Juliana's POV
Kinabukasan
Maaga akong nagising ngayon kasi may pasok nanaman. Monday ngayon e. Biglang tumunog yung cellphone ko, sign na may nagtext sakin. Kinuha ko iyon at binuksan para tignan kung sino
From: Jerico Good morning baby! Wake up na! Susunduin kita sainyo. Okay? Eat your breakfast. I love you
Corny pero mukha akong baliw kakangiti dito. Leche! May sakit ba ako? Atsaka naninibago rin ako. Dati lang ayaw na ayaw ko sakanya tapos biglang kami na? GANUN KABILIS!
Iniwan ko na yung cellphone ko sa kama tapos dumeretso na ako sa CR para maligo. First time in my life na may nagtext sakin ng umaga just to tell goodmorning and that 3 words na akala ko dati ang corny pag sinasabi ng lalaki. Oh well! Yeah! I found it corny but sweet!
Pagkatapos ko maligo kumuha ako ng uniform sa walk in closet ko at nagayos ng konte. Marami talagang pagbabago ang nangyayare sakin. Dati, nagsusuklay lang ako tapos okay na, ngayon hindi ako satisfy sa itsura ko, kasalanan to ni jerico.
Binuksan ko yung sulong ng table ko at nakita ko yung make up na iniregalo sakin ni jonah last year. Kinuha ko yun at tinitigan muna. Akala ko hindi ko magagamit to
Naglagay lang ako nung powder sa mukha tapos light lipstick. Yun lang, e malay ko ba sa pag me-make up? Mamaya mag mukha pa akong clown eh! Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa dinning room.
"Ang sarap nyo naman pong magluto" sabi ni.... stephen? A-anong ginagawa nya dito? Akala ko galit sya?
"Haha nako iho! Dahan dahan ah! Baka mabulunan ka. Atsaka, natikman mo naman na dati yung luti ko ah. ikaw talaga, ang bolero mo" sabi ni yaya kay stephen tapos bigla syang napatingin sa direksyon ko. "Oh! Juliana! Tara! Kumain ka na, sabayan mo na tong kaibigan mo" sabi nya sakin
"Manliligaw po ako haha" sabat bigla ni stephen. How come na, kahapon galit na galit sya tapos biglang ganito? idineclare nya pang nanliligaw sya sakin. Ano to?
"Ha? Eh diba sila na ni jerico?" Tanong ni yaya. Napatigil sya saglit sa pagkain at napahigpit yung hawak nya sa kutsara atsaka sa tinidor. Huminga muna sya ng malalim bago ngumiti.
"Hindi pa naman sila kasal e" sabi nya pero this time sakin na sya nakatingin. Bigla naman akong kinilabutan. Hindi ko lang ipinahalata sakanya, pumunta na ako dun sa table at naupo na sa upuan. Sinimulan ko narin kumain. Tahimik yung paligid at ramdam talaga yung tensyon...
"Baby-" biglang dumating si jerico at hindi na nya natapos yung sasabihin nya, kasi malamang nakita na nya si stephen. Di ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil dumating na sya o pagsisihan ko dahil parang magkakaroon nanaman ng away
Lumapit sya sakin at binigyan ako ng smack sa labi. Aba! Gulat naman daw ako
"Bakit andito sya baby?" Tanong nya sakin habang naka hawak sa sya bewang ko.
"A-ah, hindi ko-" Di ako makapagfocus. Anong baby? >///<
"Kase manliligaw nya ko, may problema ka dun?" Sabat ni stephen
"What? Did I heard it wrong?" Napahigpit ng konte yung hawak ni jerico sa bewang ko dahil narin siguro sa galit.
"No. I said it right"
Ramdam ko na an galit ni jerico. "Fvck you! Tantanan mo na nga sya! Akin na sya!"
"Bakit? Kasal na ba kayo? Tandaan mo jerico! Hanggat hindi pa kayo kinakasal, may posibilidad pang magbago ang isip nya. Kaya hanggat posible pa, gagawin ko ang lahat" sabi nya sabay labas ng bahay. Binitawan na ni jerico yung bewang ko at humarap sakin.

YOU ARE READING
Undying Princess {[EDITING]}
Ficción GeneralNever been thought na tatagal pa ako ngayon. I don't want to live anymore. I have done enough, but Unfortunately, I think, I'm Undying Princess Formely: One Blood, One Gun then The Last Princess, then, Choose: Die or Live? Still EDITING