#50 (Almost there)

69 0 2
                                    

Jerico's POV

"OMG! Kuya! Anong ginawa mo kay ate juliana?! Bat wala syang malay?!"

"Teka!--"

"Fvck! Anong ibigsabihin nito?!"

"Saglit! Ganito kasi yun!" Tss! Sabi ko na, iba yung iisipin nila pag nakita nilang walang malay si juliana dito eh!

"Okay! Explain kuya! Don't dare to say even just a one word lie or else I'll punish you!" Kapatid ko ba talaga to?

"Okay! Easy! Nakita ko kasi sya kanina habang naglalamad lakad ako, hindi ko naman ini-expect na sya pala yun. Nakatalikod kasi sya nung nakita ko sya kaya nung nilapitan ko na sya saka ko nalaman na sya pala yun. Nakita nya narin ako kaya naisip ko na ang useless kung tatakbo pa ko. Then yun! Bigla nalang syang nahimatay"

"OMG!" Tumakbo silang dalawa papasok ng kwarto ko at nilapitan si juliana. Parang alam ko na kung ano yung tinitignan nila. Tinitignan nila yung tatto ni juliana.

"Gosh! Sobrang labo na kuya!"

"Ibigsabihin paggising nya at nakita nya pa ulit si jerico possible na maalala nya na lahat" tanong ni stephen

"Oo" sagot ng kapatid ko.

Teka, handa na ba ko? Pero pinaghandaan ko naman to ah! Ang tagal ko tong hinintay.. kaya lang natatakot ako na baka hindi nya pa ko napapatawad. Sabagay! Hindi ganun kadaling magpatawad lalo na kung sa katulad ko.

"Kuya, sigurado ka na ba dito?"

I nodded. Pag nagising na sya, ang gusto ko ako ang una nyang makikita. Pag naalala nya na lahat kahit patayin nya na ko agad agad okay lang.

"Hhmm" sabay sabay kaming napatingin ng bahagyang gumalaw si juliana.

Pare-pareho kaming nakiramdam at ito na nga ang pinakahihintay ko. Dahan dahan nya ng iminulat ang kanyang mga mata. Para naman akong istatwa dito dahil hindi ako makagalaw.

"Jer-jerimia? A-aray!" Sinubukan nyang umupo sa kama pero sumakit nanaman ata yung uli nya.

Nilapitan ko sya kagad habang puno naman ng kaba ang dibdib ko. Shit! Parang biglang nablangko ang utak ko.

"Ikaw.."

Tinitigan nya ko at parang hindi sya makapaniwalang nakita na nya ko. Kahit naman ako eh, hindi rin ako makapaniwala. This is a miracle!

Juliana's POV

"Ikaw.." hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Naaalala ko na lahat!

Sya yung lalaking mahal ko at sinaktan ako. Dapat ba kong matuwa dahil nakita ko ulit sya?

I really want to but I can't. Naaalala ko dati, gustong gusto ko syang makita pero iniwan nya na ko at ngayon nandito na sya sa harap ko. If this is a dream, I want to wake up already.

Ang dami kong gustong itanong sakanya pero luha lang ang lumalabas sakin. Yung sakit na naitago ni red, bumabalik na.

Oo naalala ko rin nung tinanggal nya lahat ng alaala ko kay jerico. Gusto kong mainis but at the same time nagpapasalamat ako. Naaalala ko nanaman sya, nararamdaman ko nanaman lahat ng sakit.

"Stop crying, juliana" Napaangat ang tingin ko sakanya. He's crying too. Shit! Nakakaramdam nanaman ako ng inis!

"Stop crying? Wow! Just wow! Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan ngayon!" pinunasan ko yung mga luha sa mukha ko at hinarap ulit sya. "naaalala mo ba yung pananakit mo sakin? Yung pangiiwan mo? Yung pakikipaglandian mo sa iba habang nandun ako at kitang kita ng dalawang mata ko! Naaalala mo ba yun? Huh? Kase ako oo! Naaalala ko na lahat! Shit! I just wish na makalimutan ko ulit lahat!"

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now