Chapter 31 [unconscious feeling :(]

157 2 0
                                    

Dasho na si Gino :) what can you say about that ??  Saya-saya lang nu ... hihihi

 Kainis lang si Ashi ggrr ...

~~

Lapit na talaga ng 24/7 inlove :D hihihi ..

Chapter 31

Daniel's POV

"Hindi na Daniel"

Yan ang pinakamasakit na narinig ko mula sa taong mahal ko, ang hindi na niya ako mahal. Bumagsak ang mundo ko ng mga oras na yon. Pero alam ng puso ko at nararamdaman ko na mahal pa rin ako ni Chandria, pero paano kung hindi na nga talaga?

Ang sakit isipin na lahat ng pinangako nyo sa isa't isa hindi na matutupad. Lahat ng pinagsamahan nyo at mga nabuong masasayang alaala ay maglalaho ng lang bigla. Sana na nga ganun na lang talaga kadali ang lahat.

"Yes po Tito.. I know it's hard but it's final na po. Siguro po the day after tomorrow. Okay po... "

Ang hirap pero kailangan. Nakapag usap na kame ni Tito Teo, i'm gonna go to Canada bukas makalawa. Ayoko man gawin ito pero siguro ito na rin ang tama. Dun ko na din tatapusin ang pag-aaral ko. 

"Dj.. sigurado ka na ba sa desisyon mo?" umupo si mama sa tabi ko.

"Opo ma, sigurado na po ako. Mag iingat po kayo dito ma habang wala pa si Papa, pag dating ko naman po ng Canada uuwi naman po agad si Papa dito para siya naman po ang kasama niyo." niyakap ako ni mama, ngayon lang ako mahihiwalay ng sobrang tagal sa kanya. "Maaa.. wag ka na pong umiyak dyan, sa makalawa pa naman po alis ko. Punta na po muna ako sa kwarto, mag aayos ng gamit"  pinunasan ko yung tumutulong luha kay mama at pumunta na sa kwarto ko.

Chandi's POV

"Are you sure Daniel? Kailan ang plano mong umalis? Okay sige tatawagan ko na ang Papa mo para sabihin ito. Mag usap na lang tayo tomorrow."  pagbaba ko ng hagdan yan ang narinig ko kay Dad. 

"Dad? Aalis po si Dj?"  tumango si dad at ako may halo pa din ng pagkalito sa pinag-usapan nila. Si Tito Rommel nasa Canada because he replaced to my dad's position when he is there.

"San po siya pupunta?" umupo si dad sa couch ganun din ako at sinabi siya sakin ang plano na noon pa pala napag usapan.

"Chandria, this is an agreement between me and Daniel. Ang plano is after graduation pa siya aalis at mailalagay sa position kung saan ko siya hinire. Pero he decided, the day after tomorrow he will be leave."  nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. Kaya pala laging siyang may iniisip at laging namomoblema.. eto pala yung hindi niya masabi sakin noon.

"Bakit hindi niyo po sinabi sakin agad ito*sniff*? Dad .. bakit sa Canada pa, pwede naman po dito niyo na lang siya i-position*sniff*?"  para akong bata na nagmamakaawa ang itsura para lang maibili ng laruan. Iiwan niya ako? huhuhu ...

"I'm sorry darling, ayaw din kasi ni daniel na ipaalam agad sa iyo ito. And.. dun na lang din daw niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya."  dad trying to calm me down.. pero hindi ko makontrol ang mga luha ko.

Pumunta agad ako sa bahay nila Daniel. Gusto kong malaman kung bakit niya kailangan gawin to. Alam ko kasalanan ko ito dahil nasaktan ko siya, pero kung kailangan kong pigilan siya gagawin ko wag lang niya akong iwan.

"Tita si Daniel po? *sniff* " nakita kong kagagaling lang din pala ni Tita Carla sa pag-iyak. Siguro pinipigilan din niya si Daniel na huwag ng umalis.

 "nasa kwarto niya nag aayos ng gamit" nag nod na lang ako at pumunta na sa kwarto niya. Bukas naman yung pinto.. Nakita kong hinahanda na nga niya ang mga gamit niya at hindi niya napansin na nasa likod na niya ako.

"Dj *sniff* ..."  bigla naman siyang napaharap sakin.

"Chandria ..." bakas sa mukha at sa pagsalita niya ang lungkot.

"Bakit hindi mo sinabi sakin ito *sniff*?" napayuko na lang ako at naramdaman kong kinapitan niya ako sa dalawang balikat ko.

~~~~~~~

Nandito kame sa minipark at umupo sa bench. Alam kong awkward ang sitwasyon namin ngayon dahil hindi ko na siya boyfriend. Hindi ko na nga ba talaga siya boyfriend?  :( 

"San ka pupunta?" bigla kasi siyang tumayo na lang at ngumiti as response. "Dj ..." nagpatuloy lang siya sa paglakad at hindi na pinansin ang pagtawag ko sa kanya. Umupo na lang ulit ako sa bench, alam ko namang babalik siya dahil hindi niya ako kayang pag antayin dito ng matagal. 

5 mins.

~~

10 mins.

~~

Wala pa rin siya. Nilibot ko na ang paningin ko pero wala siya. Napabuntong hininga na lang ako at bigla na lang tumulo ang luha ko.

15 mins.

~~

20 mins.

~~

Patayo na sana ako para umuwi pero biglang may nag salita sa likuran ko.

"Chands? Uuwi kana?"  napatigil ako sa kinatatayuan ko... si Dj. Tumulo na naman ang luha ko and this time bigla na lang akong napa weep (hagulgol). "Chandria ?? What happen?" halata sa boses ni Dj ang sobrang pag alala sakin. Niyakap niya ako at pinipilit pakalmahin. Hindi ko maintindihan nararamdaman ko. Basta nasasaktan ako.. nasasaktan ako dahil nasasaktan ko ang taong mahal na mahal ko.

Next update I think it will be next week :)

Vote and comment are still needed !!

Btw. thanks nga pala sa mga nag fan and nag vote sa mga previuos chapters..

I'm Afraid to Love you [Kathniel FF] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon