Si crush, si crush, si crush ... si crush ang crush ko :D
Weee.. ngayong magkalayo na sila ng tuluyan, ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa?? Let see!!
[KATHLIL POV muna tayo :)]
Chapter 33
Chandi's POV
"Chandria?? be~~sssiiieee... yuhu.." natauhan na lang ako sa pag snap ng finger ni kiray sa mukha ko. Ayos no.. ang bait niya, kita ng nagmumuni ang tao e.
"Oh ano yun?" tumayo naman ako at pumunta ng canteen.
"Anong ano yun ha? Tulala ka na naman kasi dyan. Hindi ka pa rin ba makapag get over sa pag alis niya? 1 year has passed bessie.. wake up!!" napasimangot na lang ako sa sinabi niya. Haysss.. actually naka get over na naman ako e, may something lang talaga na gumugulo sa isipan ko.
"Bessie.. don't be so paranoid. I'm alright. By the way, nasan si Julia? Hindi pa ba niya vacant?" iniba ko na lang ang usapan baka humaba pa at bumalik na naman ang dati kong pagkabalisa. Vacant namin kaya nandito na muna kame sa canteen.
"What you say so what ever you say.. I don't know, alam ko vacant na din niya." nag nod na lang ako, bigla kasing nag vibrate ang phone ko.
*0927xxxxxxx calling*
"Hello?.. may i know who is in the phone? Yes, speaking. What? Gosh.. Khalil?? Oh kamusta kana? Ang daya mo.. Nasa school pa ako e. Oh sige sige. Bye"
"Si Khalil yung tumawag?" nagulat naman ako dito sa babaeng to. Excited sya? Haha.. pero grabe, alam mo yung piling ng namiss mo ang isang tao at gusto mo na syang makita?
"Oo.. grabe nandito na pala ulit siya, hindi man lang nagpasabe." umupo na ulit ako at ganun na din si Kiray.
"Ahhh.. oh e bakit ang saya saya mo? Kanina tulala ngayon sobrang saya. Ano to te, waiting for the next rising star na iidolohin mo??" ano daw?? OA naman nitong si bessie..
"Hindi ah. Syempre si Dj pa din talaga alam mo naman yun e. Namiss ko lang talaga si Khalil, alam mo naman, hindi nagparamdam ng mahabang panahon yun." nag nod lang siya at bumalik na kame sa room.
~~~~~
Khalil's POV
Sinundo ko na si Chandi sa school niya, wala lang gusto ko lang siyang makita. Sobrang namiss ko siya.
"Khalil? Khalil Ramos? Gosh.. girls si Khalil Ramos nga.."
"Khalil.."
"Hi Khalil.. Ang gwapo mo talaga.."
Tatakbo na sana ako pabalik sa sasakyan ko kaso naabutan na ko ng mga babae dito sa school ni Chandria. Puro papicture at pa autograph lang naman to kaya pinagbigyan ko na, walang magagawa e kasama to sa career ko.
"Chands?? Excuse me girls.. Chandria?? Kamusta kana?" niyakap ko siya, nasabik din siguro ako sa kanya. Alam kong may tampo siya kasi ni isa hindi ako nakapag response sa mga kamusta niya. Sobrang naging busy talaga ako sa States..
"Grabe ha.. sobrang sikat kana. Kaya pala nakalimot na." naah.. sabe ko na ganito mangyayare e. Ano pa nga bang gagawin, eh di aamuhin. hehehe
"Tera, let some coffee? Dame ako ikukwento sayo." hindi ko na lang muna pinansin ang sinabi niya at hinila ko na siya.
Chandi's POV
"Hmp. ewan ko sayo, naging sikat ka lang kinalimutan mo na ko." tama bang amg emote ako?? Hahaha.. trip ko lang.
"Hindi kita kinalimutan Chands.. araw-araw kang nasa puso't isip ko. Minsan nga iniisip ko na sana nasa tabi kita, na sana kasama kita tuwing may concert ako pero alam ko namang hindi na pwede dahil masaya na kayo ni Daniel, hehehe" ayan na nga, sinimulan ko kasi e pinagpatuloy naman niya.
"Hahaha.. ano ka ba Khalil, joke lang yun no. Masyado kang palabiro. Tera order na tayo."
"Waiter". para makaiwas sa pagkabalino, dinaan ko na lang sa biro ang sagot ko sa sinabi niya. Lumapit naman agad ang waiter para kunin ang order naming coffee.
"Kamusta na kayo ni Daniel?" sabe niya habang nakatingin sakin ng daretso.
"Oh akala ko ba mag kukwento ka? Kwento kana dali. hehe" may kung anong kirot na naman sa puso ko. Naalala ko na naman si Dj.
"Wala ka pa rin pinagbago. Kahit halata naman na may problema pilit mo pa ring tinatago." okay.. halata naman pala. Chandria Bernardo.. ang tanga mo talaga. Pero wala na naman dapat masaktan diba kung aminin ko man sa kanya?!
"*sniff*" traydor.. traydor kang luha ka. Wala ba talagang pinipiling lugar o oras tong luhang to.
"Spill it. Kaya pala sabik akong makita at makasama ka e kailangan mo din pala ako. Ilabas mo yang nararamdaman mo Chandria. I'm here" napayakap na lang ako sa kanya, wala namang masama na yakapin ko ang kaibigan ko diba? At tsaka wala naman ibang nakakakita samin kasi nasa private place kami ng cafeteia, alam nyo naman sikat ang kasama ko, baka mawala ako ng maaga sa mundo at hindi ko na makita pa ang pinakamamahal ko.
"He left me *sniff*" kumalas naman agad sa yakap tong si Khalil.
"ANOOO? Sinaktan ka niya? Bakit ka niya iniwan? Gago yun ah.." funny hahaha.. OA much e. napailing iling na lang ako at medyo natatawa sa itsura niya. Iba kasi ang enterpretation sa kanya.
"Hindi Khalil.. He went to Canada" napakamot na lang siya ng ulo, napahiya siguro hehehe.
"Ikwento mo kaya." umupo na ulit kami at sabay na humigop sa kape na malamig na. Kinuwento ko naman sa kanya lahat. Pati ang plano ko nalaman na din niya.
"Eh yun naman pala e. May reason naman pala ang boyfriend mo and that's a deal with your dad" alam mo ba yung piling na nag iba ang simoy ng hangin sa loob ng private place inside the cafeteria? Parang naging awkward ang posisyon namin ngayon ni Khalil dahil sa iba ng expression ng mukha niya.
"Thank you Khalil ha, kasi hindi ka pa din nakakalimot"
Natapos na din ang pag eemote namin sa isa't isa. Tapos na din kaming mag dinner dahil sa haba ng mga kwento niya. Ahm.. dito na din pala siya naka destino at dahil sikat na siya sa States, mas lalong dadagsa ang mga fans niya dito sa Pilipinas at isa na ko sa mga fans niya.
okaydot.. chapter 33 done. waaahh .. kelan ko ba matatapos to. Ang hirap mag end, Hihihi. gusto nyo pa ba ng chapters?? Vote lang and comment for verification :D SALAMAT