#32 (The day)

253 7 11
                                    

Juliana's POV

Kinabukasan

Shit! Hindi ko mabilang kung ilang tawag at text na ang binigay ko kay jerico pero hindi parin sya sumasagot. At kahapon, pagkauwi namin, galing kay lolo. Tinry kong puntahan si jerico sa bahay nila, at ang sabi ng katulong. Wala daw sya dun

Frustrated na ko! Sobra! Hindi ko na alam kung san pa ko pupunta para hanapin sya!

Kahapon, masaya ako kasi nakita ko na ulit si ate sharla. Pero nung maalala ko nanaman si jerico, bumalik yung pagaalala ko..

Asan ba kasi sya?!

"Jules? Kain ka na! Hindi ka na kumain ng breakfast! At hindi mo pwedeng i-skip pati ang lunch mo"

Narinig kong sermon sakin ni jonah pero hindi ko sya pinapansin. Nakatulala lang ako at pilit iniisip kung san pwedeng nagpunta si jerico

"May pasok tayo mamayang 1pm. Kailangan nating pumasok jules, atsaka malay mo andun si jerico"

This time, napatingin na ko sakanya nung marinig ko yung pangalan ni jerico

Sa university? hindi naman siguro imposible yun diba? Hindi ko na kasi alam kung san pa ko pupunta para hanapin sya. Sa university nalang ang last option

Kinain ko kagad yung dinala ni jonah na lunch. Nagkaroon ako ng konting hope na nandun sya. Para akong nabuhayan dahil sa thought na posibleng makita ko nga sya dun!

1 week! 1 week ko syang hindi nakikita o nakakausap manlang! Miss na miss ko na sya at gustong gusto ko na syang makita

"Oh! Dahan dahan naman jules! Mabulunan ka! Haha obvious na obvious na miss mo na si jerico ah? Naku! Ang prinsesa! Inlove na talaga! OMG! dalaga ka na!" Pangaasar nya

Nginitian ko nalang sya. Ganun ba kahalatang excited ako! Hmp! T.T

---

"Excited ang princess natin! Haha!" Narinig kong sabi ni edmond

Psh! Hindi ko sila nililingon dahil hinahanap ko si jerico

I'm still hoping, kahit na konti lang yung posibilidad atleast kahit konti meron diba?

Halos manlumo ako dahil nakarating na kami't lahat sa room, wala parin akong nakikitang jerico balisi sa paligid

"Makikita mo rin yun juliana!" Nakangiting sabi ni jonah pero halata namang pinapalakas nya lang yung loob ko eh

Tumango lang ako pero hindi ako ngumiti, kahit fake, hindi ko magawa. Tch! Bakit pakiramdam ko tinataguan ako ni jerico?

Naupo na ko sa upuan ko at tahimik lang. Wala pa yung prof. namin

"Bakit ganon? Sanay naman akong makita kang laging nakabusangot pero parang ang sakit na makita ka ngayong malungkot?" He chuckled. Nakakunot yung nuo kong tumingin sakanya, it's edmond

"Ano bang ginawa mo sakin juliana? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Akala ko pa naman moved on na ko, pero nung makita ko ulit na malungkot ka at hindi mapakali dahil sa hinayupak na jerico'ng yun? Fvck! Gusto kong pumatay juliana!"

"Edmond.."

He chuckled again. "Pero pag ginawa ko yun, baka ikaw mismo ang pumatay sakin. But atleast! Napatay ko na nun si jerico. Panatag na ang loob ko. Atsaka andyan pa naman si stephen eh. Huh! Yung gagong yun? Patay na patay sayo yun!"

Pinagmamasdan ko lang sya habang nagsasalita at nakatingin lang sya sa white board

"Good afternoon"

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now