Special Chapter 4

25 0 0
                                    


Hindi kilala ni Evangelle ang babaeng laging dumadalaw sa kanila. Ang pakilala nito ay kumare raw ng mommy niya. Pero wala siyang matandaang kumare nito dati pa.

Nakatingin lang siya rito habang sinasamahan siya sa ospital. Bantay siya roon hanggang sumuko ang mommy niya sa sakit nito.

"Eloisa, wala kaming pera ni Mommy," sagot niya rito.

"Mommy mo 'yon. Ako, may pera ako," mataray na sagot ni Eloisa habang hawak-hawak nito ang card na hinugot mula sa wallet nito.

Kailangan daw nila ng maraming pera dahil hindi sila paaalisin ng ospital hangga't hindi sila nakakabayad sa lahat ng gastos sa gamutan at sa punerarya.

Labing-anim na taon na si Evangelle. Kaya na nga raw magbanat ng buto. Ilang beses na ngang inalok na maging dancer sa malapit na club dahil maganda at balingkitan ang katawan. Malusog din ang dibdib at mabalakang na takaw-tingin sa mga customer na malalaking magbayad ng tip.

Pero sa tuwing makakakuha siya ng ganoong alok, katakot-takot na pagmumura mula kay Eloisa ang natatanggap ng mga nasa paligid niya.

Kung hindi siya makakarinig ng malutong na 'putang ina' sa bibig nito, walang habas ito kung magdampot ng malaking bato sa gilid o kahit buong hollowblock para lang ibato sa mga nagbibigay sa kanya ng alok na ibenta ang katawan niya.

Grade 11 na siya at tanggap nang walang magandang bukas ang puwede niyang tanawin.

Wala na ang mama niya. Pinabayaan na sila ng daddy niya. Kung babalik siya sa apartment, wala na rin siyang pambayad sa upa roon at iba pang gastusin.

"May laman 'yong card mo, Eloisa?" tanong niya habang sinisilip ang kahera sa salaming dingding.

"Malamang, may laman."

"Saan mo nakukuha yung pera?"

"Basbas 'yon sa langit. Gano'n talaga kapag maganda."

Alam ni Evangelle na sinasarkasmo na lang siya ni Eloisa.

Hindi niya alam ang trabaho nito, pero base sa kung paano ito magdamit, parang alam na niya kung saan ito kumukuha ng pera.

Manipis ang sando na halos kita na ang dibdib at lagi pang maikli ang shorts. Kinulayan din ng blonde ang buhok at lagi pang makapal ang lipstick.

Gaya nga ng sabi ng mga bading sa bar, malaki raw mag-tip ang mga customer sa magaganda at sexy na dancer.

Iniisip pa lang ni Evangelle ang gastos nila sa ospital at punerarya, masasabi niyang malaki nga siguro ang tip na nakukuha ni Eloisa para mabayaran ang dapat nilang bayaran.

Linggo lang ang inabot matapos mailibing ang mommy niya, sinundo na agad sila ng van. Kasama niya si Eloisa na halatang masaya sa pupuntahan nila.

"Doon ka na raw uli sa lolo mo," sabi ni Eloisa.

"Bakit biglaan naman?"

"Malamang kasi patay na nanay mo, ano pa ba?" "Matapos akong pabayaan, gano'n na lang

'yon?"

"Isipin mo na lang, libre na bahay saka pagkain mo," sagot ni Eloisa. "Ang mahalaga, may bahay na tayo."

"Tayo? Kasama ka?" nakabusangot na tanong ni Evangelle.

"Aba, siyempre! Hindi naman puwedeng ikaw lang ang may libreng bahay. Dapat ako rin!"

"Tsk! Sabi na, plano mo talaga 'to, e. Manghuhuthot ka lang ng pera doon, 'no? Porke alam mong mayaman ang lolo ko."

"Hahahaha! Utak-utak lang 'yan. Kaya ikaw, dapat ngayon pa lang, gamitin mo na ang utak mo para mabuhay ka nang mas matagal."


• • •


Nakauwi na ang nag-iisang anak ni Allen Heyrosa sa Villa Heyrosa. Dalaginding pa noong huli itong makita ng mga naroon kaya nga biglang uminit ang tingin ng mga taga-villa kay Evangelle nang magdalaga ito.

Bilang sa daliri ang mga dalagang nasa villa. Kahit ang mga kasambahay roon na mga ginang ay wala ring tiwala na papasukin ang mga anak nilang babae bilang katulong doon.

Ang tanging silbi lang ng magagandang dilag na dumarayo sa villa ay para maging sandaling kaligayahan lang ng mga lalaking nakatira doon.

Gandang-ganda sila sa anak ni Allen lalo't nakuha nito sa ina ang makinis na kutis at tangkad. Mas pinaganda pa ang lahi dahil sa pagiging Heyrosa nito.

Ngunit maliban kay Evangelle, isa rin si Eloisa sa mga babaeng nakaw-pansin sa villa.

Kaya isa sa madalas na inirereklamo ni Allen ay ang tungkol sa mga damit na napipili ni Eloisa.

"Loi, puwede ka namang pumili ng medyo conservative naman," mahinahong pakiusap ni Allen, pumuwesto pa sa harapan ni Eloisa habang nagbubutones ito ng sando. Kitang-kita ang pink na lace bra nito at napapangiwi si Allen dahil wala ring silbi ang sando kung tutuusin. Hindi natatakpan ang dapat na takpan. Kulang na lang ay lumabas itong naka-bikini.

"Hindi ba 'to maganda?" nakangising tanong ni Eloisa, nang-aasar.

"Maganda naman. Kaso kasi . . . alam mo namang kastang-kasta ang mga barako rito sa villa." Hinawakan pa niya ang magkabilang dibdib ni Eloisa at pabirong pinisil 'yon. "For my eyes only lang dapat 'to, e. Gusto mo ng jacket?"

"Anak mo ang pagsuotin mo ng jacket. 'Yong nagpapakain sa mga manok n'yo, pinagnanaasan si Angel. Laging tambay roon sa may santol kapag naliligo ang anak mo. Hindi pa naman nagsasara ng sliding door kapag naghuhubad."

"Mana sa 'kin anak ko, e. Natural lang 'yon sa magagandang lahi."

"Tarantado." Nakatikim tuloy si Allen nang mahinang sampal kay Eloisa. Tumalikod na ito at dinampot ang claw clip na nasa vanity.

"Loisa, bihis ka na ng iba. Sige na, please? Binilhan kita ng bagong blouse, di ba? Maganda rin 'yon. Simple pero sexy."

"Binibigyan ko ng pabor ang anak mo kaya manahimik ka diyan." Inikot nito ang gintong buhok at iginapos ng clip sa bandang batok. "Isasama raw ng tatay mo si Angel. Mukhang may sabong ngayon."

Napakamot na lang ng noo niya si Allen dahil ayaw nitong makinig sa pakiusap niya.

"Pupuntahan ko lang 'yong gradas. Dadaan daw 'yong mga Intsik kaya natangay ang anak mo. Baka biglang ikama ng bisita, mahirap na. Pumasok ka na sa trabaho mo."

"Gusto mo ng balabal? May balabal si Tiya Marya? Yung maraming flower na black," huling alok ni Allen. "Baka mapagkamalan kang round girl doon, Loi! Baka may manghipo sa 'yo!"

"Subukan lang nila. Itatarak ko ang tari sa mga leeg nila."

"Tsk! Ano ba naman 'yan? Gusto mo, mag-day- off ako ngayon?"

"Magtrabaho ka na! Ayoko sa tamad!"



♥♥♥

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon