#43 (Fading)

76 3 0
                                    

After 3 years

Jerico's POV

"Kuya! bakit hindi mo na sya sundan dun? okay lang ako! bat ka ba natatakot sa bruhang yun? maniwala ka sakin! hindi ako masasaktan nun." ayan nanaman si jerimia kinukulit nanaman akong puntahan ko na daw sa canada si juliana, haaay! kung pwede lang bakit hindi? pero nakita ko silang dalawa ni troy at masaya na sila. Naisip ko lang, 3 years ago puro pasakit ang binigay ko sakanya kaya siguro it's about time para bitawan ko na sya at para mabuhay na sya ng masaya. 

3 years na ang nakakalipas at marami ng nangyare, marami narin akong naipundar. Sa loob ng tatlong taon nabuhay ako ng puro gulo at habang dumadaan ang tatlong taon dahan dahan rin akong nagpupundar para sa plano ko. Ngayon tapos na, makapangyarihan na ako to the point na masasabi na kong lumaban kay alexiez.

Tinatanong nyo ba kung asan na sya? andun parin sya sa tabi ng stepfather nya. 

Napatingin ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko. Last year ikinasal na kami, gulat na gulat nga nun ang parents ko pero wala silang nagawa kundi ang bumitaw sa Martinez corp. at makipag merge sa Rey corp. sobra sobra pa ang disappointment nila sakin, hindi ko rin naman sila masisisi dahil ako dissapointed din ako sa sarili ko. Pero ito lang ang masisigurado ko, hindi ako mabubuhay ng matagal kasama si alexiez..

"Masaya na sya kasama si troy kaya hindi na natin sya pwedeng guluhin" yun nalang ang naisagot ko sa napakakulit kong kapatid.

"Pero kuya! kukunin mo lang naman yung dapat sayo"

Sakin? sakin pa nga ba sya? Nakalimutan nya na ako kaya pano ko masasabing akin pa sya? malamang sa loob ng 3 years si rehjo na ang gusto nun.

"Tigilan na natin to, ang mabuti pa sunduin nalang natin sila mommy sa airport, remember? ngayon ang uwi nila"

"Tss! fine kuya! lagi mo nalang iniiba yung topic eh!"

Tumayo na ako sa swivel chair ko at sabay na kaming lumabas ni jerimia sa office.

---

Juliana's POV

"Are you okay?" nilingon ko si troy na nasa tabi ko, nandito pa kami sa loob ng eroplano, haaays! nami-miss ko na sila jonah!

"of course!" I smiled and he also. Bakit ganito yung pakiramdam ko? parang hindi pa ako handa na hindi ko maintindihan. Sa loob ng tatlong taon pakiramdam ko may kulang o baka naman sobra lang akong na-stress kaya ganito na ka-weird yung pakiramdam ko. Grabi kasi talaga yung problema sa company namin dun sa canada, lalo na nung may bumitaw na company samin. Gusto ko ngang ma-meet yun para mapagusapan namin ng maayos kung ano yung mali.

"Ah! nga pala red! gusto kong makpag meet kami nung CEO ng companyang bumitaw sa Martinez corp."

"h-ha? ako nalang! ako naman yung laging nakikipag meeting diba? ako nalang ulit yung makikipag meeting sabihin mo nalang sakin kung ano yung gusto mong sabihin sakanya"

"Tayong dala--"

"Hindi! ako nalang! tapos mamasyal nalang tayo after nung meeting susunduin kita sa office mo"

"okay! pero gusto ko rin maka-experience makipag meeting! sige na! please! please!" 

"Sige, next time!"

"Yes! hahaha thank you!" 

"Attention, please put your seat belts because the airplane is ready to take off, thank you" sabi dun sa speaker.

Nagintay kami saglit at pagtapos nun pwede na kaming bumaba ng eroplano.

Paglabas ko ng eroplano naamoy ko na ulit ang polluted air ng piliinas. Napangiti nalang ako bigla sa hindi ko malamang kadahilanan.

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now