Chapter 30 [stone heart despite of worrying]

159 3 0
                                    

But Oooh, this time I'm telling you, I'm telling you

We are never ever ever ever getting back together

We are never ever ever ever getting back together

You go talk to your friends, talk

to my friends, talk to me

But we are never ever ever ever getting back together

lalala.. soundtrip while updating :))

 waahh .. naiinis ako, alam niyo yun ?? ewan ba kung bakit ah !!

Chapter 30

Daniel's POV

Ganyan na ba talaga katigas ang puso ni Chandria para sakin? Ni hindi niya ako kayang kausapin? Hindi na muna ako pumasok, pumunta ako sa garden ng school para mapag isa at makapag isip isip..

Habang nakaupo ako dito sa bench biglang may lumapit sakin.. Si Julia pala.

"Oh Juls?"

"Breaktime na. Papunta na sana ako ng canteen kaso nakita kita dito. Bakit hindi ka pumasok?"  alalang tanong sakin ni Julia..

"Ahh.. wala lang. Gusto ko lang mapag isa."  malungkot kong sagot kay Julia.

Patayo na kame ni Julia para pumunta ng canteen ng bigla naming nakita si Chandria kasama ang isang lalaking impakto.  Nakita kong napatingin samin si Chandria at umiwas din agad. Ang sweet ha.. lumapit ako sakanila na kasalukuyang kakaupo lang sa vacant table ng canteen at nagtatawanan..

"Chandria pwede ba tayo mag usap?"  pero hindi niya ako pinansin at tuloy pa din ang kwentuhan at tawanan nila..

"Chands please.."  hinawakan ko na yung braso ni Chandria.. pero nag pumiglas siya at nagsalita.

"Daniel ano ba? Ilang beses ko bang pwedeng ipaintindi sayo na ayaw muna kitang makausap o kahit makita man lang.?"   galit na tumayo si Chandria, pero sinundan ko pa din siya.. Nakatingin na ang halos lahat ng tao dito sa canteen..

"Chandria please naman.. kahit pakinggan mo man lang ang sasabihin ko" tumigil siya sa paglalakad hanggang sa makalabas na kame ng canteen bigla naman umepal tong lalake na to na kasama kanina ni Chandi.

"Pre, wag mo ng pilitin. Ayaw niya nga diba?"  pakelam ba neto..

"Huwag ka makialam dito.. sino ka ba ha?"  angas ko sa kanya.. nakakabwisit tong ungas na to e.

"Classmate nya.. ikaw? Sino ka ba?"  ako pa tinanong neto ..

"Boyfriend lang naman niya.. Kaya wag ka ng makialam dito dahil wala kang alam"  pagkasabi ko niyan, humarap na ulit ako kay Chandria at nakita kong may inis sa mukha niya.

"Hindi na kita boyfriend Daniel.. kaya wala kang karapatan na pagtabuyan si Quen. Kaibigan ko siya kaya wala kang pakialam."  sabay talikod niya at nagpatuloy sa pag lakad..

"Hindi ako pumayag na makipag break ka sakin kaya girlfriend pa rin kita at boyfriend mo pa rin ako. Chandria, akala ko ba walang susuko sating dalawa? Pero bakit ngayon bumibitaw kana? Please Chands.. huwag mo naman gawin sakin to.."  habol ko sakanya at hinawakan ulit sya sa braso.

"Bitawan mo nga ako Daniel..Ano ba?" pag pupumiglas niya.. 

"Sinabi ng bitawan mo siya e *punch*"  sabe nung impaktong Quen sabay suntok sa panga ko.. Ang sakit ahh.. 

I'm Afraid to Love you [Kathniel FF] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon