#30 (Sharlaine Rivero)

199 4 1
                                    

Jonah's POV

"Hoy stephen! sigurado ka ba dyan sa impormasyo'ng yan? ha? baka naman mali yan!" bulyaw ko sakanya, shit! hindi ako mapakali!

Pano kung tama yun?

Ano nalang mangyayare?

"Tama to, nakabantay ako habang iniimbistigahan si samantha. Pero kung gusto mo talagang makasigurado, bakit hindi natin ipa DNA test? diba?" Napatingin ako sakanya at napahinto sa paglalakad ng pabalikbalik. Oo nga, mas maniniwala ako kung may proweba, pero.. pero pano? pano namin magagawa yun?

"Pano?" sabay na sabi namin ni edmond at ni babes

"akong bahala" kampanteng sabi nya.

"Naku stephen! pag lang talaga hindi mo nagawa yan puputulan talaga kita ng ano!" pagbabanta ko. Kampanteng kampante kasi eh!

"ng ano?" sabi nya habang nanlalaki ang mata. Ano ba sa tingin nya puputulin ko? kayo ba? ano sa tingin nyo?

"babes!" napatingin ako kay bryan dahil sa pagtawag nya sakin. Haluh? ano bang iniisip nila?

"puputulan kita ng buhok. Bakit? ano bang nasa isip nyo at ganyan kayo makatingin?" takang taka kong tanong, iba kasi sila makatingin eh! T_T

Hindi nila ako sinagot at sabay sabay silang tumingin palayo, anon bang problema nila?

Juliana's POV

Nandito parin kami sa loob ng kotse at pareho kaming tahimik, ako nakatingin lang sa labas ng bintana, si jerico naman nagmamaneho lang ng tahimik. Akala ko ba malapit na kami? pero bakit parang kanina pa sya nagda-drive? ako ba eh pinaglololoko netong lalaking to?!

"Juliana.." napalingon ako bigla sakanya dahil sa bigla nyang pagtawag sakin. "okay naman tayo diba?" tanong nya. Literal namang kumunot yung noo ko, ano bang tinatanong nya?

Aish! ang weird nya talaga this past few days! sobrng weird nya kasi bigla bigla nalang syang magyayakap, tapos maga-i love you tapos maglalambing. Lahat talaga biglaan, ewan ko ba kung naninibago lang ako sakanya kasi kinukutuban akong may mangayayreng mali eh, ewan ko ba dyan!

Kasi! isipin nyo huh! bigla nya nalang akong dinala sa Ilocos norte kasi gusto nyang ipakita sakin kung saan kami ikakasa?!

Tapos eto pa! yung mga sinasabi nya at ikinikilos nya, para sakin hindi na normal eh! parang may hinahabol sya? yung parang may taning na yung buhay nya kaya minamadali nya na lahat? ganun yung pakiramdam ko

"I mean, mahal mo ko, mahal kita diba?"

"Naghihinala ka ba sa nararamdaman ko para sayo?" hindi ko alam kung bat biglaan nlanag na lumabas yan sa bibig ko, dapat sa utak ko lang yan eh! pero na-voice out ko na

"No! not that! I just want to assure. It's just that...I'm really tired" he sighed at halatang pagod nga sya kaya naman na-guilty ako dun sa sinabi ko sakanya. "At ang malaman kong mahal mo parin ako hanggang ngayon, yun nalang ang tanging energy na nagbibigay ng lakas sakin" Nginitian ko sya, shit! ang effortless nya magpakilig! inis ako sakanya pero konting sweetness nya lang nawawala nalang bigla yung inis ko

"I love you, and I always will! so don't doubt or what, okay?" sabi ko sabay ngiti ulit sakanya

Pansin ko sa sarili ko, nagbago talaga ako nung naging kami ni jerico, ngumingiti na ako, umiiyak, nagseselos. Eh dati naman cold lang ako, hindi ako ngumingiti, hindi uso sakin umiyak, hindi rin ako nagseselos dahil wala naman akong pagseselosan. Huh! Ano pa kayang pagbabago ang gagawin sakin ni jerico? ang laki na ng pinagpago ko eh

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now