Juliana's POV
Ahhh! Shit! Bat ang sakit ng ulo ko?!
'Masaya dahil sa wakas magiging masaya na kaming dalawa'
'Soon to be balisi'
'Soon to be balisi'
A-aah! Lalong sumasakit yung ulo ko! Aray!
"Araaaay!" hindi ko na alam kung anong gagawin ko pa sa ulo ko dahil sobrang sakit na talaga. Parang hinahati sa gitna.
'Soon to be balisi'
"Juliana? JULIANA?!" hinahabol ko ang aking paghinga ng imulat ko ang aking mga mata.
Ano bang nangyayare sakin?
"Ayos ka lang?!" Tinignan ko lang si jonah at kahit may gusto akong sabihin, hindi ko magawang magsalita.
"Sumagot ka naman oh!"
"Anong nangyayare?" Tanong ni stephen.
May kakaiba akong naaamoy...
Amoy dugo..
Matamis na dugo..
"Lumayo kayo sakin" mahina at nakatungo kong sabi. Mali tong nararamdaman ko, hindi dapat ganito! Kailangan nilang umiwas sakin!
"Pero juliana--"
"Lumayo sabi kayo! Hanggat kaya ko pa, lumayo na kayo!"
"Hindi kita maintindihan juliana! Ano bang problema?"
'Hindi ko rin alam jonah.. hindi ko rin alam' I thought
"Lumayo na kayo, iwan nyo muna kami" nagulat ako ng bigla kong marinig ang boses ni rehjo. Buti dumating sya, ngayon lang ako nagpasalamat dahil sa presensya nya.
"Hindi--"
"Tara na stephen. Ayaan muna natin sila" hinila na ni jonah si stephen palabas ng kwarto at ng wala na sila saka ako nakahinga ng sobrang luwag.
"Okay ka lang?" Lumapit sya sakin pero parang iba yung amoy ng dugo nya sa amoy ng dugo kanina.
"Hindi.."
"Sabi ko na.." dahan dahan syang lumapit sakin at itinapat ang leeg nya sa bibig ko.
"A-anong ginagawa mo?"
"Tatanggalin ko na bukas ang dugong isinalin sayo ng mommy mo kaya ka nakakaramdam ng pagka-attract sa dugo lalong lalo na sa dugo ng mga lalaking mortal"
"P-pano--"
"Bampira rin ako kaya alam ko ang pakiramdam. Sige na, kagatin mo na, kailangan mo paring makainom ng dugo bago tanggalin ang dugong itim sayo. Nangangawit na ko, bilis na, pag hindi mo ininom yung dugo ko lalo kang maattract sa dugo ng mga kaibigan mo"
"Baliw ka ba? Edi namatay ka--"
Lumayo sya sakin at naupo sa harap ko habang naka-smirk.
"Concern ka na sakin? Ha? Yyiiee! Gusto mo na ko no? No?! Hahaha"
Sinamaan ko lang sya ng tingin at hinampas ng malakas sa balikat. Nakakabwiset naman eh! Nagawa nya pang mangasar!
"Aray! Joke lang!" Lumapit ulit sya at itinapat nya ulit yung leeg nya sa bibig ko. "Sige na! Hindi ako mamamatay" mas lalo nya pang inilapit kaya naamoy ko ang tamis at bango ng dugo nya.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at biglang nagiba ang kulay ng paningin ko. Naramdaman ko rin ang pag labas ng pangil ko at wala na kong nagawa ng tuluyan akong maakit sa dugo nya.
YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
Ficción GeneralNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING