Third person's POV
Si juliana ay hindi magkandaugaga dahil sa hindi malamang kadahilanan
"Gusto ko ng puntahan si jerico!" matigas na sabi nya
Ayaw syang payagan ni jonah dahil kahit si jonah, nasasaktan narin syang makitang nagkakaganyan si juliana..
"Para saan pa, juliana? Ha? Niloko ka na nya!" Tumingin sa malayo si jonah. "Tanggapin mo na" pagpapatuloy nya
Natigilan sya at lalo syang naiyak. Iniisip nya na, pano nya tatanggapin kung hindi nya kaya? Merong kung anong nagsasabi sakanya na dapat wag syang tumigil pero isinasampal na sakanya ni jonah ang ktotohanan
Katotohanang niloko at iniwan lang sya ni jerico..
Pero kahit ganun pinanghahawakan parin nya yung mga sinabi sakanya ni jerico. Mahal sya ni jerico..
"Hindi totoo yan! Sabi sakin ni jerico mahal--"
"Mahal? Really juliana? Sinaktan ka nya! At kita ng dalawang mata mo ang kababuyan nila ng babae nya! Hindi mo ba naiisip ma kaya sobrang sweet sayo ni jerico dati dahil mangyayare to? Na iiwan ka rin nya?"
"P-pero--"
"Hindi mo pa sya ganun kakilala juliana" pailing iling na sabi sakanya ni jonah
Kumunot ang nuo nya dahil sa narinig nya kay jonah. "Anong ibigsabihin mo?"
"Nung hindi ka pa nagigising, pinaimbestigahan namin sya. Isa syang womanizer, casanova, playboy!"
Bago pa man magkakilala si jerico at si juliana, talagang womanizer na si jerico. Actually kung hindi sya nakidnap noon at pinilit na saktan ang gangster princess. Siguro hanggang ngayon ganun parin sya.
"Ayoko ng joke--"
"Joke? Juliana! Mukha ba kong natatawa? Maniwala ka! Kasi kung hindi naman sya ganun, hindi kita pipigilang puntahan sya at kung hindi ka nya niloko, hindi ko isasampal sayo kung gano ka nagpapakatanga sa lalaking yun!" Naiintindihan nya na naiinis na sakanya si jonah, kahit nga sya mismo, naiinis na sya sa sarili nya kaya naiintindihan nya kung sisigawan lang sya ng sisigawan ni jonah
Napatungo na lang sya dahil naubusan na sya ng isasagot kay jonah. Lahat ng sinabi ni jonah, tama. Pero pakiramdam nya hindi nya kaya.
Oo, sa saglit na naging sila ni jerico, minahal nya na agad ito. Hindi ya alam kung pano at saan nagsimula, basta bigla nalang nangyare. Pero hindi nya inaasahang bigla nalang rin syang iiwan nito.
I love you hon
Naalala na naman nya kung gano ka sweet, ka-seloso at ka-isip bata. Lahat ng yun nami-miss na nya. Pero anong magagawa nya? Ayaw syang payagan ni jonah at kahit sinasabi ng puso nya na puntahan si jerico, ayaw na magresponce ng katawan nya dahil utak na ang gumagana sakanya at hindi puso
Pero hindi nya parin maisip kung san sisimulan ang lahat. Kung pano sya mag mo-moved on. Kung pano nya sisimulan yun
Sa kabilang dako, kay jonah..
"Ano?" Atat na tanong sakanya ni stephen. Kahit na nabigla sila na malamang hindi normal si juliana hindi nila ito pinapahalata. Nagaalala parin syempre sila kay juliana, lalong lalo na si stephen
"Gusto nya daw makita si jerico" nakatungong sabi ni jonah
"Shit! Pinuntahan ko kahapon si jerico sakanila kahapon and guess what? Tanginang yun! Nagpunta daw sa US!"
Napasapo nalang si jonah sa nuo nya. Bat ka kasi sila umabit sa ganito? Dati naman masaya lang pero nung biglang dumating si jerico nasira na lahat. Pero naisip ni jonah, tama pang isisi nya kay jerico lahat?

YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
Fiksi UmumNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING