Juliana's POV
"I'm sorry! Please forgive me!" Hindi ko makita ng maayos yung mukha nya pero alam kong lalaki sya, pamilyar din yung boses nya..
"Remember? Sabi ko sayo papakasalan kita dito diba? Walang magbabago dun!"
Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi nya pero naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit pero napabigat sa pakiramdam. Feeling ko naloko na ko..
Nagiba nanaman yung paligid ko at napunta nalang ako bigla sa may beach. Naging gabi narin ang paligid.
"Sabi nila kung sino daw yung babaeng makakasama mong tumingin sa kabilugan ng buwan yun daw ang mapapangasawa mo"
Gusto kong magsalita at tanungin sya pero bigla akong nanghihina. Basta ang alam ko lang ngayon umiiyak ako.. ng sobra sobra..
"I'll be with you forever! I'll hold you and protect you kahit iwan mo ko balang araw. Kung magmamahal ka ng iba, I'll just support you but my love for you will never fade" narinig ko syang umiyak kaya mas humagulgul pa ko. Kahit hindi ko nakikita ang mga mata nya.. ang mukha nya.. pakiramdam ko sakin nya sinasabi lahat yun. Kahit na hindi ko am kung bakit nya sinasabi yan, nasasaktan parin ako.
"You are mine and I'm yours.. No one can get away what's mine but I think I lost that.. I lost you.. if you'll give me a chance, let's not lose each other again! Be mine.. again.. juliana.. my one and only princess and soon to be my queen"
"Juliana? Juliana! Uy!"
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sakin si jonah at mukhang alalang alala sya. Tumingin ako sa paligid at napansin kong nasa kwarto na ko. Nasa van lang ako kanina ah!
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" puno ng pagtataka ko syang tinignan bago ko hawakan ang gilid ng mata ko.. may luha nga!
"A-ah.. wala, binangungot lang ako" sagot ko nalang. Ayoko ng ikwento kung ano yung napanaginipan ko magaalala lang sya tsaka nasa bakasyon kami, ayokong sirain yung araw nya.. nila dahil lang sa panaginip ko.
"Sigurado ka?" Tanong nya pero imbis na sakin sya nakatingin, dun sya nakatingin sa may leeg ko na parang alam nya kung ano ang napanaginipan ko
"Oo naman! Teka! Na-c-CR na ko!" Pagpapalusot ko. Dali dali akong tumakbo at pumunta sa CR. Ewan ko ba! Hindi ko maintindihan kung ano yung weird o sya. Basta sa ngayon gusto ko munang malaman kung sino yung nasa panaginip ko. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko sya nakikita.
Ang dami kong hustong itanong na sya lang ang makakasagot. Naguguluhan na kasi yung isip ko!
"Haaay!" I let out a big sigh. Kung nakita ko lang siguro yung mukha nya, mas madali sigurong mahanap yung taong yun. Kaya lang wala nga eh!
Huminga nalang ulit ako at napagpasyahan ko ng lumabas. Paglabas ko wala na si jonah kaya medyo nakahinga naman ako ng maluwag.
Bakit mas lalo atang gumulo ang pagiisip ko nung pumunta kami dito? Haaay! Gusto ko talagang malaman kung sino sya..
"Juliana! Kakain na tayo. Tara na" napatingin ako kay stephen na nakabusangot ang buong mukha.
"Ah sige" tumayo na ako at sumunod sakanya. "Asan na ba tayo?" Tanong ko.
"Nasa Ilocos na tayo, dito tayo magbabakasyon" sagot nya. Ilocos.. parang pamilyar yun. Hmm, baka nagbusiness trip na ko dito? Ewan! Wala akong maalala eh!
Nanahimik nalang kami pareho hanggang sa makarating kami dun sa mahabang table. Andito na pala lahat eh! Ako nalang yung iniintay :3
Tumabi ako kay jonah at nagsimula ng sumubo. Grabe! Puro lovers ang mga kasana ko! Haaay! Pero naniniwala parin naman ako sa forever! FOREVER ALONE!
YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
Ficción GeneralNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING