Jonah's POV
"A-ano daw?" Tanong ni stephen
"Aalisin na daw nya yung gang sabi ni Iana"
"H-hindi pwede! Bakit naman aalisin yun ni princess? baka naman hindi sya yan. Hindi ako maniniwala hangga't hindi si princess ang nagsasabi nyan in person."
"Pano kung sya? Tingin ko tama sya. Tama ang desisyon nya--" Alam kong nagaalala si babe dahil sa nangyari pero hindi ko parin kaya'ng mawala ang gang
"Tama? Hindi tama yun! At hindi si princess ang nagsabi nun."
"Kahit naman wala ng gang magkalasama parin tayo" sabat ni jerico
Nakita ko ang asar na ngisi kat stephen"Tingin mo mananatili si princess kasama natin kahit wala ng gang? Tingin mo magkakasama-sama pa tayo tulad ng kung ano tayo dati? BAgo ka palang kaya wala ka pang alam" Medyo tumaas na yung boses ni stephen
Oo! Tama lahat ng sinabi ni stephen. Hindi namin nasisigurong mag s-stay parin si juliana kasama namin. To think na mababawasan kami? Naiiyak na ako. Wala akong magawa para pigilan sila dahil mainit na ang ulo ni stephen at ni jerico
"Siguro nga baguhan palang ako, pero lahat ng nangyayare may mabigat na rason" sabi ni jerico Nilapitan sya bigla ni stephen at kinwelyuhan
"Tangna, Jerico! Ano ba'ng ipinaglalaban mo? Putek! Dumating ka sa gang namin ng buo at tinggap ka namin kahit ayaw ni princess tapos ngayon ipinaglalaban mong tama ang mawala ang gang? Tangina, Jerico! Manahimik ka nalang" Sigaw nya kay jerico at nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Halata'ng halata sa mukha nya ang galit.
Kanina lang ang saya nya, tapos ngayon, ngayon umiiyak na sya. Dala narin siguro ng pagkabigla nya kaya ganun nalang sya kung mag-react and to think na gusto nya si juliana, hindi na ako magtataka kung bat ganyan sya kagalit
Lumapit na si bryan at pumagitna na, tinggal nya yung kamay ni stephen sa damit ni jerico. Tumalikod naman na si stephen
"Sa susunod na magsasalita ka, sana alam mo lahat ng sinasabi mo" sabi habang umiiling iling at humakbang na palabas, pero bago sya makalabas ng kwarto, nagsalita naman si jerico
"Alam ko kung ano ang sinasabi ko. Sana lang isipin mo ang realidad, ang mas pwede pang mangyare sa hinaharap pag pinagpatuloy natin to!" Halata narin sa mukha nya ang galit at inis. Na-hospital din sya at dapat din syang magpahinga ngayon.
"Kung ayaw mo na, pwede'ng pwede ka ng lumayas, kahit hindi ka magpaalam pa. Ayokong magisip ng kahit ano dahil kahit konto may tiwala pa ako sayo. Wag mo lang sana ako'ng sagarin" yan ang huling sinabi ni stephen bago nya lisanin ang kwarto dito sa Hospital. Sumunod na lumisan si Jerico. Kahit pareho na silang nakaalis ramdam ko parin ang tensyon na nabuo sa loob ng kwarto. Kung nagingat lang ako, hindi 'to mangayayri. Kainis!
Ano bang nangyayare samin? Okay na ako eh! Masaya na kami. Sa isang araw pwede na akong makauwi. Bat ba kailangan pang mangyare to? Shit!
"Babe, gusto kong makausap si juliana"
"Kailangan muna kitang iuwi kay Tita. Panigurado'ng alalang alala na yun sayo. Kailangan mo ring magpahinga pa. Siguro nga maayos ka na at maayos na ang pakiramdam mo pero hindi natin alam kung ano'ng pwedeng mangyari kapag nagpagod ka kagad. " napansin naman nyang aangal pa ako kaya inunahan nya na akong magsalita. "Makinig ka sakin babe! Mababaliw na ako pag may nangyare nanaman sayong masama! Please! Makakapagusap din naman kayo ni Iana, soon" sabi nya sakin sabay kiss sa forehead ko.

YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
Narrativa generaleNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING