#25 (Samantha)

339 5 6
                                    

Juliana's POV

Inaya ko na pumasok sa loob ng bahay si stephen, kaya lang sabi nya mamaya na daw sya papasok. Pagpasok ko sa loob ng bahay si edmond, jonah tsaka si bryan lang ang nadatnan ko sa salas.

"Asan sya?" Tanong ko

"Nasa rooftop nyo ata" sagot ni jonah. Tumango lang ako at tinungo na ang rooftop.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unang una sa lahat, ang gulo ng nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit, pero parang may nagsadabi saking mali yung nararamdaman ko para kay jerico.

May part din namang nagsasabing, ituloy ko lang, na wag ko ng sayangin yung pagkakataon na meron ako.

Atsaka pangalawa! Ang purpose ko lang naman dati eh wag maikasal kay edmond dahil ayaw kong maikasal sa taong hindi ko mahal. Pero bakit umabot sa ganito ka-complicated na sitwasyon?

At pangatlo, hindi ko nga alam kung handa na akong magmahal eh, aysaka hindi ko rin alam kung ano ba talagang nararamdaman ni jerico para sakin.

Pano kung lumalim yung nararamdaman ko para sakanya? Tapos yung nararamdaman nya naman pala para sakin eh gusto lang at hanggang dun lang.

Pagkarating ko sa rooftop nakita ko syang nakaupo lang, at pinafmanasdan yung ibang bahay. Lumapit naman ako sakanya at umupo sa tabi nya

"Ano ba talaga tayo?" Tanong nya ng hindi nakatingin sakin.

"Hindi ko alam" nagi-guilty ako sa isinagot ko pero hindi ko baman talaga alam eh. Masyadong mabilis ang mga nangyare at gulong gulo na ko

Nakita ko yung pagkuyom ng kamao nya dahil sa sagot ko.

"Mahal mo ba ko? Kasi ako, mahal na kita" Napatingin ako sakanya dahil sa itinanong nya sakin. Anong sasabihin ko? Oo? Pero--- aish! bahala na nga!

"Oo" sabi ko, bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan na ako sa mga susunod na mangyayare

Ngumiti sya sakin. "Ano bang date ngayon?"

"August 15" sagot ko naman

Hinawakan nya yung kamay ko at nginitian ulit ako bago nya ako siilin ng halik

Lahat ng halik nya may ibig sabihin. Lahat makahulugan.

Hinawakan nya yung batok ko para mas lalo pang lumalim ang mga halik nya. And before I knew it, nagre-responce na pala ako sa mga halik nya.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang gagawin to, at yun ay ang risk lahat ng bagay na meron ako para sa lalaking mahal ko. Gagawin ko lahat, ibibigay ko ang buong tiwala ko sakanya.

Stephen's POV

"Mahal mo talaga sya no?" Sabi ni bryan sabay abot sakin ng beer

"Tsk! Oo naman, dati pa, alam mo naman yun"

"Bat hindi mo agad sinabi?"

"Naghihintay kasi ako ng tamang panahon.." napatawa ako "kaya lang, masyado atang tumagal, kaya ayun! Naunahan pa"

Totoo nga ang sabi nila, nasa huli ang pagsisisi. Kung alam ko lang, edi sana matagl ko ng sinabi sakanya. Atsaka hindi ko ini-expect na sa saglit na panahon mai-inlove agad si juliana kay jerico.

"Ano ng gagawin mo ngayon?" Tanong nya sabay inom nung beer nya.

"Ano pa nga ba? Edi babantayan si princess" dun lang naman ako masaya eh. Yung makita lang lagi na masaya sya at laging nakangiti, okay na yun. Wag lang talagang magkakamali si jerico na paiyakin si juliana

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now