#7.5 (Agreement)

192 3 4
                                    

Jonah's POV

"Babe! kain na tayo! kanina ka pa nakatulala dyan ah!" Pagpupuna sakin ng boyfriend ko. Nakakaloka naman kasi, gusto ko ng magkaroon ng normal na buhay kasama lahat ng kaibigan ko at si babe. Yung walang gang, walang baril, wala war, at kung ano pang mapanganib na bagay.

Nakakatawa lang kasi kaya ako nandito ngayon sa position na to ay dahil sa magulang ko. *sigh*

"Uy! Ano bang iniisip mo? Nakakabaliw yan!"

"Gusto mong malaman kung anong iniisip ko?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman!"

"Iniisip ko lang naman na.. makipag break na sayo" sabi ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata nya.

Juliana's POV

That stupid guy! huh! Ang lakas din ng loob nyang makipagdeal sakin. Anong akala nya? Maawain ako? Hell no! Never ako maaawa sakanya!

"Okay na ba yang paa mo?" Napalingon ako sa may pinto netong kwarto ng bigla kong marinig ang boses ni stephen.

"Masakit pa" sagot ko. Kainis tong paa ko, lampa din minsan eh!

"Ah, ito yung pain killer. Get well soon." inilapag ya yung gamot tapos naglakad na ulit sya paslabas.

Pero bago pa sya makapaalis. "Okay ka lang?" Oo, masama ako pero hindi sa mga kaibigan ko. Pag alam kong may mali sakanila hinahanapan ko ng solution.

"Oo naman, bakit hindi?" Sabi nya pero hindi sya nakatingin sakin. Alam nyang hindi sya marunong magsinungaling kaya hindi sya makatingin sa mga mata ko.

Umalis na sya at isinara yung pinto.

Jerico's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto ko.

"Jerico" napalingon ako ng marimig ko ang boses ni stephen.

"Oh! Pare bakit?"

"Pwede ba tayong mag usap?"

Bakit ang lamig ng boses nya ngayon? May nangyari ba?

"Sige, tara" sagot ko nalang.

---

kubo

"Bakit hindi mo sinabi? Bakit ka pa nagsinungaling sakin?"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" Hindi ko sya maintindihan.

"Sabi mo wala kang gusto sakanya pero.. lalaki ako! marunong akong makiramdam!"

"Pag sinabi ko sayo, magiging okay ka ba? Hindi diba? Kaibigan kita--"

"Yun na nga eh! Kaibigan ang turing natin sa isa't isa pero nagsinungaling ka sakin!"

Takte naman! Ganun nya talaga kamahal si juliana at iniiyakan nya na ngayon?!

"Sorry, ayoko lang na magalit ka sakin"

"Kaya pinopormahan mo si juliana pag nakatalikod ako?" Lumapit sya sakin at halatang pinipigilan nya lang ang sarili nyang makapanakit. "Kakalimutan ko lahat ng nakita ko, pati tong galit ko kakalimutan ko narin paglabas ko ng kubong to pero ipangako mong magiging patas ka na ngayon"

"O-oo, sige!" Nautal pa ko dun ah!

Tumango sya at nilapasan ako. Bago sya lumabas ng kubo, huminga muna sya ng malalim.
Akala ko may sasabihin pa sya paglabas nya pero nginitian nya lang ako. Takte! Kelan pa ko natakot sa ngiti?!

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now