Jonah's POV
"Guys, wag kaya muna nating sabihin kay juliana? Kilala naman natin yun eh!" Sabi ko sakanila. Masyado talagang komplikado kung sasabihin na namin.
"Kelan natin sasabihin?" Tanong ni edmond.
"Walang magsasabi, kusa nyang malalaman. Planado naman na natin diba? Ang kailangan lang dapat sumunod lahat sa plano" sabi ni katana. Oo andito sya ngayon, si edmond pa ba? Under nga sya kay katana eh! Pero si jerimia, wala sya dito syempre. Nasa school pa, susunod na nga lang daw sila ni stephen dun sa pupuntahan namin.
"Guys! Kailangan natin ng plan B! I can sense na may ibang balak pa ang aramis maliban sa pag patay kay juliana. Kapag nagipit na tayo anong gagawin natin?"
Woah! Umuunlad na si stephen ah! Ehehe joke! ^_^v
"Tama si stephem guys! Iba rin mag isip ang aramis. Minsan akala natin tapos na, patibong lang palang kaya kailangan nating maghanda para matapos na to" sabi naman ni babe, amdito sya ngayon sa tabi ko.
"Ang kailangan lang naman nating ingatan dito ay si Mr. Martinez, si juliana at ang pamilya nya, dahil pag napahamak sila magugulo lahat. Simula sa mafias hanggang sa business na maiiwan ng rivero at martinez" seryosong sabi ni katana.
My ghad! Sobrang seryoso nila! Ultimo si stephen na abnormal, nagseseryoso na! Pati si edmond na slowpoke nage-gets na lahat ng pinaguusapan namin.
Talaga naman! Iba talaga pag si juliana ang pinaguusapan, yung isa since childhood mahal na si juliana. Yung isa naman ex M.U ni juliana na dahilan kung bakit nadalang magmahal ang lola nyo!
"all settled na! Si Mr. Martinez, na kela rehjo na daw yun. Si juliana, alam naman nating pupunta dun si rehjo eh!" Sabi ko sakanila.
Tumango tango sila. After few minutes narinig na namin yung busina ng kotse ni juliana kaya tumayo na kami at pumunta sa labas oara salubungin sya.
"Jules! Tara na! Wag ka ng magbihis! My ghad!" Sabi ko. We're acting na parang walang mangyayaring masama sakanya at sa pamilya nya.
"Ha?! Di ba uso yung palit palit ng damit?"
"Hindi na! Tara na! Ang tagal mo oh! Uwian na nila jerimia kaya sabay na natin sila stephen!" hinila ko na papasok ng van si juliana para hindi na makaangal. Si babe yung driver namin hehehe.
Troy's POV
"Pag bigyan nyo na ko dito, arseq, dresio at reiwak! Last na to!" Sabi ko sakanilang tatlo.
"May magagawa pa ba kami? Sige na. Babantayan namin si juliana, wag ka magalala" sabi ni reiwak.
"Salamat! Sige mauna na kayo dun sa beach may aasikasuhin lang ako saglit" sabi ko sakanila. Sabay sabay silang tumango at nawala mng parang bula sa harap ko.
Tumayo na ako at nagteleport papunta sa basement ko.
"Sir! Tulog pa po sya" sabi sakin nung utusan ko.
"Sige, pag nagising sya pakainin nyo tapos patulugin nyo ulit" utos ko sakanila.
Tumango sila. "Sige po! Areglado boss!" Pagkasabi nya nun tinanguan ko rin sya at dumeretso na sa opisina ko para kunin lahat ng files na importante.
Hindi ko alam kung pagtapos ng gulong papasukin ko ay mabubuhay pa ko kaya habangaaga inaayos ko na lahat. Itong files na to, sila dreasio, arseq, reiwak at georgette ang magmamana ng lahat ng to. Sakanila ko ipinangalan lahat ng ari-ari-an ng mga rehjo. Malaki ang tiwala ko sakanilang apat kaya hindi na ako nag da-doubt.
YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
General FictionNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING