#36 (Venue)

64 2 0
                                    

Jonah's POV

"Sino yan?" tanong ko kay stephen. Bigla nalang kasi syang tinawagan ni juliana kanina tapos pinapunta rin kami ng basement.

"Tingin ko pinadala sya ng aramis o kaya ng manse. Si juliana talaga ang target nila." Seryosong sagot nya at nakakakunot pa ang nuo nya tila may malalim syang iniisip.

"Asan na si-- oh! Juliana sino yang--"

*BANG*

Hindi ko napansin kung saan kinuha ni juliana yung baril nya. Basta nagulat nalang ako bigla nyang pinaputukan yung lalaking nakagapos at walang palya nya itong natamaan sa ulo.

"Hindi mo manlang sya tinanong?" Tanong ni stephen kay juliana. Yun rin yung pinagtataka ko, bakit bigla nalang nyang pinatay yung lalaki ng hindi manlang tinatanong.

"Wala na akong itatanong. I know he was from aramis. Pinadala nila yang lalaking yan para patayin ako pero guess what? hindi ako ang namatay." Sinalo ko yung hand gun na ginamit nya.

"Pano mo nasabing aramis talaga? How about manse?" I asked.

"Manse? She's dead" hindi na ako nakapagtanong dahil lumakad na sya palabas ng kwarto.

She's dead? How? Sinong pumatay? Parang ang imposible namang aramis dahil magkapartner sila sa negosyo. Imposible rin namang kami yun.. pero hindi kaya..

"Asan ba si edmond atsaka si babe?" Tanong ko kay stephen na hindi parin tinatanggal ang tingin dun sa lalaking wala ng buhay at puro dugo.

"Babe nasa-- umamin ba yan?" napatingin ako sa may pinto ng marinig ko ang boses ni babe. Nakatingin din sya dun sa lalaking duguan.

"Wala ngang tinanong si juliana sakanya, bigla nalang syang pinatay"

"sigurado na kong aramis ang may gawa nito dahil sabi ni iana patay na si samantha."

"Kaya nga, pero ang pinagtataka ko sinong pumatay kay samantha? Hindi kaya si juliana?"

"Hindi ko alam babe" he hugged me and kissed my forehead. "There's no secret that will keep forever. Malalaman din natin yan soon"

Dahan dahan akong tumango.

---

"So anong plano natin para bukas? Paniguradong maraming pupunta bukas sa launching. Kailangan nating paghandaan to" nandito kami sa loob ng conference room at pinaguusapan kung anong gagawin namin para bukas.

We have a conclusions na hindi lang launching ang magaganap bukas kaya nagpeprepare kami ng plano.

Mahirap sumugod sa isang laban na walang dalang sandata.

"Okay let's do this!" Tumingin kami lahat kay juliana at tumango.

Juliana's POV

Kinabukasan (Launching)

"Hello? Nagawa nyo ba lahat ng pinapagawa ko?" Tanong ko sakanila. May suot kaming earphones para makakapag communicate kami by this.

"Oo, nandito ako ngayon sa CCTV room. 6pm pumasok si Mr. Dertuda. 6:30 pumasok si Mr. Knight and as far as I observe hindi pa dumadating ang aramis" alam kong si esmond ang nagsalita dahil sya ang inassign ko na magpunta sa CCTV room.

"Okay, stephen anong ng nangyayare dyan?" Tanong ko ulit

"The bombs are ready, I planted them kung saan sigurado akong dadaanan nila if ever na tumakas sila. Nagkabit narin ako ng mga hidden camera para mas mabantayan natin." Tumango ako the plan is going to be smooth.

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now