Chapter 42

88 1 0
                                    

Cold Morning Everyone :) Keep safe po tayo!.

Abangan po sana naten ang nalalapit na pagtatapos ng I'm Afraid to Love you.. Marami pang kapana-panabik na eksena na mababasa nyo na dapat abangan :D .. 

This is the next UD watty..

Chapter 42

Daniel's POV

"Shit. Please Bea, can you please shut your mouth for a while?" gulong-gulo na ko, hirap na hirap na. Hindi ko na alam kung ano ng gagawin ko sa babaeng to. Paano ko pa matatakasan ang papasukin kong pagpapakasal sa isang babaeng tulad nya na walang ibang iniintindi kundi ang sarili nya. Alam ko at nararamdaman ko na may kabutihang puso din na tinatago si Bea na nababalutan lang matigas na bato na kelangan tanggalin. Naiimpluwensyahan lang sya ng tatay nyang gahaman sa kayaman.

"Daniel, tomorrow is the biggest day that we are waiting for. Bukas magiging akin ka na din kaya hahayaan muna kita. At bukas Daniel, hindi kana mahihirapan sa trabaho mo dito, hindi kana madedepress dahil you will be part of this company. Magiging boss kana din dito, ayaw mo ba non?" Bea said while she's flirting me in my office.

"No Bea. Hindi tayo pwedeng magpakasal. May Mahal akong iba. I beg you, bigyan mo pa ko ng konting panahon para makabayad sa inyo. Please Bea." kulang na lang lumuhod na ko sa harapan nya. Umalis sa harapan ko si Bea at tumalikod. Nakaramdam ako ng konting pag-alala sa kanya.

"I'm sorry Daniel." narinig kong humikbi si Bea. Ngayon ko lang narinig ang ganitong tono ng pananalita nya.

"Bea?! Gusto mo ba talagang magpakasal sakin? Mahal mo ba talaga ako? Sabihin mo sakin." humarap ako sa kanya, nakita kong may tumutulong luha na mula sa kanyang mata. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya at pinipilit na magtama ang aming tingin pero nanatili syang nakayuko.

"I'm sorry Daniel *sob*.. I'm really sorry. I never want to get you hurt everyday*sob*. The truth? Gusto kong magpakasal, gusto kong ikasal sa taong mahal ko at mahal din ako." tumingin sakin si Bea. And now, alam ko ang nararamdaman nya ngayon. "Pinilit ako ni dad na pumayag sa plano nya para tuluyan ng mapasakanya ang company na to. Gusto nyang ipakasal ako sayo para makuha nya ang gusto nya. Tumanggi ako, pero sinaktan lang nya ako at inihiwalay sakin ang taong mahal ko. Wala akong nagawa kundi ang sundin na lang sya. Alam kong may nagbabantay sa bawat kilos ko kaya naman hindi ko magawang sabihin sayo ang totoo *sob*. Daniel...." niyakap ko si Bea to give her a comfort.

"Bea ngayong alam ko na ang totoo, itutuloy mo pa ba ito?" umupo si Bea sa couch habang tuloy pa din ang pag iyak nya.

"Daniel, hindi ko alam sa puntong ito na mamahalin kita. Hindi ko sinasadyang mahalin ka. Mahal ko ang boyfriend ko, pero nung panahon na lagi kitang kasama kahit na pinagtatabuyan mo ko na parang aso hindi ko namamalayan na mahal na pala kita. Sorry for being selfish Daniel." hindi na kinaya ni Bea ang pag buhos ng luha nya kaya tinakpan na lang nya ito gamit ang kanyang mga kamay. Lumapit ako sa kanya at lumuhod para mag pantay kame.

"Bea?" hinawakan ko ulit ang mga balikat nya.

