Waaaa... oh DANIEL PADILLA ako'y nababaliw na sayo talaga :D
Kyaaa.. kailan kaya ang tamang panahon para magkita tayo?? Hihihi
osige.. UD na ko ulet!!
Chapter 38
Kiray's POV
"Bessieeee... kyaaa!! pasado ako Chands.." halos mawala ako sa sarili ko sa sobrang tuwa, kakatapos lang kasi ng defense ko kay Sir Kevin at syempre kaya ako masaya dahil YESss pasado ako.
"Grabe naman to.. Oo na halata naman na pasado ka nga. Ikaw na." sobrang saya ko pa rin pero para sa bestfriend ko kailangan ko naman palakasin ang loob nya dahil halata naman na kinakabahan na siya at sya na ang susunod na mag dedefense.
"Chandria Bernardo.. wag kang kabahan. Kaya mo yan, ako nga nakaya ko e ikaw pa. Di hamak naman na mas madaming laman yang utak mo no. Hahaha.." kita pa din na kinakabahan siya, dalawa na rin kasi sa mga classmate ko ang hindi pumasa kaya kailangan ulit nila i-make up yung thesis na ginawa nila.
"Kiray.. kinakabahan kasi ako e, nawawala ako sa konsentrasyon ko. Ano ng gagawin ko? Ayokong bumagsak at umulit na naman sa pag gawa ng thesis na yan.." hindi na mapakali ang mga kamay ni Chandria sa pagkiskis nito sa isa't isa.. tense na tense na nga sya kaya nakaisip ako ng paraan para mawala ang kaba nya. *TING* (bright idea) hehehe.. Tumayo muna ako sa arm chair ko at nag paalam kay Chands.
"Ahh bessie.. wait lang ha." nag madali naman akong tumakbo palabas at pumunta sa cafeteria.
Chandi's POV
Waaa.. *dugdug-dugdug* kinakabahan na talaga ako, para akong bibitayin sa sobrang tense ko. Hindi ko alam kung bakit nawawala ako sa concentration. Bakit kasi laging si Dj ang naiisip ko e.. Nakakainis >.< . Umalis pa tong si Kiray, waaaa... napapatingin ako sa dalawa kong classmate na umiiyak dahil hindi sila nakapasa, ang sabe nasira daw ang powerpoint na ginawa nya at yung isa naman hindi nasagot ng maayos yung tanong. Pano kung magkaron din ng technical problem ang laptop ko huhuhu wag naman sana Lord :(
"Bessie .. alam mo ba kung ano ang katapat nyan? tenen.. hihihi" waaahhh.. sobrang mahal ko na ang bestfriend ko.. dumating kasi sya ng may dalang ice cream.
"Kyaaa.. salamat bessie, double dutch ba to?" nakuha ko pang magtanong nu?? hehehe.. yum yum..
"Oo naman, bibili ba ko ng hindi mo favorite. Sige na, kainin mo na yan ng mabilis para matanggal ang kaba mo. Bilis.. baka tawagin kana." apurado to..hihihi, pero ang sarap!! hmmm..
Habang kinakain ko ang ice cream na binigay ni Kiray, naalala ko bigla si Dj. Nung panahon na binibili nya ko ng ganito pag malungkot ako. Sa bawat subo kong ice cream na hawak ko, si Dj ang naiisip ko kaya naman hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Chands?? Naiyak ka ba? ui.. naiiyak sya sa binili kong ice cream. haha ayos lang bessie, nagpasalamat kana naman e. Wala yun hehehe.." napatawa tuloy ako bigla sa sinabi netong baklitang to.
"Sira ka talaga.. Oh hindi pa ba ako tinatawag? Naubos ko na yung ice cream ko" tumayo ako para itapon yung pinagkainan ko sa labas ng room.
"Ginanahan? hahaha.. ice cream lang talaga katapat mo no? haha.. Oo bessie, actually kanina ka pa tinatawag, nakiusap lang ako ng 5 mins. pa.. ang bagal mo kasing kumain kaya bilisan mo na at sa room 401 ang defense room mo" haaaa??? grabe kanina pa pala yun, si Kiray talaga ang bait bait..
"Anoo?? waaa bessie naman ee.. pero salamat!" patakbo na sana ako para pumunta na ng 401 ng biglang sumigaw si Kiray..
"Bessieeee... yung laptop mooo.." ay shit oo nga.. balik balik..