Dedicate ko 'tong chapter na to kay Kristel, ulit ... :) Hehe, Friend ito na ... alam ko mababasa mo din to. Nakakadami kana ha .. hehehe . Surprise ba ?? Hahaha. lovelots :) Keep reading .
Hays ... hell week na to oh. One week na lang sembrake na pahirap pa din. Tsk.. Buti pa yung iba sembrake na , huhuhu. wawa naman ang mga AMAERS .
Oh siya, magbasa na lang kayo ha, lalo na yung mga wala ng ginagawa diyan. Start reading to prologue para maintindihan niyo :D THANKS .
Enjoy ...
Chapter 19 [Chandria's surprise party]
Chandi's POV
Pagtapos mag lunch ng lahat, umakyat na muna ako sa kwarto. Naligo at nagbihis ng simpleng dress. Pagkababa ko pa lang ng hagdan, hinila na agad ako ni Kristel at Marjo papunta sa sasakyan.
"ui teka, san tayo pupunta? Sandali lang couz." panu ba naman, halos makaladkad na ko sa kakatakbo nila papunta sa van.
"Basta, tara na." higit naman sakin ni Kristel papasok sa loob ng sasakyan.
"Oo eto na, makahigit lang te?" sumama na lang din ako, may magagawa pa ba ako. "Nasan na si Micah at Jham at si Ken? Hindi sila sasama?"
"Ayaw nila sumama e." sagot naman ni Marjo.
"Teka nga, saan ba talaga tayo pupunta? Alam ba nila mommy na umalis tayo? At bakit ikaw Gino ang driver, pwede naman si manong mayo na lang." sunod sunod kong tanong sa kanila. Si manong Mayo ang driver namin ni mommy.
"Chandria, ang daldal mo pa rin talaga." sabat naman nitong si Gino habang nagda-drive.
"Eh kasi naman, saan ba talaga tayo pupunta? Birthday ko diba? Ganito ba talaga pag nag dedebut, tinotorture?" may pag kamataray kong sabi sa kanila.
"Couz, chillax ka lang diyan okay?" at ayun nagtawanan ang tatlong mokong.
Pagkaraan ng 30 minuto, nakarating na kame dito sa mall.... Wait, sa mall? Ano ginagawa namin dito sa mall?? Argh, talaga tong mga pinsan kong may mga topak.