#17 (First love)

347 5 4
                                    

Juliana's POV

"Tara na!" Aya sakin ni edmond. Uwian na kasi namin. Tumango nalang ako at binuhat na yung bag ko na parang wala namang laman. Deretso lang ang tingin ko, wala akong nililingon, ayokong lumingon.

"Juliana!" Tawag nya sakin sabay hawak nya ng mahigpit sa risk ko, kilala ko yun kung sino yun, si jonah.

Nilingon ko sya, pinilit kong maging iritable ang ekspresyon ko "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sabay hila nung kamay ko.

"Ahm, sorry sa inasal nya ha! Sige una na kami!" rinig kong sabi ni emond sabay hila sakin. Hinayaan ko na syang hilahin ako, mailayo lang ako dun. Pagkarating namin ng parking lot, sumakay na ako agad sa kotse nya. At napabuntong hininga.

"Okay ka lang?" Tanong nya sakin.

"Kung ikaw kaya yung nasa sitawasyon ko tapos tinanong kita kung okay ka lang? Anong isasagot mo?" Pagbabalik ko sakanya ng tanong.

"H-hindi"

"Oh! Alam mo naman na yung sagot, tatanong pa" pagsusungit ko

"Sorry, nagaalala lang naman ako sayo" sabi nya. Binuhay nya na yung makina at pinaandar ito. Walang umiimik samin hanggang sa makarating nalang kami sa bahay. Nung itinigil nya yung kotse sa harap ng gate, binuksan ko na yung pinto ng kotse at akmang bababa na pero bigla nyang hinawakan yung kamay ko

"Naiintindihan ko kung bakit naging ganyan ka. Alam kong ako ang--" 

"Wag mo ng isipin yun, nasanay kasi akong maging masungit sa lahat ng tao simula nung iniwan mo ko dito sa pilipinas at pinangakuan na babalik ka kaagad" Tch! Naalala ko nanaman yung lintek na promises namin nung mga bata pa kami. 

Nakita ko yung pagkagulat sa mukha ni edmond at guilt narin "Actually... kaya ako bumalik dito dahil gusto kong magsorry at tuparin yung promise ko. Kahit na late na masyado, kahit na ayaw mo na, gagawin ko parin. Iniwan ko yung korea para dito ipagpatuloy ang career ko at para narin makasama kita" sabi nya sabay ngiti. Yung ngiti nya, may naalala nanaman ako sa ngiti nya. Halos lahat ng galaw nya may naaalala ako.

"Ed..edmond.." marami akong gustong sabihin pero bigla ako na blangko nung hawakan nya yung baba ko at unti unti nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko. Para na akong nasemento at hindi na ako makagalaw. Nakita ko nung pumikit yung mata nya at sa sobra pagpapanik ko naitulak ko sya, hindi ko alam kung malakas ba o mahina, basta ang alam ko nakahinga ako ng maluwag kasi hindi na malapit yung mukha nya sakin.

Mabilis lang ang mga nangyare. At sa sobrang bilis halos wala na akong maisip na sunod gawin. Bigla naman akong nakaramdam ng inis sakanya.

"So ganun na yun? Iiwan mo ko dito at pinagantay mo ko ng napakatagal tapos ganun nalang yun? Akala mo ba ganun lang ako kadaling babae?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Matagal ko na tong sabihin sakanyan ng harapan.

"Hindi. Kaya nga andito ako ngayon at handa ulit i-gain ang trust mo. Please! Give me another chance! I promise! I won't waste that chance again" sabi nya at kita ko naman ang sincerity nya. Lecheng yan! Promise nanaman. Lagi nalang promise

"You already did. Wala akong pakialam kung aalis ka nanaman dahil hindi kita kayang bigyan ng second chance." simpleng sabi ko sabay baba ng kotse. Bumaba rin naman sya at lumapit sakin na may ngiti sa labi. Dapat ba syang maging masaya sa sinabi ko?

"Hindi ako aalis, kahit friendship manlang natin maisalba ko" Sabi nya at akmang yayakapin ako so again, syempre hinarangan ko na.

"Stop, Edmond. I'm tired"

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now