"Pero ayokong makulong ka sa mundong hindi mo gusto, hindi ako magpapakasal sayo Daniel." niyakap ko ng mahigpit si Bea at hinayaan kong ilabas nya lahat ng sama ng loob nya.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, Tuwa, lungkot, pagka-awa. Napag usapan namen ni Bea ang magiging plano namen bukas. Itutuloy namen ang kasal pero sa gitna ng ceremony isa samen ang tututol. Buti na lang sa 26 pa ang dating ni Kath. Hayyy.. hindi ko akalain na makakasundo ko si Bea. Mabait sya. Natali lang sya sa gusto ng dad nya, na kapag pumayag ako na ipakasal sya sakin tuluyan nyang makukuha ang lahat ng para kay Tito. Sinuway nya ang daddy nya kaya sinakripisyo na nya ang pagmamahal nya sa boyfriend nya. Alam na nya na hindi nya na muli makikita at makakasama ang taong mahal nya kapalit ng hindi pagpapakasal sakin. At para sa company, gumuwa ng isang documents si Bea na nakalagay lahat ng naging shares ni Tito na kung sakali mang hindi matuloy ang kasalan at hawak ito ng kanyang lawyer.

Naplano na ang lahat. Everything is ready. Iniintay na lang ang bukas. Hindi ko na lang muna pinaalam kay Diego ang tungkol sa nangyare samin ni Bea. Maging si Tito hindi rin alam, tanging kame lang ni Bea ang nakakaalam ng lahat ng plano para bukas.

Bea's POV

Napaisip ako habang nakahiga sa kama ko, it's 10:30pm still hindi pa rin ako makatulog. Mahal ko na ba talaga si Daniel? O isa pa rin ito sa parte ng pag papanggap ko? Hindi ko na alam, mahal ko si dad pero alam kong hindi ito ang tama. Ever since walang mas importante kay daddy kundi ang company nya. Namatay si Mommy dahil sa kanya, dahil hindi nya binigyang halaga ang pagsasama nila pero kahit kelan hindi ako ng tanim ng sama ng loob sa daddy ko dahil mahal ko sya. At sya na lang ang meron ako. Pero ngayon, wala na. Wala ng nagmamahal sakin, ang nag iisang mahal ko nawala pa. *sob*..

Pinunasan ko ang luha ko ng may biglang kumatok sa pinto ko.

"Ms. Bea? Are you still awake?" sabe ng isang maid sa bahay.

"Yes. What's that?" sabe ko ng bigla akong napatingin sa orasan. It's 11:00pm.

"Pinapatawag po kayo ni Sir sa office nya." agad naman akong tumayo at nag punas ng luha.

"Sige. Thank you." pag kasabi ko nyan ay lumabas na ko ng pinto at dumaretso na sa opisina nya.

*tok*tok*

"Come in" her dad said with a cool voice.

"Dad?" sabe ko habang nakatayo sa harap ng table nya.

"I want you to know na bukas na ang kasal mo. Thank you dahil hindi mo sinuway ang utos ko. At bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ang ceremony bukas."

"Yes dad. Patulog na nga po ako dad. Goodnight po." lumabas na ko ng office nya at agad na tumakbo sa kwarto ko. Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Ayokong isipin na hindi ako mahal ni dad pero sa pinapakita nya, parang hindi nya ako anak. *sob*

~~~~~

7:00am the clock was alarmed. Nagising ako na may luha pa din sa mga mata ko. Ito na ang araw na kamumuhian ako ni dad. This is the day na mawawala na sakin ang daddy ko ....

~~~~

7:00am the clock was alarmed. Nagising ako na may ngiti sa labi ko pero sa tuwing naiisip ko si Bea nawawala na lang bigla ito. Ito na ang araw na muling iiyak si Bea. And this is the day na magiging okay na ang lahat...

------------------------------------------

Author's Note:

 Helloooooo ^^.. so, how's the plot? okay lang ba?? KOnti na lang talaga. HEhe.. konting-konti nalang..  VOTE nya ha.. leave a comment na rin. THank you guys for supporting my stories :) LOveyousomuch watty :*

 See you to the next chapter!!

Enjoy reading.. muah :*

I'm Afraid to Love you [Kathniel FF] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon