Troy's POV
"Kamusta yung pakikipag meeting mo? na-convince mo ba?" she asked ng makapasok na ko ng kotse. Pupunta kami ngayon ng mall para magpalamig ng konti.
"Ahh.. Sabi nya kasi, ayaw nya talaga. Wag na natin pilitin"
"Ha? Baka pag ako yung nag convince pumayag--"
"Hindi! ilang beses ko na syang pinilit pero ayaw nya talaga. Ayaan nalang natin, hindi naman sya ganun kalaking kawalan satin" I lied.
"Pero--"
"Tama na! wag mo ng isipin yun. Pag nagipit yun babalik din yun, okay?" Hindi ko hahayaang bumalik sya sa kumpanya ni lian.
Ilang minuto ang nakalipas at tumahimik na ang paligid ng sasakyan. Tinignan ko saglit si lian at nakita kong natutulog na pala sya. Tuwing nakikita ko sya mas lalo kong gusto syang ilayo kay jerico.
Pano nya nagawa lahat ng yun sa isang babaeng tulad ni lian? Hindi perfect si lian but she's unique that every man will wish that they could have a girl like her at isa na ko dun. Tss! nasakanya na nga binitawan nya pa. Ngayon! pano ko bibitawan si lian? hindi ko alam, I have no idea kasi wala naman akong balak gawin yun.
Ipinark ko na yung kotse sa parking lot ng mall.
"Lian.. lian" I called her
"jerimia.. jer.." she whispered. Pinagmasdan ko sya ng maigi para makita kung gising na ba sya. Pero tulog sya dahil nakapikit ang mata at tingin ko nag i-sleep talk sya.
Pero ang pinangamaba ko, naaalala nya na si jerimia.. pano kung maalala nya narin si jerico?! Hindi pwede mangyari yun! Ginising ko na sya kagad para bumalik na yung senses nya.
"Nanaginip ako! may kausap akong batang babae tapos..."
Kumunot yung nuo ko sakanya. "Tapos?"
"Tapos.. hindi ko na maalala yung susunod na nangyare, hindi ko rin nakita ng maayos yung mukha nung batang babae" Nakahinga naman ako kagad ng maluwag. Thank god!
smiled at her. "Ang aga aga binabangungot ka, haha, baka white lady yun o kaya tsanak! hahaha tata na nga! andito na tayo eh"
*pak*
"Aray naman lian!"
"Eh kasi naman! anong white lady?! Tingin ko naman mabait yun eh! grabi ka" she said and pout her lips.
"Don't pout or else I'll kiss you"
"Waaaa! Pervert red! ewww!" tinakpan nya kagad na parang bata yung bibig nya at imbis na ma-offend ako, natawa nalang talaga ako dahil sa ka-cute-an nya.
Her smile and sweetness are my strength kaya hindi ako papayag na mawala nanaman yun ng dahil lang kay jerico. Past na sya at kung mahal nya talaga si lian, papabayaan nya ng maging masaya si lian. Kung sya ang makakasama ni lia, maaalala lang ni lian lahat ng sakit na binigay sakanya ni jerico. Pero ako, kahit anong mangyare opo-protektahan ko sya pati narin ang ngiti nya.
---
Juliana's POV
"Nagugutom na ko, red! kain muna kaya tayo?"
"San mo ba gusto kumain?" he asked.
Tumingin ako sa paligid, ang daming fast food chains at restaurants pero may isang restaurant na nakaagaw ng pansin ko at tingin ko naman masarap yung pagkain nila dun.
"Dun sa Jiana's Resaturant! tara dun!" pagaaya ko
"Sige hahaha"
Hinila ko na agad si red papunta dun sa restaurant bakamagbago pa isip nya eh, mahirap na.
YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
Ficción GeneralNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING