#18 (Box)

319 7 2
                                    

Juliana's POV

Ahh! Ang sakit ng ulo ko!

Bumangon ako sa kama at umupo. Ano ba yan! Ung ulo ko parang winawasak. Hinilot ko yung sintido ko. Unti unti kong minulat yung mata ko...

"Waaaaaaah!" Napasigaw naman ako sa gulat kase bigla bigla ba namang bubungad sa harap ko yung mukha ni edmond e!

"Grabe naman juliana! Para kang nakakita ng multo! Sabagay, gwapong multo naman nakita mo" sabi nya sabay kindat. Bwiset na 'to! Upakan ko kaya to?! "Anyway, sabi sakin ng yaya mo lasing ka daw kagabi nung umuwi ka dito. Juliana Rivero, kailan ka pa natutong uminom? ha?" Sabi nya habang naniningkit pa yung mata.

"M-matagal na!" Pagsisinungaling ko. Actually hindi talaga ako umiinom, dala lang ng stress kaya naisipan kong uminom. Inilapit nya yung mukha nya sakin and this time pumikit na ko ng mariin pero malakas na pitik sa nuo ang nakuha ko. Hinaplos ko yung nuo ko na pinitik nya. Problema ba nito? Kainis! Yung nuo ko!

Binato ko nga ng unan sa mukha "Bakit ka ba nandito! Kainis ka!" Iritado kong sabi

Tumawa lang sya. "May pasok kaya tayo! Pero halatang hindi ka makakapasok kaya aayain kita pumunta sa bahay, gusto ka daw makita ni mommy" sabi nya.

E? May hang over kaya ako "Ayoko" sabi ko sakanya sabay higa ulit

Naramdaman ko naman syang humiga rin sa tabi ko. "Wag ka ngang humiga dito!" Sabi ko habang tinutulak sya.

"Para kang bata! Haha pahiga lang e!" Sabi nya sabay hawak sa braso ko kaya nung nalaglag sya, napasama narin ako at umibabaw sya sakin. Takte yung balakang ko! Kanina ulo, tapos nuo ngayon balakang na? Ano ba 'to?!

"Juliana--" biglang bumukas yung pinto at bumungad samin si yaya at si stephen? Anong ginagawa nya rito? Tsaka nakita nya yung posisyon namin ni edmond, aaiisshh! Madumi pa naman isip neto

Bigla nalang lumapit si stephen kay edmond at kinwelyuhan ito. Ang aga aga may gulo?

"Anong ginawa mo kay juliana?! Hayop ka!" Sigaw ni stephen kay edmond sabay suntok nito sa mukha nya. Si yaya naman hindi alam kung anong gagawin, all of a sudden, ngayon ko lang naramdaman na naka-unbotton na yung 3 butones ko. Shit! Inaalala ko yung ginawa ko kagabi, pero isa lang yung naalala ko.

Napahawak ako sa labi ko, may hinalikan ako kagabi pero hindi ko alam kung sino yun. Takte! Pano nalang kung adik yung hinalikan ko? Bullshit!

"Ano bang pinagsasasabi mo? At sino ka ba?" Tanong ni edmond. Tch! May nag aaway pa pala -.- ibinotones ko na yung damit ko at saka lumapit sakanila.

"Teka nga!" Pagaawat ko, pumagitna na ko. "Wala kaming ginawa! Aksidente yun! Itinutulak ko sya kaya nung napahawak sya sakin nakasama ako sa pag bagsak sa kama. And again! Wala kaming ginagawa atsaka teka nga lang! Bakit andito ka? Pano ka nakapasok? Ha?" Ang alam ko nakalagay yung pangalan nya sa mga hindi pwedeng pumasok dito

"Tch! Yung yaya mo nagpapasok sakin. Gusto kitang makausap..." tumingin sya kay edmond "PRIVATELY!" Diin nya habang nakatingin sya kay edmond. Susugod pa sana si edmond pero pinigilan ko na.

"Edmond! Pwede sa baba ka muna? Please?" Sabi ko at napabuntong hininga naman sya pero sumunod rin. Isinara ni stephen yung pinto at tumabi sakin sa kama, parehas kaming nakaupo.

"Sisigawan mo rin ba ko? Ipaparamdam mo rin ba sakin kung gano ka kagalit sakin dahil sa pagiwas ko sainyo? Sasaktan mo ba ko? Sige! Hindi ako gaganti" kung yun ang ikakagaan ng loob nya, bakit hindi? Kaya kong i-endure yung sakit kahit ikamatay ko pa.

Undying Princess {[EDITING]}Where stories live. Discover now