Special Chapter 2

22 1 0
                                    


"Hindi 'to ang ine-expect kong pagtataguan mo, Eva."

Nakataas lang ang isang kilay ni Evana, nakakrus ang mga braso at binti habang sinusukat ng tingin ang kaharap niyang babae.

Angat na angat ang itsura nito sa monobloc na upuan.

Nakapostura. Pormal na pormal ang suot na royal blue coat na may white tube pang-ilalim. Kitang-kita pa ang gintong kuwintas na may sapphire bilang pendant. Terno ang coat sa pencil- cut skirt nitong hanggang ibaba ng tuhod ang haba. Angat na angat ang kintab ng itim na stiletto nito, ang isa at nakatapak sa sahig habang nakaangat naman ang isa dahil sa pagkaka-de-kuwatro.

Malinis ang pagkakapusod sa itim at mahabang buhok. Humahalimuyak sa hangin ang pabango kahit pa hindi siya lumapit dito. Simple ang makeup pero angat na angat ang pulang lipstick.

Sobrang layo ng itsura nila ni Evana na nakasuot lang ng napakanipis na puting T-shirt na kita na ang itim na bra sa ilalim, dolphin shorts, at nakapaa lang. Kahit ang buhok nitong gabalikat ang haba ay nakaipon lang din sa loob ng itim na claw clip.

"Ano'ng meron at napadalaw ka?" mabigat na tanong ni Evana. "Malamang na pinagtsitsismisan na 'ko diyan sa labas dahil sa 'yo."

"Nabanggit ni Allen na dito ka na nakatira kasama ang anak niya," seryosong tugon ng bisita.

"Ah . . . okay." Napatango nang dahan-dahan si Evana. "Nagkabalikan na ba kayo?"

"May direct contact ang superior ko kay Severino Heyrosa. Allen's just shooting his shot after we meet again."

"E, di good. At least, hindi na siya tatambay sa online dating app," walang amor na sagot ni Evana. "Malakas manalangin ang gagong 'yon, naabutan ka pang single."

"I don't think this is the right place to keep your daughter safe," pagbabago nito sa usapan. Nilingon nito ang paligid. "Sana pumili ka ng ibang lugar kahit man lang para sa anak mo."

"Tingin mo, may safe pang lugar para sa 'min ng anak ko?" naghahamong tanong ni Evana at ipinilig ang ulo niya sa kanan. "Ah, of course. For you, there is. Protektado ka ng kompanya mo, e. Pero iba ang reality namin ng anak ko, Eloisa. Huwag mong i-apply ang status quo mo sa 'kin."

"I can keep things the way they currently are, so long as I handle it well, Eva," walang emosyong tugon ni Eloisa, titig sa mga mata ni Evana. "Hindi kailangang mag-stay sa ganitong environment ng anak mo. Huwag mong masyadong pairalin ang pride mo dahil may kasama kang bata."

"Bakit naging concern mo ang anak ko? Nasa DSWD ka na rin ba?"

"Hindi comfortable si Allen na nandito ang anak niya."

Natawa tuloy si Evana dahil sa narinig kay Eloisa.

"Why? Bothered ka ba na walang bukambibig ang ex ko sa 'yo kundi anak niya sa 'kin?" Ngumisi para mang-asar si Evana.

"I don't care kung maging bukambibig man niya ang anak n'yo maghapon habang kausap ako. Anak niya 'yon. He's just being a father, as he should," deretsong tugon ni Eloisa. "What bothered me was the fact that you chose this kind of life for the kid. Ang daming tambay sa labas. Bago ako pumasok dito, tanghaling-tapat, may nag-iinuman. Babae ang anak mo. Nagdadalaga. Have you ever considered bringing her somewhere safer than here?"

"Hindi mo kailangang palabasing masamang ina ako para lang ma-emphasize ang pagiging superior mo, Eloisa," mataray na tugon ni Evana. "Huwag mong hanapin sa 'kin ang privilege na meron ka. Magkaiba tayo ng sitwasyon."

"Allen offered you that privilege, and you declined," tugon ni Eloisa at nag-angat ng seryosong mukha. "You're compromising the safety of your daughter for what? Para sa pride mo?" Matipid siyang umiling. "Hindi kayang iligtas ng pride mo ang anak n'yo ni Allen, Eva."

Unti-unting bumagsak ang emosyon sa mukha ni Evana at napalitan ng mas prominenteng pagkainis. "Bakit hindi mo sisihin si Severino kung bakit kami narito ng anak ko?"

"Kung sisisihin ko siya, ililipat mo ba ang anak ni Allen sa mas ligtas na lugar kaysa rito? Because if yes, I'll give you the rest of my day for this. Sabihin mo lang."

Napahugot na lang ng hininga si Evana dahil sa isinagot ni Eloisa sa kanya.

Kilala niya ito. Isa na ito sa pinakamatatalinong tao na nakilala niya sa law school. Mas nauna pa itong ligawan ng dati niyang asawa kaysa sa kanya. Ang naging problema lang ni Allen ay hindi interesado si Eloisa na makipagrelasyon sa kahit na sino. Dalawang linggo lang ang itinagal ng dalawa bilang magkasintahan at naghiwalay rin matapos niyon.

At dahil nagustuhan din ni Evana si Allen, humanap siya ng paraan para mapangasawa ito. Sa kasamaang-palad, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng pagsasama nila.

Wala siyang masasabing ibang babae ni Allen. Ang problema lamang niya rito ay hawak sa leeg ng ama, kulang na lang ay iyon ang magdesisyon kung kailan hihinga ang dati niyang asawa.

Habang tinitingnan tuloy niya si Eloisa, paniguradong magdiriwang si Severino Heyrosa kung ito ang makakatuluyan ni Allen bilang kapalit niya.

Maliban sa seguridad na kayang ibigay ni Eloisa para sa mga Heyrosa, malakas din ang kapit nito sa mga pribadong organisasyon kompara sa kanya.

Tumayo na ang bisita ni Evana, inayos at muling isinuot ang butones ng coat mula sa pagkakabukas.

"I'll give you enough time to think about your daughter's safety, Eva," paalala ni Eloisa. "Kung ayos lang na i-compromise ang safety mo, sana huwag mong i-compromise ang sa anak mo. Maawa ka sa bata."

Malutong ang tunog ng takong sa sementadong sahig, pinanood lang ni Evana na maglakad palabas ng unit niya si Eloisa.

Kahit anong isip niya sa sinabi nito, umaangat pa rin sa kanya ang pagpiling manatili roon kaysa tanggapin ang alok ni Allen na lumipat sa ibang lugar.



♥♥♥

Not All ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon