana magfit ito sa puso niya" 

"Kaya niya yan, si Julia pa" tanging lakas ng loob na lang ang pinanghahawakan ko para kay Julia, alam kong makakaya niya ang operasyon. Nilapitan ko si diego na nakaupo sa couch at nakayuko.

"Diegs.. kailangan tayo ngayon ni Julia, wag mo naman hayaan na maging mahina. Kailangan niya tayo." hinimas himas ko ang likod ni Diego to calm down.. ilang gabi na rin na walang tulog si Diego mula ng dalin dito sa hospital kahit kami hindi na rin nakakapasok ng school. Bigla na lang napayakap sakin at naramdaman ko ang paghikbi niya. Nag response na lang ako sa yakap niya ng saganon gumaan kahit konti ang nararamdaman niya.

"Chands *sob*... sa twing titingin ako sa kanya hindi ko mapigilang maluha *sob*, sa tuwing lalapit ako sa tabi niya parang unti unti akong nilalamon ng mundo. Chands .. ayokong nakikitang nahihirapan si Julia ng ganito, bakit siya pa *sob*?? Bakit hindi na lang ako *sob*.." 

"Diego naman *sniff* .. pare-parehas lang tayong nahihirapan sa kalagayan ngayon ni Julia *sniff*. Kailangan mong maging malakas para sa kanya *sniff*. Makakaya niya ang operasyon, magtiwala lang tayo kay Julia." kahit pilit kong pinipigalan ang pagtulo ng luha ko, wala din nagawa iyon dahil sa twing pagpigil ko parang namumuo ang sakit at hirap na nararamdaman ko.. Napakalas kami sa pagkakayakap ng biglang sumigaw si Kiray na nasa tabi ni Julia.

"JULIA?? Julia *sob*.. Chands.. Diego si Julia *sob*." napatayo kame sa kinauupuan namin at mabilis na tinawag namin ang doctor.. Kahit hindi man itanggi, naramdaman namin ang pagtulo mula sa mga mata namin dahil sa nakita naming Julia na naghahabol ng hininga.. Dinala na si Julia sa OR para isagawa ang heart transplant.. 

"Julia *sob*.. Please hold on"  eto na lang ang tanging salita na binitawan ko bago pa siya makapasok sa loob ng OR..

~~~~

Ilang oras na rin nakalipas at ilang oras na rin nasa loob ng OR si Julia.. At kahit isang nurse ay wala pa din lumalabas para magbigay ng kahit konting inforamtion. Sa bawat minutong lumilipas lalo kong nararamdaman ang kaba.. Bawat isa samin na nag aanatay kay Julia ay tahimik lang na parang naghihintay na lang lumabas si Julia mula sa OR.

"Julia, please wag kang bibitaw please Julia ... gagraduate pa tayo Julia .."  tanging sa hangin ko na lang sinabi ito.

 ~~~~~

Makalipas ng sampung oras na operasyon lumabas na ang doctor na nag operate sa puso ni Julia.. Bumilis ang tibok ng puso ko, at kita sa bakas ng mukha ng mga magulang ni Julia pati na rin si Kuya Neil ang kabang nararamdaman gayon na din si Diego at Kiray..

"Doc? Ho-how's the patient?" nauutal na tanong ni Tita, at si Tito naman ang tanging nakaalalay lang sa asawa niya.

"Mr. and Mrs. Montes ~~~~~~"

~~~~~

to be continue ....

Vote and comment :)

I'm Afraid to Love you [Kathniel FF] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon