Jerico's POV
Badtrip! Pakikipagkaibigan palang sakanya hirap na ko pano pa yung paibigin sya?! Putek naman!
"Problemado ka masyado pare ah! Babae ba yan?" Biglang sulpot ni stephen. Isa pa to eh! Problema ko rin to!
"Ha? Hindi ah"
"Eh bakit tulala ka? Nababaliw ka na ba? Hahaha nako! Kailangan yang maagapan" pagbibiro nya. Siguro nga nababaliw na ko.
"Oo, nabaliw na ko. Hahaha mauna na kaya ako sa manila? Magisa kasi sa bahay yung kapatid ko atsaka ayaw talaga sakin ni juliana"
Pagod na kong pilitin yung isang taong ayaw naman talaga sakin.
"Seryoso ba yan? Gago ka pare! Pabayaan mo nga si princess. Alam mo hindi naman talaga ganyan yan eh. Ang totoo nyan mabait talaga yan"
"Wag mo na nga 'kong lokohin"
"Tanga! Seryoso ako! Simula pagkabata magkakasama na kami nila princess. Nagbago lang sya nung iwan sya ng parents at kapatid nya. Tapos iniwan din sya ni Edmond. Ex-Boyfriend nya yun. Sa sobrang sakit ng pinagdaanan nya bigla nalang syang nagbago."
Mas tragic pa pala sya sa inaakala ko.
"Kaya ayaw nya ng may bagong dumadating sa buhay nya kasi alam nyang iiwaan din sya?" Tanong ko. Gusto ko kasi talagang maintindihan kung bakit ganun si juliana.
"Oo. Kung hindi nga lang kami nagpasensya sakanya ng sobrang tagal baka magisa nalang sya ngayon kasi umabot talaga sa point na pati kami pinagtabuyan nya."
Ngayon naiintindihan ko na. Kailangan ko lang ng mahabang pasensya.
"Buti nalang hindi nyo sya iniwan" sabi ko.
"Syempre naman!"
"Jerico! Stephen! Kain na tayo" sigaw ni jonah mula sa pinto ng resthouse.
"Tara na!" Pagaaya ko. Konting tiis pa jerico, magagawa mo yan!
Troy's POV
"Sir kailangan ko po ng tulong nyo" pagmamakaawa ko kay Mr. Martinez.
Sya lang kasi yung nagiisang taong alam kong mapagkakatiwalaan. Kahit na ampon lang sya sa labas ni lolo, sa tatlong magkakapatid sya lang ang mabait at naging kaugali ni lolo.
"Sir? Tito mo ko troy! Ano ka ba! Oo naman tutulungan kita. Bakit hindi ka muna magbakasyon sa malayong lugar at iwan sakin ang kompanya nyo? Tutulungan ko ang papa mong magpatakbo at aayusin ko lahat. Papalakasin ko ang kumpanya nyo para wala ng magtangkang kumalaban sainyo."
"No tito! Nakakahiya naman po--"
"Ano ka ba! I insist! Sige na! Ako ng bahala"
"Pero--"
"Troy, Magagalit ako Sige ka! Lumayo muna kayo. Isama mo narin pala si hendras dahil paniguradong hinahanap na kayo ni nathalia at nagiisip na yun ng paraan kung pano kayo mapapatay. Sige na"
Tama si tito julius. Yan din ang pakiramdam ko.
"S-sige tito, isasama ko si ama. Maraming salamat po!"
"Wala yun! Ano pa't sobrang bait din ng ama mo sakin hahaha." We both laugh.
I feel so relieve now. The best talaga si tito.
Maya maya pa, nagpaalam narin ako at dumeretso kay ama.
Pagkarating ko ng office nya nadatnan ko syang kausap sila reiwak.
YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
General FictionNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING