DANIEL'S POV
Ako si Daniel Padilla, 16 years old na ko. Si Karla and Rommel Padilla ang mga parents ko. Hindi kame mayaman tulad ng iba, kung baga may-kaya lang. Solong anak lang ako nila mama at papa, masaya kame kung ano man ang meron kame. Matalino ako, mabait at syempre gwapo hahaha. May bestfriend nga pala ako, almost 8 years na rin simula nung nakilala ko sya at tinuring na bestfriend ko.
Flashback ~~~
Inutusan ako ni mama para bumili sa tindahan pero sa di sinsadyang pangyayari, may nabangga ako'ng bata na parang kasing tanda ko lang at hindi pamilyar ang itsura siguro bagong lipat.
"ay sorry bata, hindi kita kasi napansin" tinulungan ko sya sa pagkakabagsak nya kasi nabangga ko nga, hindi naman sya nagalit.
"Ok lang *nag smile*" sabe naman nya. Nagpakilala kame sa isa't isa, at ayun nga bagong lipat lang daw sila. Simula nun, naging magkaibigan kame. 8 years old kame noong nag kakilala kameng dalawa.
End of Flashback ~~~
CHANDI'S POV
Hi, ako nga pala si Chandria Bernardo, Chandi na lang. 16 years old na din ako . Naikwento na naman siguro sa inyo ni Dj kung pano kame naging mag bestfriend diba?! Dj ang tawag ko sa kanya, ako lang ang pwedeng tumawag nun sakanya hehe arte ko no. Mayaman ako, pero hindi ako spoiled brat tulad ng iba. Mabait din ako, matalino, at sabe ni Dj maganda daw ako, syempre naniniwala naman ako kase bestfriend ko na ang nagsabe. hehehe. Oo dati wierd ako, nerd nga daw kung tawagin dahil sa malaki kong salamin at sa mga braces pero ngayon hindi na. Natuto na kong mag ayos ng aking sarili, siguro dahil kay Dj :D *shhhh, wag ka maingay, baka malaman nya kasi, ayoko pa naman masira friendship namen noh*. Tama kayo, may gusto ako kay Dj, simula pa lang nung bata kame gusto ko na sya, hindi ko nga alam kung mahal ko na nga sya ngayon e.
"Chandi, bilisan mo na dyan, late na tayo sa school oh" pagmamadali ni Dj sakin. Nagmamadali ba to?! hays, oo nga pala late na kame, kaya bumaba na ko ng hagdan mula sa kwarto ko.
Nagpaalam na ko kay mamy pati na rin si Dj. "Mom, We'll go ahead. Bye *kiss sa cheek*" "Sige po tita alis na po kame ni Chandi " Dj.
"Ok, you take care ok?! Dj kaw na bahala kay Chandi ha. Take care" nag wave na si mommy saming dalawa ni Dj.
~after 30 minutes, nakarating na kame sa school~
"So pano Dj, una na ko sa room, kita na lang tayo maya, bye bestfriend kong panget" nagsmile ako sa kanya ng may pang asar.
"ok sige, hihintayin kita sa parking lot ha huwag na pumunta kung saan saan." bilin naman nya. Nag nod na lang ako sa kanya. Parang daddy ko lang nu. Hayyy Dj ang sweet mo talaga. Kaya siguro napa-fall mo ko e.Kung pwede lang talaga Dj, kung pwede lang.
Next Chapter 2. Guys, vote pls. :) alam ko mabait ang mga wattpaders so do vote, fanning, commenting and suggesting. Salamat guys :)