Juliana's POV
"okay na yan! hahaha pakita na natin sakanila!" masiglang sabi ni jerico
jusko! buti pa sya masigla! ako hinang hina na! yung takte kong puso kanina pa mabilis yung tibok! kung alam nyo lang! kanina pa ako pagod na pagod.
"okay ka lang baby? parang ang putla mo?" tanong nya. Putek jericooo! tantanan mo na ko please?
"a-ah? okay lang!" sabi ko tapos napaatras ako ng konte
"juliana!" napatingin kami pareho ni jerico dun sa may pinyuan, tinawag kasi ako ni stephen. "kain na daw tayo ng lunch! tara! pinagluto kita" sabi nya tapos hinawakan nya ung risk ko
"t-teka stephen! kaya kong lumakad! pwede bitaw?" sabi ko tapos hinila ko yung kamay ko
hinila ako ni jerico at inakbayan, "narinig mo ba yun? kaya nyang maglakad, kaya hindi mo sya kailangang hawakan"
itong si jerico! pag si stepehen ang kausap dinaig pa yung pagiging masungit at mataray ko. Tsk! buti sana kung marunong tong mag control, eh hindi naman! haaays!
"teka nga!" bulyaw ko tapos tinanggal ko yung braso nya sa balikat ko. "pwede ba? ha? kahit ngayon lang, ayokong nakakarinig ng away nyo. Sige na stephen, susunod na kami, mauna ka na, please lang"
sinamaan nya ng tingin si jerico, napatingin din ako sa mukha ni jerico, ayun! kaya nman pala eh! kung makangiti halatang nangaasar. Haaays! parang silang mga bata. Nung nakalayo na si stephen, siniko ko na si jerico, lokong to! kala nya papalampasin ko yun?
"hoy lalake! akala mo hindi ko nakita yun?" sabi ko sakanya sabay taas ng isang kilay
"ang alin?" pa-inosente nyang tanong
"pa-inosente ka pa! yung ngiti mo kay stephen kanina! ikaaaaw!" kinurot ko sya sa tagiliran
"araaaay!" angal nya
"napaka hilig mo mangasar, asar talo ka rin naman!" sermon mo ko. Alam nyo yung nagaalaga ng batang napaka pilyo? para ganun yung senaryo namin eh!
"aray ko naman!" angal nya ulit tapos nagpout pa! jusko! "alam mo, dinaig mo pa yung mom ko magsermon sakin! hahaha" at nagawa nya pag tumawa? sisipain ko na to eh!
"tumigil ka nga! bilisan mo ng maglakad dyan! gutom na ko-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko ng bigla nya akong hilahin at isinandal sa pader, ang bilis ng mga nangyare nya, at sa sobrang bilis, ang tanging alam ko nalang ngayon nasa harap ko na sya at nakadikit na ang labi ko sa labi nya.
Akala ko hanggang dun lang yun, pero the next thing i knew, lumalalim na yung mga halik nya, hindi ko to first time na paghalik pero yung halik na ganito kalalim? first time to at may ibang sensasyon itong dala, hindi ko ma-explain pero iba talaga, gusto ko syang itulak but I'm too weak para magawa pa yun.
Naramdaman kong yung kamay nya sa may batok ko, tapos yung isang kamay nya naman nakahawak sa bewang ko para suportahan ako, dahil nanlalambot na talaga yung tuhod ko.
Nagresponce narin ako sa mga halik nya. Langya naman kasi! Kakaiba talaga!
maya maya pa, tumigil na sya, bago pa bumaba ang mga halik nya sa leeg ko, lumayo na sya. Nakahinga naman ako ng maluwag, as in literal na nakahinga ako ng maluwag. Kayo pa naman magkaroon ng ganong kissing scene eh! jusko! sa susunod nga magbibitbit na ako ng oxygen tank!
"s-sorry! ano kasi eh! wag ka kasing magsungit, para kang nangaakit eh, buti nalang napigilan ko, kung hindi! magkakaroon na tayo ng junior hahaha" sabi nya sabay smirk
YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
General FictionNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING